Lynnette
Nagising ako dahil sa ingay na ginagawa ng phone ko. Nakakapagtataka lang kung bakit tumunog ang alarm kahit wala namang pasok ngayon.
Kinuha ko ito at tiningnan. Hindi pala ang alarm clock yung tumutunog, may tumatawag pala. Magkapareho kasi ang ringtone na ginagamit ko sa alram ko at ang ringtone tuwing mat tumatawag.
Calling: Gina
Si Gina ang tumatawag. Kaklase ko.
Pinindot ko ang answer button para sagutin ang tawag ngunit bago pa man ako makapag-salita ay binungad na agad ako nang sigaw mula sa kabilang linya.
As expected. Gina's very hyped. Ngunit mali pala ako, hindi pala siya hyped kundi nangingig. Umiiyak.
"Hello, Gina what's wrong?" tanong ko.
"Hello... Lyn..." hindi siya makapag-salita nang maayos. "Si... Dianne... W-Wala na... Siya..."
Sa narinig ko, hindi ako makapaniwala. Akala ko isang prank call lang. Akala ko lang pala.
"Gina--"
Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko dahil biglang naputol ang linya.
Itinext ko si Dianne kung okay lang ba siya. Para makumpirma ko na pinaprank call lang ako ni Gina. Si Gina kasi ay may pagka prankster at ginamit niyang subject si Dianne dahil magkapit-bahay lang sila.
Nagtaggal ng ilang minuto ngunit hindi pa rin sumasagot si Dianne sa mga texts ko. It's unusual na hindi agad siya nakapag-reply dahil kung tinitext ko siya, agad naman itong nagrereply.
Nagsimula na akong kabahan.
I dialed her number. Ilang segundong nagriring ang phone niya at luckily, she answered it.
"Hello Dianne? Thank God you're okay. Na biktima na naman ako ni--" hindi ko ulit natapos dahil biglang nagsalit ang nasa kabilang linya.
"Lynnette... I-Ikaw ba 'to?" Dianne's mom answered.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Tita's voice was trembling. She's crying right now.
"Y-Yes tita... Si L-Lynnette po 'to." Nagsimula na ring manginig ang boses ko.
"Wala na si Dianne ija... Patay na siya..." And then she burst out crying.
Napaupo ako sa sahig nang marinig ko ang sinabi niya. Naramdaman kong tumutulo na pala ang mga luha ko.
Dianne's dead.
My only best friend.
Mahirap paniwalaan.
No she's not!
She's not dead!
Hindi ako nagdalawang isip na puntahan siya sa kanilang bahay. Tumakbo ako kahit hindi pa ako nakapagbihis nang maayos. May kalayuan man ang bahay nila sa'min ngunit hindi ko na naisipang sumakay pa dahil wala pang mga tricycle na nagmamaneho sa mga oras na 'to.
Tumakbo ako nang tumakbo. Hindi man lang tumigil para magpahinga. Hindi rin naman ako nakaramdam ng pagod.
Matapos ang ilang minutong pagtatakbo ay narating ko na rin ang bahay nila. Nagulat ako sa nasaksihan ko. Maraming tao ang nagkukumpulan sa labas ng kanilang bahay.
Lumapit ako sa kanilang gate. May naririnig akong mga tao na nagsasalita. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila pero ang alam ko, they're talking about Dianne.
BINABASA MO ANG
Classroom Billionaire
Teen Fiction20 Boys and Girls are the participants. Take the test. Pass the grade. Win a billion. Only one will become the CLASSROOM BILLIONAIRE