Chapter 8:Vote off!

103 6 0
                                    

Phyllis

Lunch break. Patuloy parin ang pagsusunod namin ng mga orders kahit lunch break. Buti pa ang group 2 may mahabang break. Tama nga ang hinala ko. Iba ang mga orders nila sa mga orders namin.

" Anong problema ni Veronica at hindi pa bumabalik? At tsaka ang kambal mo Phyllis! Maraming points na ang nasayang dahil sa kagaguhan nila! "
Inis na pagkasabi ni Lynnette at napakibit-balikat.

" We can't tolerate them. Ang grades natin ang nakasalalay dito. " wika ni Oryanna na may pag-aalala.

" Kakausapin ko si ate." sabi ko sa kanila.

" Sasama ako. " sabi ni Lyn na lumapit sa akin.

" Okay. Let's split up. Para madali lang ang paghahanap sa kanila. "
Wika ni Ricky.

" I'll stay here. I hate that bitch. "
Sabi ni Desmond na nakaupo lang. Pero wala namang pumapansin sa kanya dahil nga natatakot. Sa itsura pa lang... Hindi siya approachable.

Napag-usapan namin ni Lyn na pumunta sa girl's locker room at sa gym.

" They're pain in the ass. Mga spoiled brats!" napamura si Lyn habang kami ay naglalakad papunta sa girls' locker room.

Hindi na ako nagsalita. Totoo din naman eh. Hindi ko siya masisisi. Kung hindi ko lang sinabi yon hindi magagalit si ate.

" Okay ka lang Phyl? "
Nadistobro ang pagmumuni ko nang mag salita si Lyn at tinapik ako sa likuran ko.

" Yes. " tipid kong sagot at ngumiti.

" Shall we proceed? " sabi niya at tumango lang ako.

I'm glad na naging kaibigan ko si Lynnette.

Pumasok kami sa locker room at sakto nga. Nandito sila. Si ate na nakasandal sa isang locker at si Veronica na nakaupo sa isang bench.

Ang seryoso din ng mukha nila.

" Oh? What do you want? "

Tanong ni ate na tumayo ng maayos at nagkibit-balikat.

" Heh! Nagawa mo pa maging mataray eh perwisyo kayo sa grupo!"
Wika ni Lyn na tumaas na ang tono. Pinigilan ko siya at pinakalma at hindi naman ito nagpumilit at tumahimik na lang.

Tumingin ako sa kanila na sinamaan kami ng tingin na may kasamang nakangiti.

" Ate. Puwede ba tayong mag-usap? " sabi ko.

" Lil sis, ano ba ang ginagawa natin ngayon? Diba nag-uusap tayo? " may pagkasarkastikong sabi niya.

" Let's put an end to this ate. Ayoko ng makipag-away sayo. We're twins! And I love you! At gusto kong bumalik kana sa dati. Sa dating Phoebe. "
Wika ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaluha dahil sa dalawang rason.

Una, galit ako sa sarili ko dahil ako ang may kasalanan kung bakit galit si ate sa akin.
Pangalawa, ayokong masira pa ang relasyon namin ni ate.

" Hay nako sis. Diba Napag-usapan na natin to? Na ayoko ng maging kapatid mo? At tsaka, ikaw din naman ang nagsimula ng lahat ng ito. Ikaw ang nag sindi ng apoy na hinding-hindi na mamamatay pa. "

" But... Pwede naman tayong... Mag simula muli... Diba? Kagaya noon."

Ate... Please.

" It's too late for that sis. I'm done. " sabi niya at naglakad papunta sakin. Nilagpasan niya lang ako.

" Oh by the way... I can't obey the orders right now. I'm kinda sick. Punta muna ako sa clinic. " dagdag pa niya at tuluyan ng lumabas na sa silid.

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon