AMY’S PPOV
Oo. Hindi kami ni martin. Nakiusap siya sakin na tulungan ko siya para makuha niya si haley. Hindi ko alam kung papano.. Siya yung nagbigay ng idea na magpanggap kami, baka ma-realize daw si haley na mas mahal niya si martin kesa kay jed.
Ako din yung nagbalita kay martin na si jed yung gumugulo sa isip ni haley. Kinuwentuhan niya na lang ako na kinausap daw niya si jed para layuan ni jed si haley. Sa totoo lang.. Yung matagal ko ng crush sa basketball team ng school namin eh si martin. Kahit kay haley hindi ko to nasabi kasi ayoko na ako yung humadlang sa kanilang dalawa..
Pero nalaman at napantunayan ko na wala pala talaga kay martin yung LOVE ni haley. Kaibigan lang daw talaga yung turing at nararamdaman niya para kay martin. ANG T@N** T@N** mo haley! Yun sana yung gusto kong sabihin sa kanya nung dinadamayan ko siya sa pag-iyak niya dahil binasted niya si martin. Nakay martin na lahat. BAKIT? BAKIT HINDI NIYA NAIINTINDIHAN YUN?
Lalo ako na-fall kay martin. Oo. Peke lahat ng ka-sweetan namin pag magkasama kami at kaharap namin si haley. Araw-araw ko pinagdarasal na sana balang araw mahalin din ako ni martin. Gaya ng pagmamahal niya kay haley. Bakit ba hindi niya yun magawa? Bakit si haley pa? Bakit hindi ako?
Nung kumalat sa lahat yung pekeng break up namin ni martin. Nagdecide na rin ako na sabihin lahat lahat ng katotohanan kay haley. Mula sa pagkakaroon ko ng crush kay martin hanggang sa pagpapanggap namin na meron kaming relasyon.
Niyakap niya ako habang umiiyak ako sa harap niya.
“I’m sorry hale.. I’m sorry” Hagulgol na ako sa pag-iyak ko.
“Tahan na ams.. Sisteret kita diba? Naiintindihan ko. Naiintindihan kita.” Sabi niya.. Pinupunasan niya yung mga luha sa muka ko.
“Hale.. Patawad. Patawad.” Niyakap ko siya. Sobrang bait sakin ni haley.. Hindi ko alam kung pano ko to nagawa sa kanya! Napakabait din ng pamilya niya sakin.
Nagdecide ako na umuwi na lang muna sa province kung san andudun yung nanay ko. Sabi ko kay haley. Kailangan ko ng panahon para sa sarili ko. Pumayag siya sa mga nagging desisyon ko. Hindi ako nagpaalam kay matin. Hindi pa ako handang makita siya. Alam ko na makakahanap rin ako ng lalaki para sa akin.
……..
HALEY’S PPOV
Wala na si amy dito sa bahay. Ayoko man umalis siya, alam ko na kailangan niya ng panahon. Ayoko maging makasarili. Ako nalang yung andidito sa bahay namin since si lola kinuha na ni mommy sa states, dun na siya magsstay. Oo, mahirap pala mabuhay mag-isa. Si amy yung lagi ko kasama. Hindi ako sanay ng wala siya.
Kakain na sana ako ng tanghalian ng biglang may nagdoor bell..
*ding dong*
Pagbukas ko ng gate. Si martin nasa harapan ko. Hinahanap niya si amy.
“Wala na siya martin. Umuwi na siya sa bicol.” Hindi naman ako galit sa kanya. Nasaktan ko siya kaya niya siguro nagawa yung mga ganitong bagay.
“Ganun ba? Alam mo na siguro lahat lahat ng nangyari at katotohanan” Tumango ako. Seryoso yung itsura ni martin habang nag-uusap kami.
“Sana mapatawad mo ako hale. Mahal kita eh? Hindi ko mapigilan mahalin ka” Umiiyak na siya sa harap ko.
“Simula ngayon, hindi na kita pipilitin hale.. Pero sana magkaibigan pa rin tayo.” Alam ko na nagaantay siya sa sagot ko. Pero wala na akong magiging kaibigan kapag nawala pa si martin. Wala na si amy. Sila lang naman yung mga naging kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Love Expression I & II [END]
Teen FictionProperty of B U B B L E B U M B L E Copyright © - All rights reserved 2012. Unlimited features and kilig moments by LOVE EXPRESSION. Papano mo malalaman/ipapaalam na mahal mo ang isang tao? Through words? Through actions? Through gifts? Ano-anong E...