Nag-ayos na ako ng gamit. Lumabas na silang lahat. Napansin kong hindi pa din gumagalaw si Charle sa kinauupuan niya. Kaming dalawa na lang sa room.
Lumakad na ako. Bago pa man ako makalabas ng room may humawak sa braso ko.
“Sandali lang.”
Tumalikod ako. Si Charle pala. Anong kailangan nya ngayon?
“Bakit? Alam mo para kang kabote. Bigla ka na lang sumusulpot. Tapos nanghahablot ng kamay ng may kamay. Ano ba problema mo?”
Hindi nya sinagot ang tanong ko. Pagkatapos ay hinila na lang nya ako papunta sa kung saan.
“Huy, Charle. San tayo papunta?” Hindi ako makasabay sa mabilis nyang paglalakad. Hawak-hawak pa din nya ang kamay ko.
“Basta.”
San kaya planong pumunta nitong lalaking ito?
Oh well, kailangan ko na lang sumunod.
“Ayun. Bilis. Para maabutan natin sya.”
Sino’ng sya? Tumakbo kami sa may library.
“Sir, tutulong po kami ni Micah sa’yo bukas.”
What?!
“Ganun ba? Sige, maraming salamat, Charle. Hinihintayin ko kayo bukas dito ni Miss Tan. 7 am.” Ngumiti si Sir at nagpatuloy na sa ginagawa nya.
Kapag may libreng oras si Sir Xavier tanging ang library ang tinatambayan nya. Lagi ko syang nakikita dito. Dito din kasi ako tumatambay ‘pag free time.
Hinila ko na si Charle palabas.
“Gusto mong tumulong tapos sinama mo pa ako. Alam mo namang napahiya na ako kanina. Wala akong balak tumulong sa ginagawa ni Sir,” mabilis na paliwanag ko sa kanya. Pakiramdam ko halata ang inis ko nang sinambit ko ang mga huling kataga.
“At saka gagawa pa ako ng play—“
“Ito ang unang pagsubok mo, Micah.”
Hindi nya ako pinatapos sa sinasabi ko.
Okay fine. Para din naman sa akin ‘to. Sundin ko na lang.
Dahil sa pagpilit ni Charle na ihatid ako sa bahay, isang makakatakot na naman na atmosphere ang bumalot sa bahay naming. Umaapaw na ang dugo sa mga nakakasugat na tingin sakin ni Nicole pagpasok ko pa lang ng bahay. Inaaway na naman nya ako. Ano’ng bago? Eh lagi naman kaming ganito. I mean, pakiramdam ko habang nakikita nyang lagi kaming magkasama ni Charle, mas tumitindi ang galit nya sa akin. Isang himala na lang kung isang araw ay magbabago na ang pagtrato sa akin ni Nicole. At kapag nangyari ‘yun, baka kung kailan pang katapusan na ng mundo.
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.