CHAPTER II: HEAVEN STREET (PART 2)

27 0 0
                                    

 “Sino ka ba?” paulit-ulit na tinatanong ko sa batang babaeng ngayo’y hinihila ako papunta sa subdibisyon.

Hindi sya sumagot.

“Hay naku, bata. Kung kailangan mo ng pera at nagpaloko ka sa isang gang para sa isang setup, pwes itigil mo na. May alam akong orphanage, sumama ka na lang sa akin. Doon may kinabukasan ka, kaysa dyan sa mga manlolokong ‘yan.”

Tumawa lang ang batang babae. Hindi pa rin sinasagot ang tanong ko.

“Baliw ako. Nakikita mo ba ‘tong suot ko? Takas ako sa mental. Pwede kitang saktan kahit anong oras ngayon.”

Tumawa lang siya ulit. Malapit na ako sa boiling point. Sagad na. Mamaya may lalabas na steam din dito sa ulo ko. Grrr.

“Haha. Unang-una, ate, hindi ka baliw. Nakakausap at nakakaisip ka pa nga ng mga bagay na matitino eh. Sunod, suot mo ‘yan dahil galing ka sa ospital dahil nasagasaan ka.”

“Stalker ka ba? Siguro spy ka, nu?”

“Nandito na tayo, Ate Chloe. Pumila na tayo, ate,” nakangiting sabi niya at inakit na ako papunta sa pila. Hindi nya sinagot ulit ang tanong ko.

“Pila para saan?” hindi ko alam kung ano ang dahilan para pumila kami.

“Para makapasok.”

Pinagmasdan ko ang senaryo. ‘Yung matandang lalaking nakaupo—mukhang nasa edad na 55 pataas—ang nagchecheck ng mga taong pumapasok sa subdibisyon. Paulit-ulit syang tumatawag ng pangalan. Iilan lang ang maswerteng nakakapasok,’yung iba ay tinuturo sa kabilang direksyong papunta sa ibang subdibidsyon, at ang karamihan ay pinaupo muna sandal sa isang hintayan na hawig sa hintayan ng isang bus terminal.

Bakit ba ako dinala nitong batang ‘to dito? May handaan? At random sampling ang paraan ng pagkuha ng bisita?

“Sino ba ang dadalawin natin dito?”

“Basta.”

Hay nakuuuuu!~ Micah, habaan ang pasensya.

Ang kambal na nasa unahan naming ay matagumpay na nakapasok. Kami na ang sunod.

Tiningnan ako ng lalaking nagchecheck ng mga pangalan (sa tingin ko sekyu ito eh~) Head to feet. Model lang eh?

“Pangalan?”

“Micah Gail Tan.”

“Hmm. Tan, Micah Gail Sy—“ binuklat nya ang makapal at lumang libro at hinanap ang pangalan ko, “—check, check, check, check, check—“ at marami pang check ang sinabi nya, “—erm—hindi ka pa pwedeng makapasok.”

WHAT?!

“At bakit?”

“Kulang ka pa ng isang check sa isang tao.”

Eh. Andami ng sinabi mong check. How come naging kulang? :|

“Teka. Kanina pa talaga ako naguguluhan. Pwede pakipaliwanag? Nasaan ako? Anong nangyari? Sino ‘tong batang ‘to? Sino ka? Anong ginagawa ko dito? Ba’t ‘di ako makakapasok? Anong meron sa isang check at sino ‘yung taong ‘yun?”

Sana naman makahanap na ako ng tamang kasagutan dito.

“Nasa Heaven Street ka. Ang natatanaw mong kabilang kalasada ay ang Back-to-Earth Street. Nabanggaan ng isang sasakyan kahapon. Siya si Nabu. Siya ‘yung batang sumundo sa’yo kagabi nung sinugod ka sa ospital—“ tinuro ang batang babae sa tabi ko.

Ah. Tama! Naalala ko na! Sya nga ‘yung batang nakita ko kagabi.

“Teka. Heaven Street? Meron ba nun sa Maynila? Bagong pangalan ng kalye?”

“Hindi. Wala ka sa Maynila. Andito ka dahil kailangan mo ng matutuluyan. Ako ang tagapagbantay.”

“Tagapagbantay? At nasang lupalop ako ng Pilipinas?!”

“Oo, ako nga. Hindi mo pa ba nakukuha?”

Nakukuha? Isip, Micah.

“Ibig sabihin…” may isang ideya na biglang pumasok sa isip ko.

“Patay ka na. Isa ka na lang kaluluwa,” magkasabay nilang sinabi.

“At kailangan mong makumpleto ang checklist bago ka makapasok sa tahanan Nya,” sambit ni Nabu.

So ibig sabihin. Patay na ako. At ito ang dimensyon ng langit. Isang paraiso. Ito ang ideal na lungsod.

Payapa. Gusto ko dito.

“Teka, sino ba ang kulang?” tanong ko. Peste naman ‘yung taong ‘yun. Naantala tuloy ang pagtira ko dito.

Ngumiti sila.

Nangingintab na mga mata.

Ngiting may ibig sabihin.

 “Si Pierre Charle Tanjuatco.”

************************************************************************************************************

SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/. 

Heaven Street (On-Going) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon