Mabuti na lang wala na si Nicole nung sinundo ako ni Charle. Kundi may lulubog sa Bermuda Triangle. Ano ba naman kasing desisyon ang pinasok ko? Baka hindi ko matapos ‘yung script agad. Tapos baka magalitan pa ako ulit ni Ma’am Ellaine.
Si Ma’am Ellaine pala ang paborito kong teacher. At si Sir Xavier ang huling-huling pangalan na ilalagay ko sa listahan ng mga paborito ko. Siya at ang Math. Oh malamang hindi na nga eh. Si Ma’am Ellaine ang professor naming sa speech class. Siya rin ang adviser ng drama club. Laging magaganda ang mga istoryang isinasadula sa theatre kapag nagtatanghal sa mga okasyon. Gusto kong maging kagaya niya. Siguro ‘yung kagustuhan kong maging katulad nya ang naging daan para maging close kami sa isa’t isa. Lagi syang nagsasabi sa akin ng mga problema nya. Para na kaming magkapatid ‘nun eh. Pakiramdam ko siya ang pumupuno ng lahat ng atensyong hindi man lang naibigay ng mga magulang at kapatid ko.
Napansin ko, parang ang tamlay at lagi syang wala sa mood nung mga nakalipas na araw bago pa man din ako mamatay. At ganun pa din sya nung bumalik ako. Hindi ko man lang nakausap kahapon, kasi nawala sa isip ko sa kamamadali ko at dahil din sa Charle na ‘to.
Kakausapin ko na lang siya siguro sa Lunes. Hindi ko talaga hahayaan ang anumang bagay o kahit sino, kahit itong si Charle na idelay ang pag-uusap namin. Alam kong may problema sya at kailangan kong malaman ‘yun at matulungan sya.
“Ay kabayo!” May humila sa akin. Muntik na ako matumba sa lakas ng pagkakahila.
“Huh?! Ano, Charle?! Ba’t bigla mo akong hinila?!” napasigaw ako sa paghila nya. Natigil ako sa pag-isip kay Ma’am Ellaine.
“Muntik ka na mahulog sa manhole oh. Gusto mong mamatay ka ulit? At ‘di mapirmahan ‘yung slip? Tapos galit ka pa. Tapos tinawag mo pa akong kabayo. Ano ako si Vice Ganda?” tinuro nya sa akin ‘yung manhole. Blangko ang ekspresyon ng mukha. “Mag-ingat ka nga. Kung anu-ano kasi ang iniisip, ‘di pa tumitingin sa daan.”
Strike 1.Grr. Sinindihan na nya ang mitsa ng galit ko. Argh. Umagang-umaga. Kainis.
“Sorry ha?” Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Hindi ko sya kinakausap. Hindi din nya ako kinausap. Binilisan ko ang paglakad ko para hindi kami sabay. Tumingin na ako sa dinadaanan ko, baka kasi sermonan na naman ako nitong monster na ‘to eh.
Sa wakas, nasa academy na din.
Nakita naming si Sir na nakaupo sa isang bench sa waiting area. Kumaway sya samin. Lumapit na kami sa kanya.
Akala ko kailangan pa naming maghintay ng dalawang oras kay sir. Tiningnan ko ang relo ko. Late na pala kami ng 30 minutes. Talagang wala sa guidebook ni sir ang Filipino Time.
“Sorry po, sir, pinaghintay pa naming kayo. Medyo natagalan po si Micah pumili ng isusuot eh,” paliwanag ni Charle.
Natagalan na ano? Hello? Eh ‘yung unang-unang damit na nga na nakita ko ang hinablot ko sa cabinet. Makapinpoint naman agad. Hay naku! Strike 2.
Gusto ko man dumipensa, pero itinikom ko na lang ang bibig ko. Baka ‘di nya pirmahan eh.
“I understand. Hiniram ko ‘yung susi sa opisina para doon na lang tayo gumawa ng paperworks.” Nagtungo na kami sa opisina.
Isang range ng mga bundok ng dokumento at mga school stuffs ang nakalagay sa bawat mesa sa opisina, malinis na nakaayos.
Doon kami naupo sa may pwesto ni Sir Xavier.
Hinila nya ang sulong ng steel cabinet para kunin ang makapal na compilation ng mga papel. Mga chapter tests at quizzes ata ang mga iyon. ‘Yun ang ibinigay nya sa amin ni Charle.
“Ito ang key to corrections oh,” inilapag nya sa mesa ang papel na hawak nya, “mag-eencode lang muna ako ng pinapagawa sa akin ng dean.”
Mukhang imposibleng matapos namin ‘to ah. Tinitingnan ko palang nahihilo na ako. Kasing kapal sya ng dalawang 3rd edition ng American Heritage Dictionary.
Nakakabingi ang katahimikang naglalaro sa atmospera sa loob ng opisina. Dumagdag pa ‘yun para maramdaman ko ang bigat ng pinapagawa samin.
Nilagay ko na lang ang earphones ko para at least may source akong pagkukunan para mabuhayan naman ako.
10:25 am.Tapos na naming sawakas ang pagcheck ng mga papers na binigay sa amin ni sir. Kanina pa nananawagan ang aking sikmura para sa pagkain. Mabuti na lang makakauwi na rin kami sa wakas. Tapos na rin si Sir.
Lumabas na kami ng opisina. Napansin ko na may isang bag pa ng mga test papers ang dala ni sir at isang malaking libro.
“Sir,” Uh-oh. Danger alert. Danger alert. “Ihahatid na po naming kayo ni Micah sa bahay nyo, ‘di ba, Micah?” siniko ako ni Charle.
Sinasabi ko na nga eh. Kawanggawa effect na naman ang moves nito ni Charle.
Tumango na lang ako.
“Naku, maraming salamat. Kaya lang nakakahiya talaga ang bahay namin.”
“Okay lang po ‘yun. Gusto lang po naming kayo ihatid. At saka para makapaglayas na din po kami ni Micah.”
Makapaglayas? NOOOOOOOOOOOOOO~ Huyy, Charle, may gagawin pa ako! T-T Anyway, paano ba ako makakatanggi? Kontrata nga di ba? T-T Slave forever na ata ako.
“Okay, okay. Pero ‘wag nyong asahang malaki at maganda ang bahay namin,” nakangiti niyang sagot sa amin.”
Lumakad na kami palabas ng academy at naghintay ng taxi doon.
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.
![](https://img.wattpad.com/cover/1461949-288-k853228.jpg)