# 1 Message Received
Natapos na yung klase ko this day.. Kaya ito si martin nagppresinta na ihahatid nya na raw ako. Ang sabi ko sa kanya kasabay ko si amy kaya wag na siya mag-abala kaso nagpumilit pa rin siya.. Ihahatid niya na raw kaming dalawa.. Tsaka gusto rin daw niya makausap si amy.
Nagkita kita kami sa front gate.
Oh. Andito ka pala martin! Sabi ni amy
Yeah. Hatid ko na kayo. He smiled habang nakatingin kay amy
Kami nga ba ang gusto mo ihatid o siya lang? Pabirong sabi ni amy kay martin. Si martin naman biglang namula
Hindi ah.. Asa! Ihahatid lang may malisya nanaman kaagad. Grabe to oh! Umiiling iling siya habang naghihindi kay amy. Si amy naman tawa ng tawa.
Eto talaga si martin. Ang sarap pagtripan!
Hindi ko mainindihan yung nangyayari. Hmmmm. Or should I say, ayoko intindihin yung mga nangyayari? Ewan. Si martin kasi kilala ko na dati pa. Nagtapat siya sa akin na mahal niya raw ako nung 1st year 2nd sem pa lang kami. Sinabi ko sa kanya na hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay kaya siya rin mismo nagoffer na maging magkaibigan na lang kami.
Nagsimula na kaming maglakad. Nakita namin magandang sasakyan sa harapan ng gate ng school. Nakasakay dun yung lalaking kinaiinisan ko..
Hale. Siya si jed diba? Usap usapan siya hanggang court kanina nung sinilip ko yung crush ko. Sabi ni amy
Hmmm. Oo ata? Ewan. Hindi ko naman siya kilala eh.
Wag ka! Nanalo siyang model of the year nitong march lang. Kahit nga sa net makikita mo yung mga pictures niya, lagi siya front cover ng mga magazines. Napatingin ako kay amy. Inalala ko yung mukha niya.. Oo nga gwapo siya eh! Sobrang gwapo niya!
Hambog naman yan eh! Walang kwentang lalaki. Aanhin mo kagwapuhan kung ugaling ewan naman! Pasigaw ko sa kanyang sinabi.
Oh akala ko ba hindi mo kilala? tanong sakin ni amy
Classmate namin siya amy.. Hindi lang siya pumasok ng 1st subject kanina. Baka na-late siya kakahanap ng classroom. Transferee kasi siya eh. sabi ni martin kay amy
Nakarating rin kami sa bahay pagkatapos ng napakatagal na pagccommute. Ang hirap talaga kapag wala ka sariling sasakyan. Tsaka ko naisip nanaman yung lalaking hambog. Buti pa siya! Hmmmp!
Nakareceive ako ng text after ko magdinner kasama sila lola at amy. 1 Message Received
“Goodnight H”
Fr: 09056******
What? H? Sino naman to. Alam ko na siya lang yung tatawag sakin ng ganito since hindi naman nabasa ni martin yung notes ko. At tsaka bakit nga pala nasa kanya yung notes ko?
“J-AMBOG!”
reply ko sa kanya. Jed at hambog JAMBOG! Oha. Winner diba?
15 minutes na nakakalipas hindi pa rin ako nakakareceive ng text mula sa kanya.. Galit kaya siya sa sinabi ko? Bakit hindi na niya ko nireplyan ulit?
![](https://img.wattpad.com/cover/1461679-288-k489128.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Expression I & II [END]
Dla nastolatkówProperty of B U B B L E B U M B L E Copyright © - All rights reserved 2012. Unlimited features and kilig moments by LOVE EXPRESSION. Papano mo malalaman/ipapaalam na mahal mo ang isang tao? Through words? Through actions? Through gifts? Ano-anong E...