Chapter 14:Game of secrets

56 5 0
                                    

Lynnette

Matapos ang pamamaalam ng kambal ni Phyllis na si Phoebe ay nabigyan na naman kami ng panibagong task.  Binigyan kami ng tig isa isang mga smartphones na siyang gagamitin namin sa nasabing task.

Hindi naimention ni sir kung ano ang gagawin namin. Ang tanging tugon lang niya ay ang pumunta kinabukasan sa classroom. 

Maaga akong nagising kaya inagahan ko na lang ang pag punta ko sa classroom at nakakapagtataka kung bakit wala akong nakikita ni isang miyembro ng kabilang grupo.

" Bakit wala pa rito ang mga taga group two? Diba marami sa kanila ang maagang pumapasok? " tanong ko kay Jonathan na nakaupo sa kanyang upuan na may malapad na ngiti. Kami pa lang dalawa ang nandito. 

" Nasabi sa'kin ni Ricky na hindi muna raw sila papapasukin ni sir ngayon dahil napuyat sila sa surprise task nila kagabi. " aniya.

Siya nga pala close pala ang dalawang 'yan kaya nababalitaan kaagad ni Jonathan ang mga nangyayari sa kabilang grupo.

" Swerte nila may rest day. " tugon ko at nagkibit balikat. 
Dumiretso ako sa upuan ko para maupo.

Hihintayin ko na lang si Phyllis na dumating para may makausap ako.
Speaking of Phyllis, I hope she's okay now. After what happened yesterday...

" I-Im sorry ate. " wika ni Phyllis na patuloy pa rin sa pag-iyak matapos ang ginawang botohan na siyang ikinagulat ng karamihan dahil sa naging resulta nito. 

" I don't need your pathetic apology. Bitch. " mahina pero matigas na pagkasabi ng kambal niyang si Phoebe sabay labas nito sa silid. 
Nilapitan ko si Phyllis para patahanin. 

Nagulat ang lahat sa naging resulta dahil hindi namin inakala na magagawa niyang iboto si Phoebe.  Kasi sa pagkakaalam ko, mahal niya ang kambal niya kahit hindi maganda ang trato nito sa kanya. Pero parang may mali eh.

Isa isang nagsipasok ang mga ang mga ka grupo namin sa silid.  Sumunod sa'kin na dumating si Veronica na nakasuot ng magarang damit. Pero hindi bagay sa kanya. Maganda nga siyang tingnan sa panlabas na anyo pero hindi mo naman maiitsura ang ugaling nakakubli sa kalooban nito. 

Sumunod naman si Benedict, Desmond, Oryanna at ang pinakahuling dumating ay si Phyllis na namamaga pa ang mga mata dahil sa kakaiyak.  Nakakaawa siyang tingnan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit sa kanya para yakapin ito.  Hindi naman ito nagdalawang isip na yumakap din sa'kin.  Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon, and I know she needs attention. 

" It'll be fine now Phyl. " sabi ko at tinapik siya sa likuran. 
Binigyan niya lang ako ng isang ngiti pero nakikita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. 

" How sweet! " pang-aasar ng bruha na nakataas ang isang kilay at nakapamewang pa na nakatingin sa'min.

Tiningnan ko lang siya ng masama at nilagpasan namin siya.  Inihatid ko si Phyllis sa kanyang upuan bago umupo sa upuan ko. 

Napatingin ako sa mga kasamahan ko.  Ngayon ko lang namalayan na pito na lang pala kaming natitira sa grupo.  Dahil sa suspended si Jonnie sa kompetisyon dahil sa kanyang kalagayan ngayon. 

" Lyn! Pwedeng magtanong? " muntik na akong mapatalon sa gulat dahil biglang sumulpot si Oryanna sa harapan ko na may malaking ngiti. 

" Oo naman. Ano 'yun? "

" Uhm... Ehehehe, gusto ko lang sanang malinawan sa equation na 'to, total magaling ka naman sa math. " nahihiyang tugon pa ni Oryanna sa'kin sabay tunol ng notebook niya at ipinakita sa akin ang formula.

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon