Chapter XII

334 32 2
                                        

JED’S PPOV

I went here sa florida. My mom is sick. Dito niya naisipan magpagamot. Nung una ilang beses kami nag-away ng parents ko. Ayoko kasi umalis sa pinas! Ayoko sana simulan yung samin ni haley kaso hindi ko rin mapigilan. Pero bandang huli, napag-isipan ko na rin na mas gusto ko samahan si mama sa pagpapagamot niya.

Model ako. 19 years old. Matangkad. Mas matangkad ako sa captain ng basketball sa school, si martin cruz. May dahilan kung bakit ako nagtransfer sa school na yun.

Si haley yung kauna unahang babae na kinainteresan ko. Nahulog ako sa iba’t ibang expressions na pinapakita niya.

Sa una pa lang na nakilala ko na siya. Balak ko siya talaga agawin kung sila ni martin, pero hindi naman pala sila. Denial ako nung una. Ayoko kasi aminin na na-inlove ako sa babaeng nakita ko lang pero hindi ko pa nakikilala. Wala ka naman hindi magugustuhan kay haley. Maganda siya, mabait at matalino.

Kahit ganito ako. 2 lang ang naging girlfriend ko. Si haley yung pangalawa. Alam ko na wala siyang alam tungkol sakin. Asa naman kasi siya na ipapaalam ko yun. Ayoko na palagi ko siya nakakausap sa phone kaya minsan lang ako kung tumawag. Baka hindi ko kasi mapigilan umuwi ako bigla. Sa totoo lang miss na miss ko na siya. Sobang miss na miss...

Ggraduate na siya. Pauwi na rin ako. Hindi yung dahil sa graudation niya yung pag-uwi ko. Gusto ko kasi makita yung taong matagal ko na gustong makita. Nakarating ako ng 2:30 am ng madaling araw sa pinas! Pumunta ko sa isang studio. Andudun kasi yung imee-meet ko.

Nung gabi. Naalala ko si haley kaya dumiretso ako sa kanila. Nakatanggap na lang ako ng balita na nasa club daw pala siya. Nagngingitngit ako sa galit! Bakit siya nasa club? Ganito ba lagi niya ginagawa nung wala ako? Tinawagan ko siya nung makarating ako sa club para malaman kung nasaan siya. Nakita ko na palabas siya ng club kaya sinundan ko siya at pinatay ko yung tawag ko.

Namiss ko yung expression niya. Galit na galit siya nung hininto ko yung pag tawag ko sa kanya. Nagulat ako nung bumalik siya sa loob ng club. AYAW NIYA PA PALA UMUWI? Akala ko kaya siya lumabas para umuwi na. Yun pala para hindi ko lang marinig na nasa club siya? Sinusundan ko lang siya tapos nagtatago ako para hindi niya ko makita. Nung nakarating na kami sa loob. Para bang may hinahanap siya. Pagkatapos sumimangot at lumabas nanaman ng club.

Itong babae na to. Saan kaya siya pupunta? Sa maliit na eskinita pa siya dumaan? Papano nalang kung may mangyari sa kanya?

“Sabi ko naman sayo ayoko umuuwi ka mag-isa kapag gabi dba?” Nakangiti ako. Huminto siya. Inaantay ko siya lumingon pero hindi siya lumilingon..

Naglakad siya ulit. Bingi ba siya? Hindi ba niya ko narinig? Hindi ba niya alam na ako to. Nakauwi na ako? Hindi ba siya masaya kasi magkikita na kami ulit?

Love Expression I & II [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon