Chapter 18:Who is it?

57 4 0
                                    

Ria

LAST night I had a really bad dream. A nighmatmare, to be exact. I was in a really dark room with only me, standing in the middle of it. I really want to scream but I couldn't. In the room, it was filled with pure silence. Echoing into my ears like it was the end of me. But my nightmare was short-lived. I woke up. Then it comes into my mind that I'm safe and breathing.

Or so I thought. 

Namulat ako mula sa aking bangungot dahil sa isang ingay na ginagawa ng speaker.  Ugh.  And the worst part is, the song. Bakit sa dinamiraming mga kanta bakit pa nila napili ang kantang 'yan? Parang nasusuka ako. Seryoso.

"What the?!" Napatayo ako mula sa pagkakahiga sa sahig ng... Classroom?
I thought it was really the end of my dream but, maybe I'm still sleeping.

"Good morning Group two." mahinahong pagbati ang naririnig namin mula sa isang speaker na nakalagay mesa ni sir.  Sa naririnig naming boses sigurado kaming si sir ang nagsasalita sa kabilang linya.

"Uhm... Ano na namang pakulo 'to?" tanong ko sa kanya na may halong pagka-irita sa tono.

Sino bang 'di magtataka kung bakit kami nandito sa classroom kahit madilim pa at isa pa, kailangan pa ba talagang kaladkarin kami rito habang natutulog? Ugh. Pwede namang mamayang umaga na lang 'to ha? Nakukulangan na ba sila ng oras?

"I'm sorry kung naistorbo ko kayo sa inyong mga tulog, pero this new challenge is perfect sa mga oras na 'to." Really? 12 AM in the morning? 

Habang nagsasalita si sir ay naka-play pa rin ang nakakadiring kanta sa background, kahit mahina lang ito ay naiintindihan pa rin namin ang lyrics nitong... Ugh.

"Is that song? Heart Pounding?" Narinig kong nagsalita si Aphina.

"Yep! Queenteens' last song before they got disbanded. Sayang nga, sila pa naman ang pinakasikat na idol group sa bansa." Mula sa masiglang simula ay naging matamlay ang pagkasabi ni Carl sa pinakahuling sinabi niya. 

But I really hate it when they talk about the issue about that filthy idol group. It makes me sick.

Habang nagdadaldalan ay inistorbo naman ito ng boses ni sir mula sa speaker na may high volume. 

"So, your challenge for this dawn is called... 'Who is it?'"

"Tsk! Cliche." sambit ni Patrick na nasa tabi ko't nakakibit-balikat. 

"The rules are simple, bubunot lang kayo ng tig-iisang liham sa box, at pipili ako ng isa sa inyo na bubuksan ang nabunot niya, then babasahin niya ito sa inyo at kailangan niyong hulaan kung sino ang itinutukoy niyang kaklase niyo. Idedescribe niya lang pero hindi niya dapat sasagutan kahit na alam niya ang sagot. Unless if siya ang itinutukoy sa description'g nabunot niya. Bibigyan ko lang kayo ng limang minuto para hulaan at kung walang makakasagot ay kailangan niyang umamin. Plus points for the right answer, plus points sa pag amin. Individual points to be specific."

"And what if walang umamin?" Sa wakas nagsalita na rin si Emille.

"Well, problema na nila 'yan. Hindi naman group points ang basehan dito. Take note, individual points class. Individual. I'll rank you according to your points gained and the two who has the least points will go home this morning. Good luck." Matapos magsalita ni sir ay biglang lumakas ang pagtugtog ng kanta na umalingawngaw talaga sa buong silid. I hate this. Nakikisabay pa sa pagkanta ang ilan sa'min. Duh. And the crucial part is, dalawa ang mamamaalam ngayon. Seriously bakit ang bilis ng takbo ng larong 'to?  Noong nakaraang araw lang namaalam si Sigrid at ngayon, dalawa na naman sa'min.

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon