Nakalipas na yung ilaw mga araw. Nagdadate kami ni jed. Lalong dumadami yung expression niya na hindi ko malilimutan. Nakahanap na ako ng work pero pansamantala lang muna, malayo itong work ko sa kinuha ko na kurso pero pumasok na rin ako. Kukuhain rin naman kasi ako ni mommy. Naghihintay na lang ako na malakad yung mga papers ko.
Sa totoo lang.. Hindi ko pa alam yung mangyayari samin ni jed. Babalik nanaman ba kami sa dati na long distance relationship? All I know is that, kahit saan ako mapunta. Siya lang yung mamahalin ko. Napapansin ko na sa ilang dates namin dala niya yung camera niya. Nahihilig na siya kumuha ng mga pictures. Hindi ko alam kung bakit pero.. Hinahayaan ko lang siya. Masaya ako na ginagawa niya yung mga bagay na gusto niya gawin.
1 message received
H.. IMY.. 2pm ^_~
Ganyan naman siya eh.. Magttxt siya ng sobrang iksi. Anong bago? Kung magsalita nga siya minsanan lang eh? Oh well, minahal ko rin naman yung pagiging ganyan niya. Ok lang. Nagpalit na rin kami ng cellphone after a week. Gaya nga nung sinabi niya.
Nagbihis na ako. Nag-ayos. Syempre naman, ayoko magmukhang kawawa sa tuwing magkasama kami ni jed. Pinagtitinginan kami ng mga tao kasi modelo siya. Bumalik na nga pala siya sa pagmomodel. Sighed. Maraming kumokontrata sa kanya kaso ewan ko lang kung ano bang nagiging desisyon niya. Si butler philip lang rin kasi yung nagsasabi sakin nung ilang mga activities ni jed.
.....
Naaalala ko nung naglalaro kami ni jed sa park.. Dun lang naman kasi kami lagi nagpupunta. Parang kadugtong na yung park na yun ng relasyon namin.
“Oh sige.. Question and Answer na lang tayo ha? Don’t worry pag tinanong kita. Mauna ka sumagot, tapos hindi mo na ako kailangan tanungin kasi sasagutin ko rin yung sarili kong tanong.” I smiled. Tapos tumingin siya sakin with his serious face. Ayaw niya ata eh. AH BASTA!!
“Game.” Sabi ko sa kanya.. Tapos tumitingin tingin lang sya sa camera niya..
“Simulan muna natin dito.. Anong full name mo?” Natutuwa ako sa game na ito. Itatanong ko lahat ng gusto ko tanungin sa kanya. Excited na ako marinig yung mga isasagot niya eh.
“Jered Tan” Sinabi niya habang nakatingin sa camera niya.. Napangiti ako. Sumagot siya! Masaya ako kasi sumagot siya. Lumilipad yung utak ko sa saya. Napatingin siya sakin. So, JERED TAN PALA <3 Naalala ko. AY TURN KO NA PALA..
“Haley Rose Plaza” Tapos tumingin ako sa kanya.
“Uhmm... Ilan na naging girlfriend mo?” Tumingin siya sakin.
“dalawa” Mahina yung pagkakasagot niya sa tanong ko na 'to tapos parang napasimangot din siya. Natulala ako sa sinabi niya. Alam ko na sa gwapo niya maraming magkakagusto sa kanya. Ineexpect ko pa nga mas marami pa sa 10 yung sasabihin niya.. Mas matatanggap ko sana kung marami, iisipin ko lang na playboy siya dati.. Kasi sa gwapo niyang yan! Kaso sinabi niya na dalawa lang kami. Sino yung isa? Ang daming tanong lalo na nagpop out sa utak ko.
“Maganda ba siya?” Kasunod ko na tanong. Naging seryoso na masyado yung mukha niya. Tumayo na siya. Nagpagpag ng jeans.
“Hindi na masaya. Umuwi na tayo.”
Bigla siyang ganun? Ano bang dapat ko maramdaman? Bakit ganito? Parang masakit sa dibdib. Hindi ko maintindihan lahat. Bakit siya naging seryoso.. Mahal niya pa ba yun? Hinatid niya kaagad ako sa bahay tapos hindi siya nagparamdam sakin ng dalawang araw.
Pero ngayon.. Medyo ok na kami. Hindi na lang namin pinaguusapan para hindi masira mood namin parehas. Nagddate kami. Sa park kadalasan pero minsan sinasama ko siya kapag nagsshoping ako.
.....
MARTIN’S PPOV
Mahal ko pa rin si haley. Sa totoo lang. Hindi naman talaga kami ni amy.. Nagpapanggap kami sa harapan ni haley kasi gusto ko na marealize niya na ako talaga yung para sa kanya. Kaso nung umalis sa jed. Pagkakataon ko na sana sa kanya ng biglang umamin sakin si amy na mahal niya daw ako. Ako daw yung niyang tinitignan/sinisilip sa court ng school namin simula nung 1st year palang kami. Matagal niya na daw akong gusto kaso hindi niya masabi dahil alam naman daw niya na si haley yung mahal ko.
Wala akong ibang babaeng nakita at minahal bukod kay haley. Kaso nainlove siya kaagad dun sa jed na yun! T@** I** naman! Bakit kailangan sa kanya pa? Akala ko nung umalis si jed mapapasakin na siya, nung una natutuwa ako sa reaksyon niya. Alam ko na nasasaktan siya. MAY PAG-ASA PA AKO SH*T!!
Pero habang tumatagal.. Nasanay lang siya samin ni amy. Parang naging magbabarkada nalang kami. Bakit ganito? Hindi ganito yung gusto ko mangyari! Ano ba talagang dapat ko gawin para mapasakin siya? Biglang umuwi ng pinas si jed. Yun yung pinakakinalulungkot ko. Sinabi sakin ni amy na malungkot daw siya kasi hindi daw siya nakatulong para maging sakin si haley. Nakipaghiwalay na ako kay amy. Well, actually hindi naman kami kaya parang pekeng break up lang. Ayoko na magpanggap! Para saan pa? Bakit ko kailangan gawin to kung si haley iba naman talaga yung tinitibok ng puso niya.. Ilang araw na rin yung nagdaan.
Sinabi ko kay haley.. Na kahit nagbreak na kami ni amy.. Mananatili pa rin naman kaming friends! Natatakot kasi ako na baka maisip niya na layuan din ako kapag nalaman niya yung pekeng break up namin ni amy. Si amy lumayo siya talaga. Para bang totoong naging kami. Hindi na siya nagttxt hindi na rin siya tumatawag. Alam ko na sobra ko siya nasaktan.
BINABASA MO ANG
Love Expression I & II [END]
Teen FictionProperty of B U B B L E B U M B L E Copyright © - All rights reserved 2012. Unlimited features and kilig moments by LOVE EXPRESSION. Papano mo malalaman/ipapaalam na mahal mo ang isang tao? Through words? Through actions? Through gifts? Ano-anong E...