Chapter 5:Last-Rate Smile

126 8 4
                                    

Chelsea

Success! Natapos ko ang exam smoothly! Magdiwang!

Sa palagay ko wala akong mistakes sa ibang subjects. Ang EASY lang kaya ng mga lessons. Like duh. Tinulungan ko na lang si Romero dahil parang nag struggle siya. And I noticed na nakaw lang siya ng nakaw ng tingin sa'kin sa tuwing nagkikita kami.

Natanong ko sa sarili ko, "Gaano na ba talaga ako kaganda at nanakawan pa ng tingin?" Iba talaga ang buhay maganda.

Nababaliw sila sa kagandahan ko at lalong-lalo na sa pinakamatamis kong ngiti.

Anyways, na disqualified na si Romy. Haha! Good for him then. Nahuli siya sa bitag ko. Good job Chelsea. Are you asking na ako ang nag lagay ng kodego sa upuan niya?

Definitely YES!

Alam naman siguro niya na disqualified ang gagamit ng cheating materials pero pinatulan talaga niya. Tama talaga ang hinala ko. Ganon lang siya kadaling linlangin. One down. Eighteen to go.

At ang susunod kong biktima ay... Hmmm... Ang hirap mamili. Nevermind. Magb-beauty rest na lang ako. Wala namang pasok ngayon eh.

Oo nga pala, katok ng katok si Romy sa pintuan ko kanina lang. Seriously nakakabuwisit siya. Alam na nga niyang walang sumasagot eh katok pa rin ng katok. Halata naman na hindi ko siya haharapin dahil alam na siguro niya na ako ang naglagay ng note sa desk niya.
Kung magsusumbong rin siya wala akong dapat ikabahala. Why?

Kasi siya ang kusang tumingin sa note na yun at na tempt. So wala akong kasalan.

-

Kinabukasan.

Pagkalabas ko sa room ko ay parang may naapakan akong papel. Napatingin ako at kusang kinuha ito. Isang letter.

Binasa ko kung kanino galing...

From: Romero Consulasyon

Oh? Galing pala sa ugok. Nonsense.

Pumasok ulit ako sa kwarto ko at inilagay ang letter sa trash can.

Ano pa bang gagawin ko dun? Eh disqualified na siya. My business with him is done.
Tapos na akong makipaglaro sa isang mahinang kalaban.

Pumasok na ako sa silid. Konti pa lang kami. Maybe excited din sila katulad ko sa results ng ranking.

Tahimik lang na nag-uupo ang babaeng rival ko sa pinakamaganda dito sa class.

Ria Alfonso, kung mataray si Veronica hindi rin magpapatalo 'tong si Ria. Nakita ko siya sa gate nung isang araw at may kameet siya. Sa pagkakaalam ko, confession ang ganap nila. Then ilang saglit lang pinaiyak niya ang lalaki.
She's savage. Basted kaagad si oppa.
Isa siya sa mga babaeng perfect sa posistion for Muse. But I'm prettier than her though.

Then there's Emille. Emille Donna. The hard working girl of the class. Parang rival ni Oryanna sa pagiging masipag. Araw-araw kapag free time, hawak-hawak niya palagi ang Ballpen niya at nakaharap sa malalaking libro. She's very hard working. At maganda naman ang bunga ng ginagawa niya't maganda rin ang mga scores niya. She's not an easy opponent. Pero ang nakikita kong weakness niya ay ang pagiging stressed. Palagi na lang siya ganyan. Haggard na haggard bes! Pati ang malaking eyeglass wala na sa tamang posisyon. At nakakaapekto ito sa health niya. Isipin niyo, kung magkakasakit siya, she is forced not to go to school, at malaking disadvantage na yan.

Next, Krein Roquero. Sa lahat ng lalaki dito siya ang pinaka weird. Hindi siya Nakikipag-usap kung di kailangan. He's anti-social. Pero siya ang pinakamalakas kong kalaban. Why? Coz he's a STRAIGHT A. Almost perfect scores.
And also, Hindi ko siya nababasa. Wala siyang ipinapakitang emosyon. He's mysterious.

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon