Chapter 1:The Angelic Good Girl

436 23 6
                                    

Chelsea

"Go win that competition Chel! "

"Kaya mo yan! Aja! "

"We will be very proud of you anak! "

"Good luck! "

Iyan ang mga naririnig kong motivation ng mga kapamilya at mga kaibigan ko. Tuwing naaalala ko ang mga sinabi nila ay napapaluha ako. Full support talaga sila sa'kin kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para manalo sa kompetisyong to.

If you're asking kung anong kompetisyon ang sasalihan ko, well, ito lang naman ang magpapayaman at magdadala ng kasikatan kung mananalo ka.
Mechanics?
Simple lang.
Mag-aaral ka lang sa isang school at grades and performance ang labanan.

Every year, 20 lang ang nakakapasok. Dapat ay nasa tamang edad ka. It depends kung ano ang age kailangan na sumali. Hindi basehan kung mayaman o mahirap ka. What matters is your grades and performance.
Kung magreregester ka lang, may chansang mapili ang pangalan mo at masali sa top 20.
And I'm lucky na nakapasok ako sa top 20. Bihira lang 'to mangyari sa buhay ko kaya pagsisikapan kong makuha ang tropeyong 'yon!

" Do your best anak. Nandito lang kami palagi na susuporta sayo. " sabi ni daddy matapos tumigil ang minamaneho niyang sasakyan. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Pati na rin si Mommy.

Nandito na kami sa harap ng gate ng school sa sinabing address.

" Anak pakabait ka ah? Wag masyadong kumain ng matatamis magkakadiabetes ka nyan. "
Wika ni mommy na tumingin din sakin. Nasa passenger's seat kasi siya katabi si daddy.

" Oo naman mom, dad. Good girl kaya ako. "
Sagot ko at ngumiti ng sintamis ng saccharin.

"This is why mamimiss ka namin! Wala na ang good girl sa bahay. "
Napataas ng konti ang tono ni daddy.

Hindi ko sila masisisi. Sadyang mamimiss talaga nila ang PINAKAmabait nilang anak.
Hay. This is why I love my life!
Lahat sila puro perfect ang sinasabi sa'kin!
Palaging VERY GOOD ang sinasabi noon pa, kasi hindi naman ako masyadong nagkakamali. Lahat ng inuutos nila masusunod ko.

Araw-araw pinupuri nila ako.
Kung nagtatanong kayo na nagsasawa ako, the answer is
A BIG YES.
Gusto ko naman yung mga praise nila sa'kin pero I'm sick of their strict orders. Curfews, mannerisms, foods, and etc.

But now,

I'M FREE!

Free na akong gumawa ng kahit ano na walang susuway sa mga gagawin ko! Wala ng mga perfectionists na magcucurfew sakin!

And lastly,

I can be me again.

The REAL Chelsea Fortego!

" Sige na po. Baka melelate ako sa orientation. Bye Mom, Bye Dad. "
Mahinhin kong sabi at humalik sa mga pisngi nila.

Matapos nun ay lumabas na ako ng kotse at nagpaalam na sa kanila. Mangiyak-ngiyak silang nagpaalam sa'kin at ako namay tuwang-tuwa.

The Good Girl is not in the house anymore.
Humarap ako sa malaking gate ng school.

Napabuntong hininga.

I can smell the money, fame, and the Praise of my parents! I'll win this para hindi na magbago ang tingin nila sa'kin at kung mananalo na ako, hindi na nila ako mapipigilan kung ano ang gagawin ko! I can do whatever I want! I will always be the good girl to them. Always.

Pumasok ako sa gate and, wow. Nakakamangha ang view. Virgin na virgin ang lugar nato. Wala kang makikitang mga basura o pangit dito. Flowers and trees na nakahanay sa side ng pathway.
It feels so heavenly and also, malaki ang area.

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon