Ito pala ang lugar nila Sir Xavier. Medyo magulo at maingay. Sa isang apartment nakatira sila Sir. Pumasok na kami ng bahay nila.
Isang maingay na living room ang naabutan namin. Dito din pala nakatira ang pamilya ng kapatid ni Sir.
“Maupo na kayo,” pang-iimbitang sabi ni sir.
“Ate, sa taas muna kayo,” malumanay nyang sinabi sa kanyang kapatid na kasalukuyang nagpapatahan ng umiiyak na batang lalaking nasa edad na tatlo. Kinarga nya ‘yung bata at umakyat na sa itaas.
Inilagay na ni Charle ang bag sa may mesa sa living room.
“Pasensya na kayo ha. Kasi kayo biglaan ang pag-akit nyong bumisita dito sa bahay,” mabilis nyang paliwanag habang inaayos ang mga nakakalat na gamit.
Hindi mapigilan ng mga mata kong maglakbay sa bawat sulok ng bahay nila sir.
Tanging tatlong picture frame lang ang nakita ko. ‘Yung una ay ‘yung kinalalagyan ng litrato ng ate ni sir habang karga-karga ang anak nya noong nagdiwang ito ng ika-unang kaarawan; ‘yung isa naman ay ‘yung may larawan ni sir sa harap ng academy; at ‘yung pangatlong frame na medyo may kalakihan ay kinalalagyan ng mga awards at certificate na natanggap ni sir noon.
Inakit na kami ni sir kumain ng tanghalian. Ganito ang araw-araw na sistema ng mga tao ditto. Late na kung kumain. Pagkatapos ay tinulungan naming maglinis at magligpit si sir.
Akala ko noong una’y makakauwi na kami, hindi pa pala. Nag-akit pa ‘tong si Charle na ilibot daw kami ni Sir sa lugar nila. Hindi ko na alam kung anong klaseng ideya na ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito. Pero kahit gaano pa katindi ang kagustuhan kong umuwi na, eh, hindi maaari, dahil kailangan kong iposas ang sarili ko sa lalaking ito.
Hinintay namin si sir. Magpapalit lang daw. Pag-akyat nya sa itaas, bigla namang dumating ang isang lalaking nasa edad 24, namumutla sa pagod. Tiningnan nya kami ni Charle. Nagtataka. At dumiretso na sa may hapagkainan. Nang walang makita’y ibinagsak ang kaldero na naging dahilan para mabilis na bumaba si sir.
“Ano ‘yun?” tanong ni sir. Nagmamadaling bumaba. Nakita nya ang lalaki.
“Oh, kuya, nandito ka na pala,”
Hindi sya sinagot ng lalaki. At umakyat na sya.
Narinig kong galit na binubulong ng lalaki ang mga katagang ‘to: “Araw-araw nagtatrabaho. Masisisante sa trabaho. Maghahanap ng pwedeng pasukan. Walang tatanggap. Uuwi sa bahay, walang pagkain. Lecheng buhay naman ‘to o.”
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.