Chapter XIX

249 27 3
                                    

Nagpatulong ako kay martin para makausap ko yung ‘fiancee’ ni jed. Nakuha ko yung number niya tapos nagkita kami sa isang restaurant.

I was excited to meet her. Gusto ko sa kanya malaman kung ano yung totoo. Jed never mentioned anything about her! I wanted to tell her that I love jed and I’m his girlfriend.

Nung pumasok siya sa restaurant. I knew it was her.. Siya yung girl na nakita namin sa restaurant before nung magkasama kami ni jed. Everyone was looking at us. No. Maybe sa kanya lang! Maganda kasi siya.. Maputi, matangos ang ilong, sexy at higit sa lahat kilalang artista at modelo.

“You’re jed’s girlfriend right?” Tumango lang ako. Alam niya naman pala eh

“I’m joy.” She smiled. Tapos nakipag shakes hand sakin. Nasasaktan ako hindi ko pa alam at hindi pa namin napaguusapan lahat lahat. Tahimik kami walang nagsasalita.

“Oh I’m jed’s fiancee by the way” Tapos she smiled. WTF! Nang-aasar ba siya? Alam niya na ako yung girlfriend tapos sasabihin niya na siya yung fiancee?

“Totoo ba? Mahal ka ba niya?” Ayoko marinig yung isasagot niya pero tinanong ko pa rin.

“Yes. He loves me. Matagal na nga kami dapat ikakasal eh.. Hindi lang ako pumayag kasi masyado pa kaming bata noon. But now, gusto niya na kami magpakasal kaagad. Huh! Ewan ko ba dun natatakot yata na baka mapunta pa ako sa iba. You're really dense aren't you? Hindi mo alam na he's just toying with you. What do you expect from him? He's too damn gorgeous for you sweetheart and I suggest, better go and find some man whose more suitable for a low life level like you.” Parang unti unti niyang dinudurog yung puso ko. No! I know sa lahat ng sinabi niya walang totoo.

Mahal ako ni jed. Ako lang! Tumayo ako at nagiwan ng pera sa ibabaw ng table.. Nagsimula na ako maglakad palabas..

“He’s mine haley!” Naglakad ako ng kaunti pabalik sa kanya..

“Do you even wonder why the he** I’m getting out of here?” Napatingin siya sakin.

“It’s because when you started to talk. You just started to stink. I just realized na nonsense yung pakikipag-usap ko sa’yo”

Umirap ako tapos lumabas na ng restaurant. I’m not gonna lose basta basta. I’ll fight for jed. Hindi siya dapat mapunta sa ganung klaseng babae. I know she’s not the kind of a girl na magugustuhan ni jed at the first place.

Tinext ko si jed. I wanted to talk to him. AGAIN! Sinabi ko sa kanya na sa dati naming pinupuntahan. Kapag hindi siya nagpunta hindi ako aalis doon.

Nagpunta ako sa park kung saan kami lagi nagpupunta. Every memories na meron kami sa lugar na to sana maalala niya... Ilang oras na ako naghihintay pero ayoko sumuko. Alam ko na darating ka jed! Yun yung paulit ulit ko na sinasabi sa sarili ko.

Nakarating ako sa park ng 2:00 pm hanggang ngayon mag 8:30 pm na andito pa rin ako. Waiting. Napatayo ako sa kinauupuan ko nung makita ko na naglalakad na siya papunta sakin.

Nakatingin siya sakin. I smiled. I was happy. Kahit late siya I was happy! Dumating siya and It’s enough for me. Yumuko ulit siya..

“Jed I wanted to tell you something..” Hindi pa rin siya tumitingin.

“Sasabihin ko lang ito for once.. Listen to me jed!”

“I’m not gonna give up jed! I’m gonna love you forever! Pero hindi ako magmamakaawa sa harap mo! I’m not gonna beg para sa pagmamahal mo! Hihintayin ko na bumalik ka sakin. Gagamitin ko yung pagmamahal mo sakin para bumalik ka.” Bumabagsak yung luha ko habang sinasabi ko sa kanya to.

Hindi pa rin siya tumitingin. Nagsisimula na ako maglakad palayo.. Si jed? Naglalakad pauwi na sa kanila. Sumasakit yung puso ko. Unti unting nadudurog. But no. I’m not gonna give up! This is the last time na iiyak ako. I know one day yayakapin niya ulit ako.. Makikita ko ulit yung mga ngiti niya..

Nakita ko sa tapat ng bahay si martin. Niyakap ko siya.

“Martin.. This is the last time na iiyak ako! Promise! Promise! Just please.. Let me cry this hard for once.. Promise martin! Promise hindi na mauulit! Promise!” Hagulgol sa pag-iyak. Hindi ko alam pero kahit anong gawin ko na pag-iyak hindi pa rin gumagaan yung pakiramdam ko. Jed.. I love you so much.. Bakit? Bakit ganito tayo ngayon? Bakit?

......

Kinabukasan..

I decided na simula ngayong araw lalaban ako.

“Are you sure hale?” Tanong sakin ni martin. Ngumiti lang ako sa kanya..

“Fine.. I’ll help you!” Sabi niya sakin.

“Okay.. I know you'll turn out to be a good model someday hale.. I know na kaya mo yan! I can see how beautiful you are inside and out”

Yes. I’m gonna be a model. Hindi ka kaagad panalo joy! Dito pa lang nagsisimula lahat...

Love Expression I & II [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon