Prologue:
Liwanag. Liwanag ang unang-unang bagay na ikalulugod mo kapag tuluyan ka nang lumabas sa kahong pinagtataguan mo sa maraming taon dahil ito ang naging tanging kublihan mo kapag ang mga bagay na nangyayari ay mahirap intindihin at tanggapin.
Pagkatapos mong lumabas doon ay maiidarang ka sa isang kapaligiran na madaming balakid, madaming pagsubok. Ngayon ay ang hudyat ng simula ng iyong paglalakbay.
Pagpapatuloy ng mga bagay na hindi mo natapos noon dahil mabilis na natapos ang oras mo.
Mga bagay na ayaw na ayaw mong mararanasan dahil alam mo sa sarili mo na hindi mo kakayanin.
Ngunit, hindi dapat. Dahil kahit anong pagtakbo ang gawin natin, susundan tayo nito. At tutuparin ang sinumpaang tungkulin at mga dapat na gawin.
Face your fears.
‘Yan ang dapat nating gawin. Sinabi ‘yan ng isang taong mahalaga sa akin noong mga panahong nararanasan ko ang matitinding pagtorture ng takot at kaduwagan.
Pero ano ba ang magagawa natin, kundi ang harapin ang kinatatakutan natin? Dahil kahit anong gawin natin…
…darating at darating ‘yan. Patuloy na magiging checkpoint sa tinatahak nating daan.
Kailangan lang nating maging matatag na sundalo. Dahil ‘yun ang layunin Nya kaya nya inilagay sa ating paglalakbay ang mga balakid na ganito.
Kahit ilan man iyon, kahit gaano man kahirap—haharapin ko…
