Chapter XVIII

242 25 3
                                    

Nasisilaw ako sa liwanag ng araw.. Padilat ng yung mga mata ko.. Nakita ko si jed sa harapan ko.

“Nananaginip pa ba ako?” Pumipikit ulit ako tapos nung muli kong dinilat yung mga mata ko.

-click-

“JED ANG AGA AGA EH!!” Kinukuhaan niya ako ng litrato gamit yung camera niya. Ako nanaman pinagttripan ng lalaking to.

Pagkatapos mag-almusal sa bahay ni jed umuwi na rin siya sa kanila.. Hindi ko alam pero parang malungkot ako na naghiwalay ulit kami. Pero masaya na din kasi nakasama ko siya ng matagal.

Medyo nahihirapan na rin ako na tumira mag-isa dito sa bahay. Namimiss ko si lola lalo na si amy. Pag-uwi ko galing sa work wala ako madadatnan na tao sa bahay. Mabuti na lang at si jed lagi niya pinaparamdam na andyan lang siya sa tabi ko.

Hindi na naulit na natulog kami ng magkasama ni jed. SYEMPRE NAMAN! Hindi pa ako prepared no? Baka hindi nanaman kayanin ng puso ko. Niyaya niya ako na magkita daw kami pagkatapos ng pictorial niya..

Nagkita kami ni jed sa isang restaurant malapit sa studio kung saan siya may pictorial.. Syempre.. Pagkapasok pa lang niya sa restaurant tingin tinginan na siya ng mga tao. Sa gwapo ba naman ni jed? Kahit siguro ako by stander lang eh hindi maiaalis basta basta yung pagkakatingin sa kanya!

Umorder kami tapos kumain. Nung matapos kami kumain nagorder ng coffee si jed. Alam ko na pagod siya sa work. Kitang kita naman sa expression niya eh, though ngumingiti siya. Hindi pa rin niya matatago sakin na may iba siyang iniisip..

Napatingin ako sa babaeng pumasok sa restaurant. Sobrang ganda niya.. Mahaba yung buhok niya, maganda siya manamit. Maputi yung kutis. Mukang mayaman. Matangos ang ilong. Mukang artista. Napansin ko rin na hindi lang ako yung nakatingin sa kanya.. Dumami ang tinginan sa kanya nung nagorder siya sa counter..

Parehas sila ng inorder ni jed. Si jed naman tulala na nakatingin sa labas.. Nakatalikod kasi siya kaya hindi niya napapansin na may parang artista sa restaurant kung san kami kumakain.

“Jed.. Tignan mo yung babae oh! Ang ganda niya!” Napalingon siya sa likod niya. Nagkatinginan sila nung babae na pinagtitinginan ng lahat. Tapos lumapit yung girl..

“I’m surprised. You’re here..” Sabi nung babae kay jed. Magkakilala ba sila? Katrabaho? Sino naman kaya siya?

Tumayo si jed with his serious face na hindi ko na nakita sa kanya since naging kami..

“Let’s go” Sabi niya sakin. Tapos naglakad na siya. HINDI MAN LANG AKO INANTAY! Tsaka bakit parang galit siya? What’s wrong with him nanaman ba?

Palabas na si jed ng door sana nung sumigaw yung girl..

“JED!! You can’t run away forever! See you!” WTF! Sino ba siya? May ginawa ba si jed na hindi maganda sa kanya. Hinatid niya lang ako sa car.. I’m not asking him any questions alam ko rin naman kasi na hindi niya ko sasagutin. Nung nakababa na ako sa car.. Magpapaalam sana ko pero pinatakbo niya na yung kotse ng mabilis.

Ayan nanaman siya. Ang dating JED NA HAMBOG!

Days have passed. He’s not calling me nor texting me. Hindi na rin kami nagkikita. Nakakailang tawag ang text na rin ako sa kanya kaso hindi naman siya nagrereply.

I know there’s something wrong going on but hinahayaan ko na muna siya mapag-isa. Nagpunta si martin sa bahay.. Inabot niya sakin yung newspaper.

“Bakit martin? Is there something wrong?” Tumingin lang siya sakin.

“Read it hale..” Tapos umalis na siya.

NO! IT’S NOT TRUE. DEFINITELY NOT TRUE! THIS IS A JOKE. WHY WOULD THEY PUBLISH SOMETHING LIKE THIS? Hindi ba nila alam na pwede sila kasuhan ni jed. I went to jed’s house para makausap siya about sa nabasa ko sa newspaper.

Nasa tapat lang kami ng bahay nila..

“Jed. Anu nangyayari? Okay ka lang ba?” Nakayuko siya parang ayaw niya ako tignan. Nag-aantay ako ng answer kaso tumalikod siya, tapos papasok na siya sa kanila.

“Jed talk to me.. Please talk to me..”

“It’s true hale.. Every words na nabasa mo!” Tapos pumasok na siya. Nagsisimula bumagsak lahat ng luha ko. No. It’s not true! I know jed loves me.

JED.. WHY WOULD YOU MARRY SOMEBODY ELSE? 

Love Expression I & II [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon