Chapter XI

252 31 2
                                    

Ilang buwan na nakakalipas since umalis si jed. Minsan niya lang ako tawagan. Pero like he’s usual self hindi naman siya mahilig magsalita. Nalalaman, nakikilala at minahal ko siya through expressions. Lahat talaga tinatanong ako. Bakit daw minahal ko si jed?

Hm.. Bakit? Kapag tinatanong ko sa sarili ko kung bakit. Bumabalik lahat sa memories ko yung mga times na nakasama ko siya. Nakita ko yung mukha niya. At higit sa lahat. Nakita ko yung expressions niya. Dun naman ako talaga nain-love eh. Sa mga pinapakita niya sakin na expressions.. Ngayon tuloy nahihirapan ako kasi hindi ko siya nakikita. Sa phone, halos ako lang lagi yung nagsasalita at nagkkwento.

----- after 1 SEM -----

Ang tagal na niya doon. Miss na miss ko na siya. Minsan naiisip ko ngayon na lang ako nagkaboyfriend yung malayo pa sakin. HMP! Bakit ba kasi ganito nangyayari? Bakit ganito?

1 sem na lang ggraduate na ako. Nagmumukmok ako sa kwarto ng biglang kumatok si amy.. Tinatanong ko kung bakit pero ayaw niya sabihin, lumabas daw ako at mag-usap kami sa sala.

Bumaba ako para makipag-usap. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang dapat namin pag-usapan no? Unang una sa lahat ayoko makipagchikahan kasi bad vibes ako ngayon. Nagulat na lang ako sa lalaki na nasa sofa namin.

Si martin. WTH! Ano bang ginagawa niya dito? Bakit bigla siya nagparamdam? Ang kulit niya.. Gusto nanaman ba niya na umiyak nanaman at masaktan lang siya?

“Kame na hale..” WHAT??? Tama ba yung narinig ko? Sila na daw ni amy? Hindi ko maintindihan yung mararamdaman ko. Dapat ako maging masaya kasi nakamove on na si martin sakin. Tapos alam ko na hindi siya sasaktan ni amy. Pero bakit iba? Hindi ko malaman kung ano ba dapat yung ireact ko.

“Ganun ba? Good for you guys.. Sobrang happy ako for you sis” I hugged her. Tapos when I look at her. She smiled at me. Alam mo yung nakita ko sa kanya yung sobrang masaya siya? Hindi ko pa nakikita na ganyan siya before. Hinayaan ko na lang lahat.

Tinext ko si jed para sabihin na sila na ni martin. Nireply lang niya sakin.. “Edi Good.” Kahit text ganito? Sighed. Kelan siya uuwi? Kelan ko siya makikita ulit? Kelaaaaaan? Nakatulog ako sa sobrang pag iisip ng kila martin at amy.. Pati na rin sa kakaisip kay jed.

After 1 sem again.

Grumaduate na kami. Masaya ako sobra. Sila martin at amy sobrang sweet. Naging close ulit kami ni martin kasi close kami ni amy.. Para kaming naging magbabarkada. Ako naman, nasanay na sa ka-sweetan nilang dalawa. Si jed? Wala.. Sighed. Wala pa rin siya.. Kapag tinatanong ko siya kung uuwi na ba siya.. Hindi na siya nagpaparamdam.

Minsan naiisip ko na iba na lang yung mahalin. Mukhang hindi na siya uuwi eh. Tuluyan na ata kaming maghihiwalay. Malungkot ako lagi..

Niyaya ako nila martin at amy mag bar. Ang sabi ni amy magpakasaya daw ako kasi grumaduate kami. Bakit hindi daw ako magpakasaya? I said. “Okey.. Sige. Tara!” I wanted to forget jed. Even just for a day! Oo tama. I wanted to erase him sa memory ko kahit saglit lang.

We went inside the bar. Maingay. Maraming tao. I can’t even hear what amy wants to tell me. Basta alam ko lang we’re having fun. Fun nga ba? Sighed. Kahit masaya ako sa aura ng paligid. Kahit saglit hindi siya nawala sa isip ko. He’s calling me. Hindi ko naman masasagot dito sa loob ng bar kasi maingay. I went outside. Kaso nung makaabot ako sa labas hindi na siya tumatawag. Napakaimpatient ni jed!!! Ilang ring lang.. Nung hindi ko masagot hindi na siya naghintay. Pinipigilan ko umiyak sa harapan ng bar.

Bumalik ako sa loob ng bar.. I noticed na wala na dun si amy at si martin. They left! OMG! I’m here alone. Ang hirap! Napaka-Loner ko. Yung iba may mga kasama ako wala. Lumabas na ako ng bar and nagstart maglakad papunta sa sakayan ng taxi. Someone’s following me. I knew it. Nararamdaman ko. I can even hear his footsteps.. Kinakabahan ako. I’m scared. Please GOD HELP ME!!

Yung sumusunod sakin suddenly stopped.

“Sabi ko naman sayo ayoko umuuwi ka mag-isa kapag gabi dba?” My eyes suddenly went so blurry. I can't see things clearly. Everything's covered with my tears. Yeah! I was crying. I was crying like he**. But still hindi ako lumilingon. I knew it was him. Diretso lang ako sa paglalakad na para bang wala akong narinig. I don’t want to look back.

Kung lilingon ba ako mawawala ka ulit sa paningin ko jed?

Love Expression I & II [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon