Chapter 9:Brothers

95 6 0
                                    

Jonathan

"What were you thinking Jon?!" Sermon sa akin ni Ricky, galit na galit. Nakatayo siya sa harap ko nang pawisan, at stressed na stressed.  Nasa dorm kami ngayon, yes, magkasama kami sa isang dorm.

Napatawa ako nang mahina, at ngumiti sa kaniya. Kung siya ay mukhang stressed, ako naman ay prenteng-prenteng nakaupo.

"Ano ka ba, Rick, relax lang. Hindi naman ako 'yung na-expelled. See? Nandito pa ako sa harap mo, buhay na buhay." Napapikit ako, at nagkibit-balikat.

"Kahit na! Hindi pa nga tayo umaabot ng finals, gusto mo nang mawala sa kompetisyon?" Saad niya sa galit na tono. Napamulat ako, at laking gulat ko nang makita ko ang mukha niya na sobrang pula, parang anumang oras ay sasabog na.

"Hmm! Oo na, sorry po. Hindi na mauulit, hindi ko na rin po hahayaang ma-expell ako." Mahina kong tugon dahil kung aasarin ko pa siya'y paniguradong sasabog na siya sa galit. Alam ko kasi kung paano siya magalit. Hindi mo na papangaraping makita pa.

Tumayo ako, at dumiretso sa kusina upang kumuha ng tubig para ibigay sa kaniya. Para naman mahimasmasan siya't kumalma. Kung sabagay, hindi ko siya masisisi. Kasalanan ko naman, eh. Kung ako 'yong na-expelled, malamang bugbog sarado na ako sa kaniya kapag umuwi na kami.

Nangako kasi kami sa isat-isa na kailangan naming umabot ng finals, at kahit sino man sa aming dalawa ang manalo ay paghahatian namin, at mananatiling magkaibigan.

Since kindergarten, kami na 'yung magkasama palagi. Magkapitbahay lang kasi kami, at sobrang close ng mga pamilya namin. Kahit para na kaming magkapatid, eh hindi parin nawawala ang kompetisyon sa pagitan namin.

Sa school, sa bahay o kahit saan pa'y hinding-hindi nawawala ang kompetisyon. Minsan, ako 'yung talo, minsan panalo.  Nagtatagisan kami sa kahit anong bagay. But we're still friends afterall, kahit na nagkaproblema kami noon dahil na-inlove kaming dalawa sa iisang babae, nagkamabutihan naman kami. 

Hanggang sa malaman niya ang tungkol sa kompetisyong ito, napagpasyahan naming mag-enroll, baka sakaling may matanggap sa amin. Hindi naman kami nabigo dahil ito na nga, natanggap kaming dalawa, at hindi kami titigil hanggat hindi kami nananalo.

Kaya hindi ko rin siya masisisi kung bakit siya nagkakaganu'n. Pero ayaw ko rin namang bumoto sa mga kaklase ko. Ayaw na ayaw kong ako 'yung nagiging dahilan nang pagkasira ng kanilang mga pangarap.

I may be funny, but I am emotional deep inside, and Ricky knew what my secret is. Why?  Because We're brothers. Not by blood. But bonds.

Inabot ko na sa kaniya ang isang basong tubig, tinanggap naman niya 'yon, at mabilis na nilagok. Matapos maubos ang tubig sa baso'y ipinatong niya ito sa mini-table na nasa tapat ng sofa. Umupo siya, pansin ko rin na kumalma siya. Nakatingin siya sa akin bago muling nagsalita.

"Care to explain what happened? "

Flashback

Talo kami, at napakaliit lang ng lamang nila sa amin!

Kasalukuyan kaming nakaupo, kaming walo, sa upuang nakaporma nang pabilog. Magkakaroon kami ng botohan sa isa't isa, kung sino ang may pinakamaraming boto, siya ang mamamaalam. 

Napagpasyahan na nilang si Veronica ang iboboto, ngunit hindi ako sang-ayon sa kanila. Hindi ako gagawa ng ikakasira ng kanilang pangarap.

Ang alam nila'y isa lang akong masayahing lalaki na mahilig magpatawa, ngunit sa kaloob-looban ko ay may itinatago akong sikreto, sikretong isang tao lang ang nakakaalam. 

I'm really fragile.

Sabi nga niya, maaawain daw ako, na sa sobrang maaawain, hindi ko na napapansin ang sarili ko na napapabayaan ko na.

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon