Chapter XIV

283 31 2
                                    

Medyo matagal tagal na rin kami andidito sa labas ng gate nila. Nagdadalawang isip pa rin ako kung papasok ba ako o hindi. BWISIT JED!! HINDI PA AKO HANDA SA GANITO. Hinatak niya ko ng sapilitan papasok sa gate nila. Pumipiglas ako.

“Ano ba jed? Ayoko nga..” Pilit ako pumipiglas para bitawan niya yung mga braso ko.

“Jed, hindi nakakatuwa! Mahal kita kaso---“ Para siyang bata. Kinukulit niya ko. Pero ayaw niya bitawan yung braso ko. Nakita ko siya na nakangiti ng biglang may lumabas na tao sa pintuan nila..

WHA---WHAT??? Akala ko kami lang yung tao dito? Binitawan ako ni jed. Tapos bumulong sa tenga ko.

“Bakit? Na-disappoint ka ba?” Tapos tumawa siya. Lumapit siya sa matandang lalaki na nasa tapat ng pinto. Tapos umakbay siya dun.

“Butler philip. Girlfriend ko po si haley..” Hindi ko alam kung anong expression yung ibibigay ko. Bahala na! Ito kasing jed napaka mapang-asar. Pero kinikilig ako sa pagpapakilala niya sakin na GIRLFRIEND NIYA AKO. Weeee!

“Goodevening po” I smiled. Tapos ngumiti din siya. Sabi nung butler philip pumasok na raw kami at malamig daw sa labas.

Oo. Napahiya ako! Hindi rin kasi ako nag-iisip. Bakit nga ba pumasok sa isip ko na bukod sa parents niya at si jed sila lang yung tao sa bahay nila. EH HELLO? MAYAMAN YUNG NAPILI MONG BOYFRIEND. Malaki yung bahay nila. Napakamot ako sa ulo ko. Shocks! Ang laki talaga ng bahay nila. Hindi lang isa or dalawa o tatlo yung katulong nila sa bahay. Ewan. Pero sa ganito kalaki na bahay.. Sa tingin ko, hindi talaga kasya kung konti lang yung naninilbihan.

Magkatabi kami sa sofa ni jed. Sa harapan namin si butler philip. Mabait siya.. Marami siyang tanong sakin. Si jed naman parang close na close sila ni butler philip. Parang mas close pa ata sila kesa samin eh. PAGSELOSAN DAW BA? Hindi kasi ako nakaranas na kausapin ng dire-diretso ni jed. Pero kay butler philip, nag-uusap sila na para bang hindi siya yung jed na nakilala ko.

Magkalayo rin naman yung pagkakaupo namin sa sofa. Hindi naman sobra, pero kasya isa pang tao sa gitna namin. Tinawag si butler philip nung isa nilang maid. Kaya nung umalis si butler philip. Tumabi sakin si jed. Para siyang bata kinikiliti niya ako..

Harutan eksena? OO TAMA. Eto yun! Ngayon lang naman nangyari sakin yung ganito eh. Kaya masaya ako. Naalala ko sila martin tsaka si amy kaya bigla ko kinuha yung cellphone ko.

16 missed calls. 15 messages received. Lahat sa kanila. Nag-aalala daw sila sakin. Kanina pa daw nila ko hinahanap. Pero teka, sino ba nang-iwan? Sila naman ah! HMP.

“Ihahatid na kita.” Tapos hinawakan niya yung kamay ko.

“Hindi ba dapat magpaalam muna tayo kila..” Tapos tumakbo siya kaya napatakbo din ako. Bakit kailangan pa nito tumakbo? TSK. Naka-heels ako oh! Ipasuot ko kaya sa kanya to sabay hatakin ko rin siya at pilitin ko siya tumakbo. Kanina pa niya ko hinahatak ng hinahatak eh. Hindi kaya madaling maglakad ng naka-heels.

Sumakay kami sa kotse niya tapos dumiretso na rin kami sa bahay. Kinuha niya yung phone ko.

“Bakit? Jed akin na yan!” Tapos nilagay niya sa pocket niya. Nilabas niya yung phone niya tapos binigay niya sakin. He smiled.

“1 week. Okay?” Tapos napatingin ako sa kanya. Seryoso ba itong tao na to? What’s wrong with this guy? TSSS.

