CHAPTER II: HEAVEN STREET (PART 1)

34 1 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ako napadpad. Basta ang alam ko dinala ako ng mga paa ko sa isang kalsadang patungo sa isang subdibisyon. ‘Yung feeling na parang may kung anong tumutulak sayo papunta doon, hinuhugot ng napakalakas ang iyong mga paa sa direksyong iyon.

May isang hintayan sa may papasok ng subdibisyon. Dumaan ako.

“Kanina pa kita hinihintay, Micah Gail Tan.”

Napalingon ako. Isang nakangiting batang babaeng may malalaking mata gaya ng sa manika, may mahabang kulot na buhok na umaabot ang haba sa kanyang balikat at nakasuot ng putting eleganteng bestida.

Nakangiti pa din sya. Natulala ako.

“Ay—Ate Chloe pala,” may tonong respeto at pagsalubong ang pagsabi nya muli ng aking pangalan.

Hindi makuha ng utak ko kung anong setup ito.

“Hi, little girl. Didn’t your parents teach you the idea of not to entertain strangers even how angelic their aura are?” tugon ko sa kanya, na may halong pagtuturo.

“Yes, ate. But you are not a stranger. I knew you. We met before, remember?” at muli ngumiti sya.

We met before? Ha? Di ko maintindihan.

Anong pinagsasabi nitong batang to? Ang bata bata pa, parang matanda ng magsalita.

‘Yung ngiting iyon…

Parang may kakaiba eh.

Parang may sekreto.

“Halika na, Ate Chloe. Ihahatid na kita. Kanina ka pa nila hinihintay,” at kinuha nya ang kamay ko. Dahan-dahan kong inalis, tatanggi sana ako. Ngunit…

“’Di ba gusto mo malaman kung asan ka talaga? Sumama ka sa akin, malalaman mo,” nagulat ako sa mga pinagsasabi nitong batang ‘to. Ano ba ‘to? Mind reader? Stalker? Creepy ha. Hinawakan nya muli ang kamay ko tulad ng paghawak ng isang bata sa kanyang mommy. Lumakad na kami.

Sino ba talaga ‘tong batang ‘to?

Ba’t meron sya nung vibes na nakakahikayat?

Anong ibig nyang sabihin na nagkita na kami?

At muli, muli’t muli, ang tanong ko sa simula’t simula ng kwentong ‘to, asan ba talaga ako?

************************************************************************************************************

SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.

Heaven Street (On-Going) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon