Wala sila mama at papa. May inaasikaso daw na negosyo sa branch naming sa Cebu. Sabado ngayon, kaya maaga ang lakad ni Nicole at ng kanyang mga kaibigan. Siguradong buong araw na naman si Nicole na mawawala sa bahay.
Nag-ayos na ako ng sarili pagkatapos kong mag-almusal. Isusulat ko na ang play namin para makapractice na din kami agad.
*Yawn* Inaantok pa din ako. Mahigit 12:00 ng hatinggabi na nang matapos kaming mag-usap ni bestfriend sa phone. Mahaba-habang paliwanagan din kasi ‘yung nangyari sakin. Ano pa nga ba ang aasahan kong reaksyon ni best? Gayunpaman, nangako siya na hindi nya ‘to pagsasabi kahit kanino.
Umupo na ako sa study table ko. Itinali ang mahabang buhok ko at nagsimula ng magsulat. Maya-maya may kumatok sa pinto ko. Bumukas.
“Ma’am Micah, may bisita po kayo.”
“Sige, susunod na.” Sino naman ang magtatangkang pumunta sa bahay ng ganitong oras?
Nagmamadali akong bumaba at nagulat ng Makita si Charle na naghihintay sa living room.
“Good morning, Micah.”
Ay, oo nga pala, may lakad kami ngayon. Nakalimutan ko.
“Uy, Charle, pasensya na. Nakalimutan ko. Wait lang. Magbibihis lang ako.”
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.