“Ano?!”
Narinig ko ang sarili kong sinigaw ang salitang sinasabi ko sa aking panaginip. Sleep talking na naman.
Nangyari na naman sakin ang ganitong mga panaginip.
Thank God, panaginip lang pala ang lahat ng iyon.
Pakiramdam ko naranasan ko na ang mga paghihirap bago makilala ng lubusan ang kamatayan.
Buti na lang talaga.
Akala ko din talagang totoo na nakikiusap ako kay Charle.
Oo nga pala. January na pala ngayon. Ilang buwan na lang at magtatapos na kami. Tuluyan na kaming makakalaya sa mahabang taon na pananatili sa pangunahina saligan ng paaralan. Dalawang buwan o mahigit pa ay magkakanya-kanya na kami ng paglalakbay. Iba-iba na ang daang tatahakin namin. Sana naman may kompanya na kumuha sakin agad.
Konting panahon na lang—at hindi ko na masusuot muli ang unipormeng ito…
…hindi na ako lalakad muli papunta sa Spinel Academy ng ganito kaaga…
…at minsan ko na lang rin makikita ang mga mukha ng mga taong nakasalamuha at naging mga tauhan na gumanap ng napakahalagang parte sa huling kabanata ng school life ko.
Pumasok na ako sa loob ng classroom namin. Kagaya ng dati, ako na naman ang kauna-unahang tao dito sa classroom.
Unang subject ang Math. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang kumuha ng subject na Math, eh ang linya ko naman ay ang pagsusulat.
First love ko ang Math, pero nang tumungtong na ako sa high school, lahat ng iyon ay nagbago. Kahit gaano man kaironic, pero changes are constant. Unti-unting napalitan ng sakit at matinding pag-ayaw ang dati kong pagmamahal sa Math. Kaya hanggang ngayong nasa kolehiyo na ako ay ayaw ko pa rin sa Math.
Bumukas ‘yung pinto. Napatingin ako. Si Nicole pala.
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO.http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.