Buti na lang paboritong subject ko na. Grabe talaga ang kahihiyan na inabot ko kanina sa Math. At dinagdagan pa ng paraan ng pagsolve nyan ni Charle.
Pero salamat na din sa kanya, malinaw na ang lahat sakin. Wala ng gumugulo sa isip ko.
Salamat din sa kanya, hindi na naman ako pinapansin ni Nicole.
Simula nang pumasok kami ng kolehiyo—ay hindi pala—simula pala noong nakasabay namin sa pag-enroll si Charle, nagkaganyan na si Nicole. Love at first sight? Pakiramdam ko nga, dumagdag pa ‘yan si Charle sa mga dahilan para ‘di ako pansinin ni Nicole.
Mas matanda ako kay Nicole, pero magkaklase kami kasi sinabayan ko sya sa pagpasok. Kasi akala ko ‘yun ang magiging paraan para maging close kami. Hindi pala.
Tapos ‘yang paghanga nya kay Charle ang dahilan kung bakit kinuha nya din ang kurso at ang parehang block sakin. Kahit hindi nya gusto ang kursong ito.
Gaya ng dati, walang segundong nakakainip sa Speech Class. Sa katunayan, magkakaroon kami ng evaluation performance next week. Syempre ako ang magsusulat ng script. Pabor ‘to sa akin. At least may kapaki-pakinabang ako na magagawa ngayong weekends.
“Uy, bespren, teka lang ha,” nagpaalam na muna ako kay Glenn.
“Sige, best. Sunod ka na lang.” Bago pa man ako magtungo sa aking paroroonan, nahagip ng mga mata ko ang Charle na loko, kumakaway sakin habang nakangiti. At bilang tugon sa kanya, inikutan ko sya ng mata, at tumakbo na papunta sa locker naming.
Nagmamadali akong bumalik sa may locker namin.
Asan ko ba nailagay ‘yung slip na ‘yun?
Binuksan ko ‘yung locker ko, hinanap, at…
“Hi, Micah,” isang boses ng bata ang narinig ko.
Nabigla ako.Ouch. Nauntog ako sa locker.
Nakita ko si Nabu sa salamin na nakasabit sa loob ng locker ko.
“Nabu… masakit ang mauntog.”
“Sorry. Hehe. Nasa may diary mo pala ‘yung slip. Nalimutan nyo kasi ni Charle kagabi.”
Kinuha ko na ‘yung diary sa locker at ipinatong sa mga librong hawak ko.
“Buti ako lang ang tao dito. Ano bang kondisyon ni Charle? Ba’t ayaw pa nyang pirmahan ‘tong slip?”
“Basta. Sumunod ka na lang sa kanya. Sige, bye.”
“Teka, Nabu!”
Hayy naku. Bahala na nga. Susundin ko na lang si Charle kahit wala akong kaclue clue kung ano man yun. Kung ikamamatay ko man yun, at least, meron na akong dahilan para makapasok sa village. :D
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.