CHAPTER III: BACK-TO-EARTH STREET (PART 1)

27 0 0
                                    

Maraming salamat talaga, Charle. Utang na loob ko sa’yo ang pagbalik ko sa lupa at maantala ang masayang buhay ko sanang sisimulan sa langit.

Bago pa man ako umalis kanina sa Heaven Street, ibinigay sa akin ng Tagapagbantay ang isang papel na kailangan ko raw papirmahan (kasunduan ba?) na magpapatunay na nagawan ko ng mabuti si Charle bilang isang kaibigan.

Oyea. KAIBIGAN. As if naman mapaghahalo ang magkaiba.

Hindi ako maarte. Sadyang AYAW ko lang talaga sa kanya.

Kasalukuyang nasa Fly Back Express ako at naghihintay ng parating na tren na babyahe pabalik sa lupa. Marami-rami ding mga kaluluwa din na kasabay ko ang babalik sa lupa. Marahil ay meron din silang kailangang tapusin pa, o kaya ay hindi pa talaga nila oras. Sa wakas, at sa mahabang paghihintay ko, meron ng dumating.

Sumakay na ako. Humanap ako ng bakanteng mauupuan. Naupo ako sa may bandang gitnang bahagi ng tren at itinuon ang pansin sa bintanang humihintulot na masulyapan ng kahit ilang minuto ang Heaven Street. Tumakbo na ang tren sa saliwang direksyon sa Heaven Street.

Habang nagbabyahe, naglaro muli sa aking isipan ang mga sinabi ng Tagapagbantay bago ko pa man lisanin ang lugar.

*flashback*

May kung anong bagay ang hinahanap ng Tagapagbantay sa libu-libong drawer na sya lamang bumubuo sa loob ng checkpoint area nya. Kanina pa sya abala sa paghahanap. Bigla syang napa-“aha” ng mapasakamay nya ang kapirasong papel ngunit tilang kabilang sa magandang uri ng papel. Inabot nya sa akin ang papel na iyon.

“Heto.”

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. “Ano ‘to?”

“Iyan ay isang katibayang kailangang kailangan mong papirmahan kay Pierre Charle Tanjuatco, ang tanging taong hindi nagbigay sa iyo ng check.”

“Eh para saan ba ang check na iyan?”

“Bawat tao ay may kanya-kanyang checklist. Nagkakaroon sila ng kusa pagkapanganak pa man lang din sa kanila. Sa checklist na ito, lahat ng nakikilala mong tao sa mundo habang nabubuhay ka pa ay mapapabilang sa listahan na ito. Ang kailangan nilang gawin ay tingnan at obserbahang mabuti ang mga kategoryang nakalista dito. Kung taglay o tinaglay mo ba ang mga ito noong nabubuhay ka pa. Ang ilan sa mga ito ay ang PAGPAPASENSYA, PAGKAMATULUNGIN, PAGGALANG, PAGIGING MABUTI SA KAPWA, at higit sa lahat ang PAGPAPAKATOTOO. Sa lagay mo, si Pierre Charle Tanjuatco lang ang hindi nagbigay sayo nito. Bakit? Iyan ang tanong na dapat mong malaman mula sa kanya sa iyong pagbalik sa lupa,” paliwanag ni Tagapagbantay.

Ano’ng tinugon ko?

○ Akin na ho, papapirmahan ko na agad kay Charle.     

○ Whuuuutttt?! NO WAY! Ang arte kaya nung lalaking ‘yun. Mahihirapan lang ako nu! Ibang paraan na lang. Pleeeeaaaaasssseee?   

●Nga-nga

Eh paano naman kasi, hindi ko akalain na may mga ganun palang bagay. Ang tanging alam ko lang ay mag-aral, mag-aral, mag-aral at mag-aral. ‘Ni wala nga akong librong nabasa tungkol sa sinabi ng Tagapagbantay eh. So, clueless talaga ako.

Tinitigan ako ng Tagapagbantay. Tila alam na atang hindi masyadong kinaya ng utak ko ang impormasyong ibinigay nya. Nagpatuloy sya sa pagsalita.

“Kaya ngayon, kailangan mong bumalik sa lupa,” itinuro nya sa akin ang isang ulap na biglang lumitaw ang imahe ni Charle na nakikipaglaro sa kanyang asong si Pia, “nakita mo? Hindi man lang sya nagluluksa sa pagkamatay mo.”

Nabingi ako sa katotohanang dala ng mga huling salita ng Tagapagbantay.

Oo. Hindi nga sya mukhang apektado sa pagkamatay ko. Siguro nga. Nagbago na talaga sya. Kahit anong gawin kong titig, hindi mababago na hindi sya nalulungkot sa pagkawala ko.

“Pagbalik mo, papirmahan mo ito.”

“Eh, paano ho kong hindi nya pirmahan agad ngayon? Hindi na po ba ako makakapasok ng langit?”

Ngumiti sa Tagapagbantay. “Kung hindi, kailangan mong manatili sa lupa hanggang mapirmahan nya iyan. Ngunit. Ngunit 120 mortal na araw lang ang binibigay ko sa’yo. Pagkatapos noon, wala na. Magiging isa ka na sa mga taong naghihintay sa labas ng village na ‘to. Sa pagbalik mo at kung ikaw man ay matagalan sa pagpapirma, mabubura ang lahat ng ala-alang namatay ka sa isip ng bawat isang nakasaksi at nakabalita nito. At kinabukasan, ang kaluluwa mo at ang katawang tao mo ay magiging isa muli. Humayo ka na, at baka hindi mo maabutan ang huling byahe ng express.”

Nanumbalik ang isip ko sa kasalukuyang sitwasyon. Nasa lupa na kami. At ang weird ng terminal nitong express na ‘to.

Bumaba kami sa isang terminal na panay pintuan ang paligid. At sa bawat pintuan, may nakalagay na mga pangalan. May nabasa akong isang pangalang nakapaskil sa isang pintuan, “Capt. Adrian Smith”. Si Capt. Smith ay ang lalaking bida sa mga kwento ng mga matatanda na isa raw sundalong nagtaksil sa diktador nang kanyang pinatakas mula sa kamatayan ang tatay ng kanyang nobyang si Andrea Santiago na isa namang manunulat na nakasaksi ng pagpatay sa kapwa nya manunulat.

Ba’t ako nandito? Hindi ko maintindihan kung bakit puro pinto ang paligid namin. Ano ‘to? Monsters Inc.? Mananakot kami? Ganun? >:D

Sa paghahanap ko, may nasagi akong isang tao.

“Ay. Pasensya na.” Sabay pulot ko ng mga gamit nyang nagsihulugan.

“Heto oh.” Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan kong maiabot ang mga gamit.

“Sarryna?” tanong ko sa babaeng nasa harap ko at nakangiti sa akin. Hindi ba sya si Sarryna? Hindi ako maaaring magkamali.

Nakangiti lang sya. “Hindi po. Baka nagkakamali po kayo.” At lumakad na ito palayo.

Ngunit, hindi ako maaaring magkamali. Si Sarryna ang nakita ko. Sya ‘yun. Sigurado ako.

Pero hindi maaaring patay na si Sarryna.

May isang kulay asul na pinto ang lumantad sa aking harap.

Nakapaskil sa malalaking letra ang pangalang, “Pierre Charle Tanjuatco”.

************************************************************************************************************

SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.

Heaven Street (On-Going) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon