Ianah
They say...
First love never dies...
But...
Hindi ako sang-ayon diyan.
Ilang beses na akong na inlove.
Minsan, mutual. Minsan din, one sided.
Ako yung tipong babae na ang bilis mahulog sa isang tao.
Nagpasya na akong itigil na. Pero... Nung makatungtong ako sa top 20...
I fell inlove again...
Bumalik ang napakatangang babae na walang ibang alam kundi ang mahulog sa kahit sinong gwapong nakikita niya.
-
Isang magandang araw ang nasaksihan ko paglabas sa room kong sobrang laki.
Kahit kailan hindi ako nagsasawang tingnan ang view ng school nato.
I hope makasurvive ako sa buong school year. Okay lang sa akin maging finalist. Hindi naman pera ang pakay ko sa pagsali dito. Ang gusto ko lang ay may matutunan ako at makita ko na ang THE ONE ko.
Nasa building na ako nang may narinig akong nagsasalita.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil malayo-layo pa ako sa kanya. Hindi ko rin matukoy kung sino siya dahil nakatalikod siya.
At tsaka, hindi ko pa masyadong kilala ang mga kaklase ko dahil hindi ako magaling sa pag memorize ng mga pangalan. Tanging naaalala ko lang sa kanila ay si Chelsea. Kaso lang expelled na siya. Mabait pa naman ang isang yon sa akin.Papalapit na ako ng papalapit nang marinig ko na ang pinagsasabi niya.
May kausap siya sa phone niya." Okay. Okay Mom. Oo. Sige sige po. "
Mabilis niyang sagot sa kausap niya sa phone niya.
Sa pagkakarinig ko, ang ina niya ang kausap niya.
Maamong tono ang naririnig ko mula sa kanya.
Halatang-halata na mahal niya ang ina niya." Maging mabait ka ah! Wag kang papatalo sa mga classmates mo! " rinig ko mula sa phone niya. Syempre maririnig ko dahil malakas ang volume.
Parang sinesermonan siya.
Ang cute naman. Mama's boy.
Dumaan lang ako sa malapit sa kanya at saktong humarap rin siya sakin.
At nagkatinginan nga kami.
Now nakikilala ko na siya.
Siya yung lalaking tinatawag nilang delinquent ng class.
Napatigil ako sa paglalakad at ngumiti sa kanya pero imbis na ngiti ang ipapakita niya ay napakunot ang noo ko. Sinamaan niya ako ng tingin at tumalikod na.
Anong problema niya sa akin?
Didiretso na sana ako papuntang classroom ay tinawag niya ako.
"Hoy! "
Narinig kong tawag niya na nagpatayo ng aking mga balahibo. Ibang tono kumpara kanina.Napatigil ako sa paglalakad.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Kinakabahan ako.
" Yes? " sabi ko na halatang kinakabahan.
" Narinig mo yun diba? "
Seryosong tanong niya.
OMG. Just by looking at his face... I can sense danger...
Galit siya." H-H-H-Hindi! H-Hindi ah! Hindi ko na-narinig ang pag-uusap n-niyo ng nanay mo!"
Utal ko. Napahawak na ako sa shoulder bag ko at nanginginig.
BINABASA MO ANG
Classroom Billionaire
Teen Fiction20 Boys and Girls are the participants. Take the test. Pass the grade. Win a billion. Only one will become the CLASSROOM BILLIONAIRE