I went inside my house. Nakita ko na andun pa rin si martin. Nilapitan kaagad ako ni amy. Kanina pa daw nila ako hinahanap, sa bar pa lang.. Nagusap usap din kami. Nagkaliwanagan. Pero hindi ko pa rin sinasabi yung tungkol sa pagdating ni jed. Nung umuwi na si martin sa kanila. Umakyat na rin ako sa room ko. Sinundan ako ni amy

“Saan ka ba talaga galing hale?” Tanong niya sakin habang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. I smiled at her tapos tinapik ko yung bed ko. ( Parang sinasabi ko sa kanya na tabihan niya ako ) Tumabi siya sakin.

“Ams.. Kami na ni jed.” Tumaas yung kilay niya..

“Oh? Hindi ba bago pa lang siya umalis dito sa pinas kayo na?”

“Hindi naman counted yun eh.. Ang gusto ko kasi magsimula kami ulit ngayong andidito na siya!” Tapos napahawak ako sa kamay niya. Ngumiti siya tapos yung parang siya pa yung kinikilig.

“ANDITO NA SIYA??” Sigaw niya sakin. HINDI KAYA AKO BINGE!!! Katabi ko lang siya eh.. Halatang mas excited siya.

“Oo nga. Kanina lang..” Tapos humiyaw siya na para bang sobrang kinikilig. Niyakap niya ako. Tapos sabi niya..

“I’m happy for you hale.. Finally.” Tapos napangiti na lang rin ako.

Ilang minuto lang rin yung nakalipas since nagkausap kami ni ams.. Nakapag-shower na rin ako. Napaisip ako na nasa akin pala yung phone ni jed. Syempre, curious.. Tinignan ko yung phonebook niya. Maraming nakasave na number ng lalaki kesa babae. Marami ring weird names like..

Nevermind 1

Nevermind2

Nevermind3

Don’t answer1

Don’t answer2

Etc.

Sunod ko na tinignan yung messages niya. Wala naman kakaiba eh. Puro barkada, pamilya tsaka si butler philip yung nasa inbox niya.. Nakita ko yung mga conversations namin sa phone niya. Nagulat ako tapos nagsalubong yung dalawa kong kilay nung makita ko yung nakasave ko na name sa cellphone niya. ‘BUT* FACE’ WTF!! BUT* FACE???? Napakahambog talaga nitong si jed! JAMBOG KAHIT KELAN!

Kinabukasan..

Nagising ako ng maaga. Alam mo yung nahihirapan ako matulog baka kasi... Ewan. Nakakatakot na baka panaginip lang lahat ng nangyari. Nagtext ako kay jed.

“Goodmorning Jambog!”

Aba. Mag aalas-dose na ng tanghali wala pa rin siyang reply.

Nakareceive ako ng SMS galing sa phone ko. KINIKILIG AKO. HEAVEN GRABE! Ang gwapo niya kahit gulo gulo yung buhok niya.. Tapos nakahawak siya sa isa niyang mata, para bang kinukusot niya tapos makikita mo na nakahiga pa siya dun sa bed niya sa picture.

Yung message sa ilalim ng picture..

“Just woke up. I saw you in my dreams H” Nung nabasa ko to. Tinignan ko ulit yung picture. Nakita ko yung expression niya na hindi ko pa nakikita before. Ang bigat ng puso ko. SH*T!

Ganito pala yung feeling kapag my boyfriend ka? My heart’s beating so fast. Grabe. Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ni amy. Sinundo ulit ako ni jed. Dinala niya ko sa park kung saan ko nakilala si chuchu..

Nandun kami sa park, kasama si chuchu. Ang saya naming lahat. Walang nag-uusap. Tinginan lang, tawanan. Alam ko weird pero.. Masaya eh?  Masaya ako. Alam ko at nararamdaman ko masaya din siya. May dala siyang camera. Kuha siya ng kuha ng mga pictures namin ni chuchu.. Nung nagpapahinga kami. Humiga siya sa hita ko tapos tinakpan niya yung mukha niya gamit yung isa niyang kamay.

“Gusto ko maging photographer.” Napatingin ako sa kaya. Tapos napatingin ako sa grass sa likod niya. Naalala ko tuloy bigla nung nasa ibang bansa pa siya. I remember na tinanong ko siya kung bakit siya nagtransfer samin. Bakit yun yung kinuha niyang course? Marami akong tanong pero wala siya ni-isang sinagot.. Pinadadalhan niya lang ako ng mga sms ni chuchu sa tuwing nagtatanong ako.

Sa background ni chuchu sa pictures.. Etong park na to. Etong grass na nakikita ko. Ngayon ko lang naintindihan lahat.. Gusto niya sakin sabihin isa isa yung tungkol sa kanya sa lugar na’to. Napangiti ako. Sobrang masaya. Yan yung feeling ko una pa lang..

Love Expression I & II [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon