CHAPTER VI: SI SIR XAVIER (PART 5)

26 0 0
                                    

Lumapit na samin si sir at inakit kaming lumakad na.

Iba’t-ibang mukha ng kahirapan ang nasaksihan ko sa aming paglalakad. Naranasan ko ng makisalamuha sa mga taong ito. Kasi writer si mama.

Si mama. ‘Yung panaginip. Naalala ko na naman. ‘Yung batang lalaki. Paulit-ulit na lang ang mga napapanaginipan ko. Alam ko namang naka-move on na ako sa pangyayaring iyon. Labingdalawang taon na ang nakakalipas, pero binabagabag pa din ako. Ano bang meron?

Oo, patay na si mama, labingdalawang taon na ang nakakalipas. Inampon lang ako ng pamilya nila Nicole. Pinsan ko sya. Kapatid ni mama ang mama nya. Ngunit, hindi gusto ni Nicole na tumira ako doon. Pakiramdam nya, inaagawan ko sya ng atensyong mula sa kanila. Kaya alam kong kinamumuhian nya ako. ‘Ni hindi ko alam kung pinatawad nya ako noong namatay ako. Pero siguro, oo, kasi noong oras na sinusuri ni tagapagbantay ‘yung parang logbook, si Charle lang ang nakita nyang walang check. Siguro nga. Tapos nabura lang ang ala-alang pinatawad nya ako kasama ng pagbura ng ala-alang namatay ako. Ngayon, sinisigurado kong itutuwid ko ang lahat bago pa man ako makaakyat sa langit.

Sa bawat mukhang nakikita ko, naalala ko ang mga panahong tinuturuan pa ako ni mama tungkol sa photojourn. Hilig ko talaga ‘yun hanggang ngayon. Sabi ni mama, human drama ang pinakagusto ng madla. Dyan sila interesado. Kaya ang karaniwan naming puntahan noon ay ang lugar kung nasaan ang kwento ng kahirapan.

Limitado lang ang bilang ng salitang pwede mong ilagay sa isang caption. The shorter, the better. Kaya kailangan mong maglagay ng maikli pero malamang caption. Ngunit hindi sapat ang isang pangungusap na caption para ilarawan at ibahagi ang lebel ng hirap na nadarama nila araw-araw.

Kahit ang litratong kinuha mo. Hindi nito maipapakita ang tunay nilang nararamdaman. Hindi nito maipapakita ang tunay nilang nararamdaman. Hindi sapat ang camera at film para malaman ang takbo ng buhay nila. Oo nga. Ba’t ngayon ko lang ‘yun napagtanto? Kasi siguro mas napansin ko noon ang pagkahilig ko sa mga bago kong matalik na kaibigan—ang camera at ang film. Kaya siguro hindi ko napagtanto na may mga mas importanteng detalye at bagay na dapat mas binigyan ko ng atensyon. Ngayon ko lang unti-unting naintindihan.

Isang sangkap lang sa isang magandang larawan ang model ng camerang gamit. Additives lang kung ingredients ang pinag-uusapan. Ang bagay na kumukuha ng atensyon ng mga tumitingin ng isang litrato ay ang komposisyon—ang nais iparating ng isang photojournalist. At ang nagbibigay buhay dito ay ang caption. Kaya kapag hindi gaanong kapansin-pansin ang kuha mo, at kung walang konek o walang buhay ang caption mo, sigurado mahirap na ‘yan irevive. 50-50 na yan.

Huminto kami sa parang isang park. Ang daming naglalarong bata, bakas sa kanilang mukha ang sayang nadarama.

Parang batang naglalaro akong hinila ni Charle papunta sa may bakanteng swing. Umupo kaming tatlo.

Nung una, walang nagsasalita. Tiningnan ko si Sir at Charle, parehas silang nakatulala, parang may malalim na iniisip. Kaya hindi na ako naglakas loob na basagin pa ang katahimikan.

Napatingin ako sa mga batang naglalaro. Carefree. Hindi ko man lang naranasang makipaglaro sa labas ng bahay noon. Lagi na lang si yaya ang kasama ko. Kasi ‘pag nandiyan naman si mama, busy pa din sa mga sinusulat nya. Kaya sumama na lang ako ‘pag may pinupuntahan siya para kahit papaano naman ay makapagbonding kami. Madalas pa, libro ang kasama ko. Kung hindi mga educational books, eh ‘yung mga librong inilathala ni mama.

Mahal ko ang mga librong ginagawa nya. Kahit papaano, nagkakaroon ako ng mga kaibigan, ‘yun nga lang, mga fictional characters at sa mundo pa ng imahinasyon ko. Alam ko kung anong imaheng lilitaw sa isip kapag sinabing masaya. Alam ko ang eksaktong deskripsyon ng pakiramdam na dapat mong maramdaman kapag masaya ka. Nabasa ko lahat ‘yun at natutunan sa mga libro. Ngunit, hindi ko pa nararanasan. Ngayon lang sumagi sa isip ko, hindi ko dapat ikinulong ang sarili ko at nanatili sa mga kung ano lang ang nakasulat sa libro. Marami pala akong nalipasang mga gawain na dapat ay ginawa ko noon.

Naalala ko muli si mama at papa. Naalala ko muli ang pamilya ni Sir Xavier. Ba’t nga pala walang kahit isang litrato lang silang pamilya doon?

Ang ala-alang ‘yun ang pumutol sa mga taling nagkakabit ng atensyon ko sa mga batang naglalaro. Lumingon ako kay Sir Xavier na nakaupo sa tabi ni Charle.

Medyo awkward ang makipag-usap sa kanya. Hanggang ngayon kasi ramdam ko pa din ‘yung oras na pinahiya nya ako.

“Sir.” Tumingin sya sa akin. Nawala sa malalim na iniisip nya. Napatingin din sa akin si Charle

“Oh?”

“Pwede pong magtanong?” Tumaas ang kilay ni Charle. Hindi nya lubusang maisip kung ano na naman ang itatanong ko.

“Sige. Ano ‘yun?” nakangiti nyang tugon sa akin.

Tiningnan ako ni Charle. Nagpatuloy ako.

“Sir, ba’t parang wala kayong picture ng pamilya na nakalagay sa bahay nyo? Kahit isa man lang.”

Nakangiti pa din sya. Pero hindi sya sumagot.

“Pero okay lang po kahit hindi nyo sagutin, sir. Napansin ko lang naman po,” dagdag ko.

“Hindi,” sagot ni Sir, “okay lang. Gusto nyo bang ikwento ko? Medyo matagal-tagal ko na ding kinalimutan ‘yung istorya na ‘yun. Naalala ko ulit.” Nakangiti pa din sya. Pero ramdam kong merong itinatago ang ngiting iyon.

“Huy, Micah, ano ka ba? Ba’t mo ba ‘yun naisipang itanong? Ang insensitive mo talaga,” bulong ni Charle.

“Napansin ko lang. Nacurious ako. Masama ba?” sagot ko sa kanya.

“Curiosity kills the cat.” Bumalik na sya dati nyang posisyon.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay sir. “Opo.”

************************************************************************************************************

SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.

Heaven Street (On-Going) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon