Chapter X

260 33 4
                                        

Woo. Kilig grabe! Hanggang ngayon tulala pa rin ako. Naalala ko yung mga ginawa niya sa classroom kanina. Kakauwi ko lang. Hindi na kami nagkita nung last subject. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero hindi siya kasi pumasok.

May nagbubusina sa tapat ng bahay. Tumigin ako sa bintana para silipin kung sino ba yung nasa labas. Wala si lola kasi kinuha siya ni mom, 2 days dun si lola kasi malapit lang kila mommy yung hospital kung saan nagpapacheck-up si lola. Si amy naman hindi pa umuuwi. Hindi nga rin kami nagsabay ng pag-uwi eh. Ewan ko kung nasaan siya.

Pagkasilip ko nasa baba si jambog! Sinigawan ko siya..

“Wag ka aalis! DYAN KA LANG!” Lagi kasi umaalis yun. Baka mamaya pagbaba ko wala nanaman siya.

Nasa gate na ako. Nakasandal siya sa kotse niya. Ngumiti ako. Tapos Ngumiti din siya pabalik. Lumabas ako tapos lumapit ako sa kanya.

“Napadalaw ka?” I smiled. Nakatingin lang siya sakin. Yung titig na para bang alam ko na malungkot yung mata niya. Sad expression. Yang yung nakikita ko sa mga muka niya ngayon.

“May problema ba?” Niyakap niya ako. Hindi ako makahinga. Bakit? Nararamdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko. Niyakap ko rin siya. Hindi ko sinasadya.. Hindi ko mapigilan...

“Jed. I Love You!” Napapikit ako sa pagkasabi ko sa kanya..

Unti unting nawawalan ng higpit yung mga yakap niya. Tapos nakatitig lang siya sakin.

“Ako ba hindi mo mahal?” Tanong ko sa kanya. Kabadong kabado. Sobrang kinakabahan ako sa isasagot niya.. Pero gusto ko malaman eh. Gusto ko malaman kung may patutunguhan ba kaming dalawa?

“I’m sorry H.." F*ck. WTH! Unti unting nagugunaw yung mundo ko. Napatulala ako sa mukha niya. Hindi ako makapaniwala? Bakit? Hindi niya ba ako mahal? Hindi ko mapigilan kaso kusang bumabagsak yung luha sa mga mata ko.

Hinawakan niya yung cheeks ko. Tapos iniharap niya sa mukha niya yung mukha ko. Hinalikan niya ko sa noo. Tapos ngumiti siya (Pilit na pag-ngiti). Sumakay siya sa kotse tapos umalis na. Hagulgol na ako sa pag-iyak. Mahal kita jed.. MAHAL KITA!!!

Iniisip ko na.. Ganito pala kasakit magmahal. Ganito pala yung naramdaman ni martin noon. Oo, tama. Sabi ko sa sarili ko. Pinaghihigantihan siguro ko ng pagkakataon sa ginawa kong pananakit kay martin. Halos magunaw yung mundo ko. Iyak magdamag yan lang ginagawa ko. Halos hindi ako nakatulog dahil sa pag-iyak.

Kinabukasan pumasok ako. Namumugto yung mga mata ko. Sabi nga sakin ni amy wag na daw muna ako pumasok kung hindi pa daw ako handa. Kaso sabi ko ok lang ako. Hindi ko hahayaan na maapektuhan ng nararamdaman ko yung pag-aaral ko. Pumasok din ako sa kadahilanang gusto ko pa din pala siya makita. Gusto ko siya makausap. Txt ako ng txt. Tawag ako ng tawag simula nung umalis siya kaso hindi ko na mareach yung phone niya.

Natapos yung buong klase. Hindi siya pumasok. Bakit kaya? Naririnig ko yung mga classmate ko sa gilid na naguusap.

“Sis alam mo ba? Nagdrop na si Jed! Sayang talaga!”

“Oo nga sis eh.. HAYY. Ang gwapo nya pa naman!!!”

Umalis? Sino? Si jed? Tumakbo ako sa faculty para iconfirm lahat. Ang sabi sakin ni sir, kahapon daw sa last subject namin nagkausap usap daw sila, kasama ni jed yung buong pamilya niya. Aalis na daw sila ngayon.

“Aalis sir? Saan pupunta?” Tanong ko. Nagmamadali akong malaman yung sagot niya. Hindi ko kaya mawala si jed. Kaya pala hindi siya pumasok sa last subject namin kahapon.

“Babalik sila sa florida haley.” Sabi ni sir sakin. Hiningi ko yung address nila jed ang sabi ko may naiwan siya na gamit sakin at kailangan ko maisoli yun kaya binigay niya sakin. Agad agad ako tumakbo papalabas.. Yung pagpunta niya kagabi.. Para yun magpaalam sakin dba? Umiiyak ako habang tumatakbo. Hindi ko hahayaan mawala si jed. Hindi ko makakaya.

Nagtaxi ako tapos inabot ko yung paper sa driver.. Nung malapit kami familiar na yung lugar kung nasaan kami. Nakita ko yung restaurant kung san dinala ako ni martin. Lumagpas kami ng konti sa park kung saan ko nakilala si chuchu. Yung subdivision dun sa bungad lang.. Kanila na.

Song playing: Thankyou for the broken heart by J Rice

Nakita ko siya na nasa labas. May hawak na mga maleta. Isa isa niya na sinasakay sa kotse. Bumaba ako ng taxi. Bumabagsak ng hindi ko mapigilan yung mga luha ko.

“Jed..” Napalingon siya sakin. Nagulat siya na nakita niya ako. Pang-unang beses ko nakita yung expression niya na ganun.

Nakatingin lang siya. Huminto siya sa ginagawa niya pero kahit isang salita wala akong naririnig mula sa kanya..

“Aalis ka pala.. Bakit hindi mo sinabi sakin?” Sinasabi ko sa kanya habang tumutulo ng sobra yung mga luha sa mata ko. Unti  unti siyang lumalapit sakin. Nagtitinginan kami habang naglalakad siya papalapit sakin.

.

.

.

.

.

Niyakap niya ulit ako. Yung yakap na mas mahigpit. Yung sobrang nararamdaman ko na ayaw niya na ako pakawalan.. Bumulong siya sa tenga ko.

“Pagbalik ko haley...” Sobrang hagulgol yung iyak ko. Niyayakap ko rin siya na parang ayoko na mawala siya sakin.

“Pagbalik ko..” Sinabi niya ulit. Tapos tinignan niya ako.

.

.

.

Hinalikan niya ako sa labi ko.

.

.

.

Yun yung unang beses na nakaramdam ako ng iba. Nararamdaman ko na sobrang andyan siya. Sobrang mahal ko siya at ako..

.

.

.

“Sobrang mahal din kita hale”

Totoo pala na yung mga bagay na sobrang bilis magsimula mabilis din magtatapos.

Love Expression I & II [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon