" Time, starts...now. "
At nagsimula na nga. Sa pinakaunahang page ay medyo kaya pa ng utak ko dahil natatandaan ko pa ang mga itinuro ni sir. May mga questions din na hindi ko nasagutan at nag proceed sa mga sumunod dahil baka kukulangin ako sa time. Nang maka-abot ako ng second page ay, para akong nakakita ng multo dahil sa takot, ang mga questions kasi ay sobrang hirap na. Ini isa-isa ko ang mga ito ngunit hindi talaga kaya ng utak ko. Sa second page ay mga tatlong answer lang siguro ang sigurado akong tama. Yung isa fifty-fifty pa.
Inilipat ko na naman ang page sa ikatlong pahina pero ganon pa rin. Sobrang hirap.
Nawawalan na ako ng pag-asang sumagot pero naalala ko ang mga sinasabi ni Sig sa akin.
I'll get through this.
***
"Time's up. Pass your papers. " pag-aanunsyo ni sir.
Ipinasa na ng lahat ang mga test papers nila at tiningnan ito ni sir isa-isa.
Parang nabunutan ng tinik ang aking mga kaklase dahil natapos na rin. Pero hinding-hindi pa sila ganoon ka relieved dahil hihintayin pa namin ang results.
Nababahala na rin ako sa magiging resulta ng elimination na 'to dahil alam kong hindi ako sigurado sa mga sagot ko.Napansin kong nakakunot ang noo ni sir habang nakatitig sa isang test paper. Kinikilatis niya itong mabuti.
Tumagal din ang pagtitig niya nang ilang minuto hanggang sa inilipat na niya sa iba pang mga papel." Attention please. " natahimik ang lahat nang mag salita si sir sa harapan namin na nakatayo. Nakataas ang isang kamay na sumisenyas na tumahimik ang lahat.
" First of all I'd like to congratulate all of you. " nanatiling tahimik ang lahat. Hindi maiwasang kabahan ang iba dahil e-aanunsyo na niya ang results.
Nagsimula na rinng tumulo ang pawis ko sa may noo. This is pretty intense." But I'm disappointed. May isang estudyante ang hindi sinagutan ang kanyang test paper. Ni pangalan niya ay hindi inilagay. "
Bulong-bulungan ang naririnig ko sa paligid at nagkatinginan sa isat-isa kung sino nga ba ang tinutukoy ni sir." As a result, he will be out of this competition. "
Natahimik na naman ang lahat. Kinakabahan. Pero wala akong dapat aalahanin dahil sinagutan ko naman at nilagyan ko ng pangalan ko.
"Please stand up if your name is called... Mr. Sigrid Conato."
After hearing his name, napatingin ang lahat sa kanya pati na rin ako. Tumingin siya sa direksyon ko at nagtitigan kami. He's smirking. Kinindatan niya ako at napataas ang isang kilay. Wala akong nakikitang pagka-bahala mula sa mukha niya.Pero ako... May nararamdaman akong kakaiba. Para bang kumuyom ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang sayangin ang pagkakataong to.
" Any last words? " tanong ni sir nang tumayo na si Sig na may malaking ngiti.
" Thank you. Thank you sir, to all my classmates and also... " he glanced at my direction showing his sweet smile.
" Ianah. "-----------------------------------------------------
" Why? " mahinahong tanong ko. I need to maintain my cool.
Binigyan niya ako ng mahinang tawa at bigla siyang naging seryoso. " I'm sorry. It's just that... "
BINABASA MO ANG
Classroom Billionaire
Teen Fiction20 Boys and Girls are the participants. Take the test. Pass the grade. Win a billion. Only one will become the CLASSROOM BILLIONAIRE