Ilang araw na ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Ito na nga ba yung love? Kasi hindi ko pa yung nararanasan. Mabigat yung pakiramdam ko. Gusto ko na kausapin na niya ko. Ilang araw na niya ako hindi kinakausap. Ano ba talaga ako sa kanya? Malapit na yung sembreak namin. Kahit papano mababawasan yung mga iniisip ko. Sighed.
Gusto ko siya itext pero hindi ko alam yung sasabihin ko. Bahala na. Ewan.
“Jambog” Pero ilang minuto na yung nakakalipas. Oras. Wala. Nagpasya ko na manuod na lang ng t.v para makalimutan siya. Ayoko na muna siya isipin.
*Ring.. Ring..*
Calling...
Jambog
+639056******
What? Wha.. Sinagot ko kaagad.
“Hello?” Bumibilis yung tibok ng puso ko. Nararamdaman ko na parang may mabigat sa dibdib ko. Sh*t
“Kakagising ko lang.. Psh.” SHOCKS! Ang ganda ng boses niya. Ngayon ko lang siya narinig sa phone na magsalita ng ganito. Nope. Yung una naman kasi “wait” lang yung nasabi niya. Ang bigat ng nararamdaman ko.
“Ga-ga..ganun bb..baa? Sss-si.. gee—“ Utal utal kong nasabi sa kanya. Sh*t. Hindi ako makapagsalita ng maayos. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nagulat ako. Tumawa siya ng malakas sa phone. Grabe! SOBRAAA! Yung puso ko jed. Tama na please! Parang may kumikiliti ng pagkatao ko. Mahal na kita jed.. Mahal na kita.
Nagusap kami sa phone ng matagal. Pero hindi siya gano nagsasalita ano pa nga bang bago? Hindi nga gaano pero kahit papano.. Naririnig ko na siya na may sinasabi. Kumain pa nga siya habang kausap niya ako eh.. Hindi ko malilimutan yung halos 40 minutes naming magkausap sa phone. Ako na yung nagpaalam sa kanya sa phone. Si amy kasi nagpapatulong sa report niya.
Magdidilim na sa paligid. Hindi ko pa rin maiwasan maisip yung pag-uusap namin sa phone kanina. Alam mo yung parang my butterflies sa stomach ko. Nangyayari pala talaga sa totoong buhay yung kanta ni bieber kapag in-love ka. LOL.
Hawak ko lang yung phone ko magdamag. Nagaantay ako kung sino ba mauuna magtext saming dalawa. Naisip ko na siya yung tumawag kanina. Bakit hindi ako tumawag ulit? Kasi ako naman yung nagpaalam kanina sa pag-uusap namin. Iddial ko na sana yung number niya eh. Kaso nagvibrate yung phone ko.
1 Message Received
You win!
Jambog
+639056******
Napatawa ako ng malakas. Tapos kinilig na parang ewan. Hindi ko mapigilan tumawa.. Iisa lang pala kami ng ginagawa kanina pa. Nag-aantayan kung sino yung mauuna magtetext. Jed grabe ka! Nakuha mo talaga yung puso ko.
May nagbago na ba sa relationship namin? Ewan. Siguro. Baka? Hindi ko rin alam eh. Meron na nga ba kaming RELASYON para magtanong ako ng ganito? Basta alam ko masaya ako. Hindi ko mapaliwanag pero masaya ako.
“1 linggo na lang.. SEM BREAK NA. YEHEY!” Bungad ko kay amy nung nakita ko siya na nakauniform na rin kagaya ko. Pero hindi ako masaya ng ganito dahil malapit na magsembreak. Masaya ko kasi basta.. As if naman hindi pa alam ng readers yun no?
Song Playing: If I Give you my heart by toni gonzaga
Kanina pa ako nakangiti. Ilang beses na rin ako tinanong ni amy kung bakit daw ba ako ganito kasaya. Kaso mas pinili ko nalang na wag muna siya kwentuhan ng lahat. Papasok na kami sa classroom. Wala pa si jed. Lagi naman eh? Kung hindi late absent yun lang naman yung routine niya eh.
Pagupo ko sa upuan ko. 1 Message Received
“Ang dudumi talaga ng armchair sa school"
Jambog
+639056******”
Ha? Napasilip ako sa ilalim ng arm chair ko. May nakasticker na note. Yung kagaya ng note na binigay niya sakin kasama ng roses.
“Titigan mo maige kung gaano kumikinang yung bituwin oh”
Napasmile ako. Pero bigla akong nagtaka. Paano niya ito nalagay sa ilalim ng armchair ko? Paglingon ko sa upuan niya. Andun na pala yung bag niya. Tumingin ako sa paligid wala siya. Tumingin ako sa pinto. Nakatingin siya sakin. Nakangiti siya. Lahat ng classmate ko tahimik. Nakatingin sa kanya. Naririnig ko yung mga bulungan.. Bulungan kung gaano daw kagwapo si jed lalo na kapag ngumiti.
Naglalakad siya papalapit sakin na para bang may tinatago. Nakalagay yung isa niya kamay sa likuran niya. Nung nasa harapan ko na siya nilabas niya yung kamay niya na nakatago..
“Eto yung rose oh.” SH*********************************T. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kami lang yung tao sa paligid. Oo nga. Parang nung nakaraan lang. A rose and note. Dalawang bagay na pag natatanggap ko mula sa kanya parang binibigyan niya ko ng mas mahal pa sa gold.
Pumasok siya ng maaga para gawin lahat to. Mahal ko siya. Mahal ko siya. Mahal ko siyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...
![](https://img.wattpad.com/cover/1461679-288-k489128.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Expression I & II [END]
Teen FictionProperty of B U B B L E B U M B L E Copyright © - All rights reserved 2012. Unlimited features and kilig moments by LOVE EXPRESSION. Papano mo malalaman/ipapaalam na mahal mo ang isang tao? Through words? Through actions? Through gifts? Ano-anong E...