Chapter 4:Too good at goodbyes

128 14 1
                                    

Romero

Ngayon na, ang pinakahihintay ng lahat. Ang Exam day.
May mga kinakabahan at meron ding mga excited.
Kinakabahan dahil nakasalalay sa exam ang pananatili mo sa kompetisyong 'to.

Excited dahil alam nilang gagalingan nila at maging first sa ranking.

Kung sino ang pinakamababa sa ranking doesn't mean na ma-eexpelled kana pero kung hindi nakapasa ang grade mo sa hinihinging ceiling grade, Hindi ka na maaaring magpatuloy pa.

Kung nagtatanong kayo kung excited ba ako, well Anak ng tinapay! HINDI! I'm shaking my balls out!

Nung weekend hindi ako nakapag focus sa pag-aaral dahil shutangs nadidistract ako sa kagandahan ni Chelsea!

Habang nagsusulat siya ng mga equations sa kuwaderno niya ay pasulyap-sulyap ako sa kanya! Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin sa dyosang nasa harap ko. At nung Sunday naman nagdala siya ng mga desserts kaya ayun panay kain lang kami at walang natutunan. Hindi ko naman siya masisisi dahil tinutulungan niya lang ako. Ngayon, aasa na lang ako na makakapasa ako. Para sa ama ko.

Inayos ko ang necktie ko na nakaharap sa salamin.

Good na.

4Lumabas ako sa room ko at nadatnan ko si Krein. Napaaga siguro ang gising ko kaya naabutan ko siyang papunta na rin sa classroom.

"Good Morning pre. " bati ko sa kanya at ngumiti.

"Morning. "
Bati naman nito na walang ekspresyon.

Ganyan naman siya palagi. Pero nasanay na ako. Madalas na rin kaming nag-uusap sa tuwing lumalabas ako ng room ko at siya rin. So parang napapalapit na rin ako sa kanya. Pero mas close pa rin kami ni Chelsea kesa sa kanya.

Hindi ko pa kasi makakapagtiwalaan si Krein kasi walang ipinapakitang emosyon.

"Ready ka na sa exam?" panguna kong tanong sa kanya para mawala nag awkwardness.
Nagsasalita lang siya kung mauna kang mag salita sa kanya.

"Maybe not?"
Mahinag tugon niya.

"So parehas lang pala tayo. Ako din eh. Hehe"
Sabi ko sa kanya at sabay tawa ng konti.

"Dahil ba 'dun kay Fortego? " tanong niya agad matapos kong sabihin iyon.

Eh? Bakit alam niya?

"Ah ehh, hindi naman sa ganon... Tinutulungan niya lang ako sa ibang subjects. " palusot ko. Sa totoo lang wala naman talagang kasalanan si Chelsea. Ako lang tong inlove na inlove sa kanya.

Wait, sinabi ko bang inlove? Oo. Sa ilang oras na nagkasama kami eh nahulog na ako sa kanya. Weird right? Pero 'yon talaga nararamdaman ko. Inlove na ako sa kanya.

"Mag-ingat ka sa kanya Romero." mahinang sabi niya sakin nang makalabas na kami ng elevator. Nauna siya sa'kin dahil natulala ako sa sinabi niya.

Bakit? Bakit ako mag-iingat? Anong alam niya?

Bumalik ang atensyon ko sa kanya nang tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Nga pala, Salamat."
Sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Salamat sa?
Etong si Krein talaga Napakamisteryoso. Hindi ko rin siya naiintindihan minsan.

-

Nandito na kaming lahat sa classroom. Nakapuwesto na ang lahat sa kanilang mga upuan.

Tiningnan ko silang lahat at iba't-ibang aura ang nafifeel ko sa paligid.

Etong katabi kong si Veronica ay ang fierce ng aura. Nakakatakot tumingin sa kanya. Para bang mamamatay ka kung tumingin ka sa kanya.

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon