Chapter 21:Smile for Me

41 2 0
                                    

Emille

It's really overwhelming that I'm in the top ten but I don't really like the idea that by next week... There will be a party. Hindi ko gusto ang mga ganyang okasyon. Lalo na't maraming tao ang dadalo at karamihan pa sa kanila'y hindi mo kakilala.

Lumabas ako ng kwarto ko dahil ipinatawag kaming lahat. Ang sabi ay magtitipon kami sa gymnasium.

Nang lumabas ako ng dorm ay napansin kong marami ng tao. Napapatingin pa ang ilan sa kanila sa direksyon ko.  Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari pero sa palagay ko'y mga estudyante sila ng paaralang ito dahil nakasuot ng uniporme.

Habang palakad-lakad ako sa malawak na school grounds ay may mga babaeng lumapit sa 'kin at nagpakilala na mga estudyante raw sila ng paaralan at balik-eskwela na raw sila kahit ongoing pa ang kompetisyon. Nagpakuha rin sila ng litrato kasama ako which is hindi ako sanay kaya medyo hindi ako kumportable. Nagpasalamat naman sila at nagpaalam na. 

Nang marating ko na ang entrance ng gymnasium ay napansin ko si Krein na papasok na rin.

"Krein." Tawag ko. I don't know why I did it.

Lumingon naman ito saka tumigil sa paglalakad.  Hinintay niya akong makalapit sa kanya para magkasabay kami sa paglalakad.

"Morning."

"Morning." Bati ko rin sa kanya.

I'm not the type of person na magsisimula ng usapan.  Hihintayin ko lang na siya ang mauna. 

"May kailangan ka?" Paunang tanong niya.

"Wala naman."

Hindi na ako nakatanggap pa ng salita sa kanya hanggang sa makapasok na kami.

Nandito rin ang iba.

Sa gitna ng malaking gymnasium ay nandoon ang mga... Damit? At iba pang mga accessories. Maraming pagpipilian.

"Wow. May shop sale pala ngayon?" I muttered. Insert sarcasm.

Manghang-mangha ang mga kaklase ko sa nakikita nila ngunit para saan ba ito? Sabi kahapon walang challenge na magaganap this week dahil... Oh para siguro ito sa party next week. So ganoon? Pipili kami ng mga susuotin namin dito?

"Good morning class!" At nandyan na naman si sir.

Napatingin kaming lahat sa likuran namin kung saan ang entrance ng gymnasium. Nakatayo siya suot ang usual uniform niya at ang poker face. 

"Yes! Yes! Halata naman diba? Pili kayo ng mga susuotin niyo at iba pang kailangan niyo para sa party. Pick the bestest suits and dresses dahil hindi basta basta ang party na dadaluhan niyo." Oh wow? Ano 'to? Mala Grammy Awards?

"Eww! I'm not wearing those trash! May sarili akong designer." Nagpasikat na naman ang feeling reynang si Veronica. Maraming ayaw sa kanya dahil nga sa ugali nitong parang masamang damo. Even me, I don't really like her. I want her to be out immediately.

"Your choice Miss Greene." Pasimpleng tugon lang ni Sir at napasimangot naman si Vero. "Oh, isa pa. I'll the dissolve the teams. From now on, individual challenges na ang matatanggap niyo for the rest of the school year if that's what the heads' decision. We don't know for sure but may posibiliad na mababago pa ito." Wika niya at nagpaalam kaagad. Napangiti na lamang ako nang marinig ko ang sinabi ni sir. Sa wakas wala ng group challenges.

--

Nagsimula na kaming pumili sa mga susuotin namin para sa party sa susunod na lunes. And I have to say, hindi basta-basta ang mga damit na pagpipilian.  Galing pa ito sa ibang bansa at halatang mamahalin.

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon