Chapter 23: The Crowned Loser

28 2 2
                                    

Ianah

The moon shines so bright in this evening. My dress perfectly suits me just like what Oryanna and the others said.

Iniba ko ang pagkakaayos sa buhok ko. Hindi 'yung usual hairstyle ko araw-araw na dalawang mahahabang pigtails na sa sobrang kapal nito ay natatabunan na ang mga balikat ko pati na rin ang harapan ko. Instead of those pigtails ay hindi ko na lang tinalian ang buhok ko at hinayaang nakalugay. 

Tapos na akong mag ayos sa sarili ko at ngayo'y isusuot ko na lang ang isang pares ng hikaw na kulay asul na brilyante.

Matapos kong isuot ito ay agad akong humarap sa salamin at nang makita ko ang sarili ko, hindi ko maiwasang mamula dahil sa nakikita. Hindi ko inakalang magiging ganito ang itsura ko.  Hindi naman kasi ako sanay sa make up. Tanging pulbo lang at suklay sa buhok ang nalalaman ko. 

Lumabas ako sa dressing room, ngayon ko lang napansin na ako na lang pala ang natitira rito.  Tapos na silang lahat magbihis.

Saktong paglabas ko ay sinalubong ako nina Oryanna suot ang kani-kanilang mga damit na napili noong nakaraang linggo. Nakakmangha. Mas lalo pa silang gumanda ngayon. Lalo na sina Ria at Emille na malaki ang ipinagbago sa itsura.

Hindi nakasuot ng eye glasses si Emille. Gumamit siya ng contact lenses. Si Ria nama'y hinayaan niya lang na nakalugay ang kanyang bangs na noo'y nakatali paitaas.  Mas lalo ko pa siyang namumukhaan na isa talagang celebrity. Ang ganda talaga. 

"Ang gandaaaaaa! Mas lalo ka pang gumanda kapag ganyan lang kasimple ang hairstyle mo Ianah!" Galak na sabi ni Oryanna na hindi mawala-wala ang malaking ngiti. 

"I didn't know that... Ganyan pala kalaki ang... Nevermind. Mas maganda pa rin 'yung old hairstyle mo kasi medyo natatakpan ang harap mo. " Umiwas nang tingin si Emille dahil parang nahiya siya. Pero mas nahiya ako dahil napapansin kong kanina pa siya nakatitig sa harap ko.

"Emi! Maganda naman na nakalugay lang ang buhok niya! Mas na eemphasized ang gifted niyang katawan and also, her--"

"Guys! Nandito na ang sundo natin!" Hindi natuloy ni Oryanna ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Ria na nakatayo malapit sa pintuan.

Nagsilabasan na nga kami at bumungad sa 'min ang dalawang magagarang sasakyan sa harapan ng dorm namin. Sa isang limousine, kita kong may dalawang lalaki ang lumabas mula rito at lumapit sa 'min. 

Jonathan. Who's wearing his usual smile. Napansin kong nakatitig lang siya sa pagkamangha kay Ria na ngayo'y nasa tabi ko. 

Ang nasa likod naman niya'y si Patrick na mas gumwapo dahil sa buhok niyang mas naging pormal. Nakikita ko na talaga ang kabuuan ng kanyang noo at ang kanyang makapal na kilay. He looks very stunning. Nakaw atensyon. 

Napatitig lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.  At ang mas nakakagulat pa'y nakangiti siya ngayon na para bang may magandang nangyari sa kanya. It's very rare to see him like this. 

"Ianah, you look very stunning. I can't help but stare at you for the whole night." He said casually. Hindi pa rin nawawala ang ngiti. 

"So are you. I'm pretty sure that mama will be very proud of her son!" Biro ko sa kanya kaya nag iba ang reaksyon niya at namula. Napatawa na lang ako ng konti dahil sa nakikita ko. 

"Seriously?" medyo nainis siya sa sinabi ko kaya't humingi kaagad ako ng pasensya at tinanggap niya naman ito sabay hawak sa ulo ko.

Phew. Buti na lang at bumalik ang ngiti niya. 

Classroom Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon