CHAPTER VII: LETTERS (PART 2)

41 1 0
                                    

“HUY, MICAH!” ‘yung boses nya ang nagpanumbalik sa aking kamalayan sa mundo ng kasalukuyan.

Hawak pa din nya ang kamay ko. At nakatitig pa din ako sa kanya.

“Eh?”

“Haha. Para kang baliw. Kanina ka pa nakatulala dyan. Nagwagwapuhan ka sakin ano? :”>”

“Whoooo~ Naramdaman mo ‘yung pag-ihip bigla ng hangin? Lakas ‘nu?” habang ginagawa ko yung “winter gesture”.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Medyo natagalan kami sa pag-uwi. Nagkaroon kasi ng trapik. Ay. Teka. Mali. Hindi pala dapat “nagkaroon”. As usual, dahil sa trapik. ‘Yung taxi na sinakyan namin, parang pagong na nakikipag-agawan ng pwesto sa kapwa nya mga pagong. Haha.

Medyo okay na din ako. Dinalaw kasi ako ng trauma na nangyari noong third year kami.

Hindi ko nga alam kung paano nanumbalik yung ala-alang yun ulit sa isip ko. Matagal ko ng naibaon sa hukay yung bangkay nun eh. Ngayon, minumulto na naman ako pati ang damdamin ko.

9:00 pm na. Hindi na ako makakabot sa pupuntahan nila mama. Malamang isang business dinner naman yun. Bihira lang kasi kaming lumabas nila mama, laging busy sa trabaho. Dinaig pa nga nila ang 24-hour na store eh. Tumawag si mama. Sinabi ko na naabutan kami ng trapik. Medyo pakiramdam ko na pinapagalitan na nya ako, tapos tinanong nya kung sino ang kasama ko. Nang sinabi kong si Charle, aba, parang nag-iba ang mood. Okay lang daw kahit hindi na ako makasama. -_- Ano kayang gayuma ang ipaniinom nitong si Charle sa nanay ko? T^T

Pagkauwi ko, walang tao sa bahay bukod kina yaya. Kasama din daw si Nicole kina mama.

Mabuti na lang. Para di nyang makita na inihatid ako ni Charle.

“Buh-bye!” nagpaalam na sya pagbaba namin sa taxi.

“Buh-bye! Salamat sa araw na ‘to. May narealize ako dahil sa kwento ni sir. :)”

Ngumiti sya. Tapos lumapit sa akin.

Kinabahan ako.

“Good night.” O/////O ang lapit na kaya nung mukha nya sa mukha ko.

Ngumiti sya. Tumawa bigla sa ekspresyon ng mukha ko. Pagkatapos ay tinapik nya ang ulo ko.

“Pumasok ka na,” utos nya, habang lumakad na sya paalis sa bahay. Nakatayo pa din ako, tulala at namumula. Pinagmasdan ang papalayong Pierre Charle Tanjuatco.

************************************************************************************************************

SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heaven Street (On-Going) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon