Chapter II

388 35 4
                                        

# Question and Answers

Dumating na rin si martin sa wakas! Lumapit siya samin may dala dala siyang food. I don't know kung bakit eh kanina pa siya sa canteen, iniisip ko dun na rin siya kakain. Ewan. Siguro gutom pa! Ganyan naman talaga kapag basketball player ka diba? Malakas ka kumain. Anyway, tumingin siya sa akin tapos nagtanong..

Sino to hale? Tinuturo nya yung lalaki na umupo sa tabi ko.

Ewan. Why don't you ask him? Hindi ko naman siya kilala eh. Nilagay ni martin yung dala niyang foods sa armchair ko.

Para sayo.. Hindi ka pa nagbbreakfast diba? Kumain ka kahit konti. Oo nga pala hindi pa ako nagbbreakfast. Ewan ko nga ba? Pero medyo wala ako ganang kumain nitong nakaraang araw. Hindi naman ako nag-ddiet or anything. Hindi ko rin maintindihan sarili ko minsan.

Tinapik ni martin yung lalaki sa tabi ko.

Brad, taken na yang inuupuan mo. Sabi ni martin.

Inangat niya rin yung ulo niya sa wakas. Sa akin lang pala siya bastos o baka natakot siya kasi nakarinig siya ng lalaking boses. Ewan.

Tumayo siya with his serious face again habang nakatingin kay martin. Alam mo yung parang nagiba talaga yung aura sa buong room? Parang may mangyayaring away. Tumalikod siya tapos umupo dun sa upuan sa likod ni martin pagkatapos humiga ulit siya sa armchair ng hindi manlang nagsalita pabalik kay martin. Puyat ata! Tulog ng tulog.

Dumating na yung prof namin after several minutes. Tapos naglecture na siya.. Bigla na lang na interruped yung discussion niya nung napansin niya yung lalaki sa likod ni martin.

Oh Jed. Welcome to our school. Ngayon ko lang napansin na andito ka na pala.. Duh? Ngayon lang? Matangkad din siya noh? Imposible na hindi mo siya kaagad mapansin and yung mga babae halos di makapagconcentrate sa lecture niya dahil tingin ng tingin sa lalaking yon.. But oo nga pala..

Nakasalamin kasi si yung prof namin. Siguro kahit nakasalamin siya eh malabo pa rin yung mga mata niya. Nagpatuloy na siya sa paglelecture kasi hindi naman siya pinansin nung jed whoever na yun! Kahit ngumiti man lang kasi binati siya ng professor hindi niya ginawa.

Hambog! Nakakairita. Pero napansin ko na tinawag niya ko na 'H' kaya after class sinundan ko siya palabas ng room para makausap.

Oy hambog! TInignan niya ako.

Tapos he sighed again. Ano ba problema nitong taong to.. Parang ako pa nagbibigay ng problema sa kanya! Dahil dun nainis ako ng sobra.. Gusto ko pa magtanong ng mga bagay bagay kaso nainis na talaga ako.

Eto na yung polo mo! Don't worry. I won't disturb you ever again. Thanks for this! Oh no. Hindi pala ko dapat magpasalamat kasi kasalanan mo naman lahat! tapos inabot ko sa kanya yung uniform niya..

Kinuha niya pagkatapos tumalikod na siya sa akin at naglakad ulit. Nagulat ako at sobrang nainis nung nakita ko na tinapon niya yung polo sa trash can ng hallway.

Nakakapikon! Nakakairita! Sino ba siya sa tingin niya? Bahala na siya kahit kailan hinding hindi ko na siya kakausapin ulit!

Nagpunta ko sa library to cool down for a bit. Pero kahit pagpunta ko sa library hindi pa rin ako kayang pakalmahin. Ewan ko ba? Anong meron sa lalaking yun! Gusto ko siya iconfront kung ano bang problema sa akin. Sighed. Wag na lang! Kakalimutan ko nalang.

JED'S PPOV

Sighed. Dito ba sa school na ito ako papasok? Bakit kasi dito pa siya nag-aral? Sighed. Nauhaw ako saglit kaya dumiretso ko sa canteen bago ko magpunta sa office. Balak kasi ako makausap ng dean.Pero ok na din ito. Para hindi na rin ako malate sa klase baka kasi kung bukas pa ako papasok, bukas lang din ako magsisimula maghanap ng classroom ko. Ang dami pa naman building. Sighed.

Love Expression I & II [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon