Chapter VI

272 35 7
                                    

Song playing: You got a friend.

Ang hirap ng sitwasyon namin ni martin. But I guess tama lang yung ginawa ko dba? I don’t want to say yes kung sinasabi ng puso ko is no..

May malapit na park sa restaurant kung saan ako dinala ni martin. Nakakita ko ng swing.. Kaya dun muna ako nagpapalipas ng oras. Maaga pa rin naman para umuwi. Magtataxi nalang ako pauwi mamaya kung matatagalan ako sa pag iisip isip.

May dumaan sa harap ko na magbf at gf.. Ang sweet nila sobra! Hindi naman ako naiinggit eh. Pero magandang scenario lang talaga para sakin kapag nakakakita ako ng mga ganyang lambingan. I never had a boyfriend. I don’t know how it feels kapag sweet sayo yung lalaki. Si martin naman kasi kapag medyo sweet siya lumalayo ako eh.

May lumapit saking aso.. Dinidilaan yung paa ko. Hindi naman ako sa takot sa aso eh.. Besides cute siya at maliit lang..

“Siguro dinadamayan mo ako ngayon no? Malungkot kasi ako.. Pero don’t worry kaya ko naman to eh, matapang kaya ako.” Hinihimas ko yung balahibo niya sa ulo.

May naririnig akong lalake na sumisigaw..

“Chuchu.. Chuchu.. Chuchuuuuuuu”

Siya kaya si chu chu? I laughed. Super laughtrip. Chuchu? Nasa matino pa ba na pag-iisip yung nakaisip ng pangalan nitong cute na aso na ito?

“Andyan ka lang pala chuchu eh” Hingal niyang sinabi..

“IKAW?” Tumingin siya sa akin. Si Jambog! Bakit kaya siya andito. Binuhat niya lang yung aso.. I mean si chuchu.. Tapos tumalikod sa akin..

Tapos naglaro sila ng aso sa harap ko. Hinahagis niya yung bola tapos hinahabol naman ni chuchu yung bola at binibigay niya kay jambog.

Nakatingin lang ako sa kanila.. Ang cute lalo na kapag nagpapahabol siya kay chuchu tapos si jed tumatakbo tapos tawa siya ng tawa ng malakas.. Napapangiti ako. Nawawala sa isip ko yung mga problema ko dahil sa kanila. Hingal na tumabi sakin si jambog. Tapos pinupunasan niya yung pawis niya.. Alam ko na alam niya na may problema ako. Pero bakit hindi niya ko tinatanong?

“Nagmahal ka na ba talaga jambog?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa stars. Hindi siya sumasagot.. Nakikipagkulitan lang siya kay chuchu..

“Siguro hindi pa no? Halata naman eh bakit ko pa nga ba tinanong?” Tapos tumawa ako. Tumingin siya sakin. Tapos binuhat niya si chuchu at hinatak yung kamay ko. Nasa parking na kami sa likod ng restaurant na pinagdalhan ni martin sakin pero napansin ko na wala na dun yung kotse niya.. Umalis na siguro siya. Hinihila pa rin ako ni jambog.. Hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

“Hatid na kita.” Sabi niya sakin.

“Ayoko nga.. Kaya ko na mag-isa.. Salamat na lang. Magtataxi na ako.” Tumalikod ako tapos naglakad na paalis ng bigla niya ko hinatak ulit.. Binuksan niya yung pinto ng kotse niya tapos sapilitan niya ko pinasakay.

“Ayoko na mag-isa ka umuuwi kapag gabi. Maliwanag ba?” Ayan nanaman yung muka niyang seryoso.. Parang kanina lang grabe siya tumawa.. Ngayon, seryosong seryoso na yung muka niya.

Hinatid niya ko sa amin. Bumaba ako ng kotse niya magpapasalamat pa lang sana ako ng bigla niya na pinaandar ng mabilis yung kotse. HAMBOG! Sobrang hambog!

Kinabukasan..

May pasok nanaman. Makikita ko si martin? Katabi ko pa siya. Nakakailang naman. Ano bang dapat kong gawin? Wag muna kaya ako pumasok? Sighed. Kung sabagay puyat ako.. Hindi nga pala ako nakatulog ng maayos buong gabi kakaisip sa tawa ni jambog.. Alam mo yung parang may mabigat sa dibdib ko.. Tapos napapangiti ako kahit wala naman siyang ginagawa.. Nakikita ko lang yung tawa niya ok na lahat ng problema ko. NO NO NO!! GISING HALE!! Wag mo na siya isipin. Nagsasayang ka ng oras sa taong hindi ka naman iniisip! Tama! Papasok ako ngayon. Bahala na!

Pagdating ko sa classroom. Wala pa si martin. Imposible ata to. Never pa ako nauna pumasok sa kanya maliban na lang kung AABSENT SIYA? Oo tama nga ako. Hindi siya pumasok. Start na ng first class namin ng dumating si jambog! Napansin niya na wala si martin sa tabi ko kaya dun sa umupo sa upuan ni martin.

“LQ?” tanong niya sa akin.

“Anong LQ? Late ka na nga kung ano-ano pa tinatanong mo dyan! Dun ka nga sa upuan mo!”

He smiled at me. Tama ba tong nakikita ko? Ewan ko. Pero parang may kumukuryente sa katawan ko.

Natapos na yung klase namin. Nagwoworry ako kay martin. Hindi naman niya kailangan umabsent eh.. Bakit kailangan niya to gawin? Nakokonsensya ako. Kasalanan ko to lahat eh! Nakayuko ako habang nag-iisip may nagtap sa ulo ko habang nakatalikod ako. Hindi siya humarap sakin, patuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Bumabagsak yung mga luha ko ng hindi ko mapigilan. Salamat jed! Huhu. Salamat! Alam ko na yung meaning ng tap sa ulo ko eh para sabihing andyan lang siya.. Hindi ako nag-iisa.

Pauwi na kami ni amy. Hindi na rin ako umiiyak. Kinukwento ko sa kanya lahat ng nangyayari sakin pati yung kay martin. Syempre karamihan ng kwento ko eh yung mga times na kasama ko si jed. Sinasabi ko sa kanya na hindi ko maexplain nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya.

“It must be love sister!” Patawa niyang sinabi sakin.

“Love agad? Ganon ba yun?” I smiled sa kanya.. Imposible naman kasi eh..

“Hindi noh? Yung iba nga dyan nakita lang mahal na eh?”

“Oh? Meron bang ganun?”

“Oo naman.. Go sister! I’ll support you!” Tinap nya yung shoulders ko.

Mahal ko na nga ba talaga siya?

Love Expression I & II [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon