Ilang araw ang lumipas.. No.. Hindi lang araw.. Buwan. Pumapasok na rin si martin, nagpapansinan kami pero di gaya ng dati na close kami. Nagbabatian na lang kami ngayon. Nag-ngingitian. Hanggang doon lang.. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala yung ilangan samin.
Gaya ng kay martin. Si jambog, hindi na rin ako masyado binibigyan ng atensyon.. Kahit expressions. Para bang may nagawa akong mali? Kahit tumingin nga minsan hindi niya sakin ginagawa. Ano bang dapat kong gawin? Wala naman ako karapatan magalit. Hindi naman kami magkaibigan, mas lalong wala naman kaming relasyon. Sighed.
“Anong problema?” Tanong sakin ni amy
“Wala.”
“Weh?”
“Oo nga”
“Si jed mo ba?” Sumagot ako kaagad. Nagmamadali akong nagsalita.
“Hindi siya sakin.. Hoy ano ka ba? Bakit naman siya pproblemahin ko eh ang yabang yabang nung taong yun eh tapos---“ She interruped.
“Siya nga..” She smirked at me. “Nag-away ba kayo?” Tanong niya.. Umiling ako. “Hmmm. Break?” Amp to.
“Hindi nga kame!”
“Eh ano?”
“Ano ba dapat ko gawin ams? Panget ba ako?”
“HALA! Hinde ah! Gandang ganda ko sayo no? Hindi dahil sa kapatid kapatidan kita. Kung hindi yun yung totoo.”
“B*bo pa ko?”
“IKAW? Syempre lalong hindi. Matalino ka noh!” Pasigaw niya sakin sinabi.
“Sexy naman ako dba?” Malungkot kong tanong.
“Sis kung mataba ka.. Ano pa ako? Tsaka hindi magkakandarapa sayo yung gwapong gwapo na martin na yan kung hindi ka maganda sexy at matalino!” Napatingin ako sa kanya ng parang nagddoubt.
“Maniwala ka sis.. Eh kung hindi ka lang mahal niyang martin na yan! Yan yung magiging crush ko sa team nila eh.. Ano kaba? Yung crush ko walang binatbat sa kagwapuhan ni martin yun!” Tapos tinap niya yung shoulders ko.
“Eh bakit parang ayaw niya sakin?”
“Bulag yun teh. Kumbaga sa pinag-aaralan namin. Blunt affect. Walang ibang expression kundi sumimangot” Napatawa ko sa sinabi niya. Kung sabagay hindi pa niya nakikita sa jambog na tumawa or ngumiti..
“Oh ano.. Kung gusto mo mag mall tayo? Magpunta ka sa salon. Masyado na rin mahaba yang hair mo eh? Tapos palinis ka ng kuko etc.”
“Nako. Alam mo naman hindi ako nagpupunta diyan dba? Naaayusan lang din ako kapag may okasyon”
“Kaya nga.. May okasyon naman eh” Napatingin ako sa kanya. Sobrang nagtatakang face.
“Ano?”
“Nagmamahal ka.. Oh dba? Okasyon yun! Icelebrate natin yan teh!” Hinatak niya ko para kumilos na ako at mag-asikaso
Nagpunta kami sa mall.. Hindi ko naman alam kung ano ginagawa namin dito eh.. Ano kayang pumasok sa utak nitong si amy? Ayoko naman dito. Pinaiklian niya yung buhok ko. Mahaba na raw kasi. May layer tapos sabi ng naggugupit sakin lagi ko daw isiside yung hair ko.. Gitna kasi yung hati ng buhok ko.. Ngayon baguhin ko na daw, ilagay ko raw sa left side. And lagi ko raw hawiin yung bangs ko sa left. Nagpamanicure pedicure kami ni amy. Tapos binawasan nung nag-aayos sakin yung kilay ko.
BINABASA MO ANG
Love Expression I & II [END]
Teen FictionProperty of B U B B L E B U M B L E Copyright © - All rights reserved 2012. Unlimited features and kilig moments by LOVE EXPRESSION. Papano mo malalaman/ipapaalam na mahal mo ang isang tao? Through words? Through actions? Through gifts? Ano-anong E...