Phyllis
HINDI ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak pero wala na akong luhang mailalabas pa. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gusto kong tumakas pero wala na akong mapupuntahan. I'm trapped.
Nang pumasok ako sa kompetisyong 'to wala na akong iba pang ginawa kundi ang matakot, umiyak, at malinlang. I've been blackmailed twice. Yes, not just Desmond. But Veronica.
During the first vote off, may ibinulong sa'kin si Veronica. Mga salitang nagpatindig ng aking mga balahibo.
"Vote for your sister dear. Or else... Magsasama sila ni Jonnie sa ospital."
Kaya ako napilitang iboto si ate Phoebe. It wasn't my intention to vote her. Pero para iyon sa ikabubuti niya, ayokong may masamang mangyari sa kanya.
"You were forced to vote for your damn bitch twin am I right?" Kinausap ako ni Desmond sa isang bakanteng classroom. Nagulat ako nang malaman niya iyon. That was the second time that I've been manipulated.
Matapos naming maisagawa ang mga sikretong orders sa araw na 'yon ay bumalik kaagad ako sa classroom.
Umupo ako sa aking upuan at nilapitan ako ni Veronica.
"You traitor!" Kasabay ang malakas na sampal na natanggap ko mula sa kanya.
Nilapitan kaagad siya ni Lynnette at doon nagsimula ang gulo. Lynnette didn't know what was Veronica's saying. Walang kaalam-alam si Lynnette sa mga nangyayari kaya hindi niya ito naintindihan.
Tinawag niya akong traydor dahil nalaman niyang nakipag alayansa ako kay Desmond laban sa kanya. She was very angry about what she heard in that recording.
At sa botohan nama'y hindi ko sinunod ang utos ni Desmond. Hindi ko iboboto si Veronica dahil baka may masamang mangyayari.
I voted for myself instead.
Me, Lynnette and Jonathan have one vote. Kaya may matatanggap kaming 'Punishment'.
Ngayon na nga araw para sa punishment namin. Umaga, pa lang ay natanggap ko na ang instructions na ibinigay. Ayon sa panuto, kung hindi masusunod ang order ay amay katumbas. Expulsion. Nasundan naman ito ng isa pang text. Naglalaman ng kung ano ang magiging order para sa'kin.
Punishment Order:
You can't talk to your one and only true friend in this Competition until 5 in the afternoon.
*Using any kinds of communication are prohibited.
Hindi ko makakausap si Lynnette ngayon. Marami sana akong sasabihin ngunit ipinagbabawal. Maybe sa'kin muna 'tong mga bumabagabag sa'kin. Kaya ko pa naman. I hope so.
Lumabas ako sa kwarto ko para mamasyal. Gusto kong makasinghap ng sariwang hangin at makapagisip-isip nang maayos.
Tinahak ko ang malaking paaralan. Wala akong ibang nakikita kundi mga punong kahoy at mga gusali lang. Walang katao-tao. Mga kaluskos lang ng mga dahon ang naririnig ko na naghahampasan dahil sa preskong hangin na umiihip.
Tumigil ako sa paglalakad at ipinikit ang aking mga mata. Pinapakinggan ang mga ingay na ginagawa ng kalikasan.
Napasinghap ako sa sariwang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Nawala ng konti ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi pa rin sapat iyon. Hindi ko alam kung bakit, pilit bumabalik ng sakit. It's torturing me.
Dinala ako ng mga paa ko sa gymnasium. Papasok na sana ako nang biglang bumngad sa'kin si Ria at nagkabunggo kami. Natumba ako at napaupo sa sahig.
BINABASA MO ANG
Classroom Billionaire
Teen Fiction20 Boys and Girls are the participants. Take the test. Pass the grade. Win a billion. Only one will become the CLASSROOM BILLIONAIRE