Huminga ako ng malalim. Binuksan ko na ang pinto.
Oh, ayun naman pala si Charle eh. Nakikipaglaro na naman sa aso nyang si Pia. At lumapit ako sa pwesto nila. Mukhang masayang masaya talaga sila.
Anong binubulong-bulong nito? Teka, umiiyak ba ‘to?
“She’s dead. She’s dead. Pia—“ paulit-ulit nyang sinasabi kay Pia.
“Huy! Sinong patay?!”
“Huh?” lumingon-lingon sya sa paligid, hinahanap ang boses ko, “s-sinong n-nandyan?”
“Ako.”
“Ikaw?” kasabay ng tagumpay na matagapuan nyang kanyang mga mata ang aking kaluluwa.
“M-micah? It can’t be!” natatawa ako habang nanlalaki ang mga mata nya sa takot.
Weakling.
“Mygad! Pia, ito ata ang epekto ng kahapon pang umiiyak at di natulog,” mabilis nyang itinago ang sarili sa kumot.
Kahit kailan talaga.
Hay naku. Sasayangin ko lang ang oras ko. Kailangan ko na ‘tong mapapirmahan agad para makapasok at makapahinga na ako sa taas.
Bading talaga. Nagtago pa sa kumot. Parang bata.
“Huy, Charle, lumabas ka nga dyan.”
“Lalala~ naghahallucinate lang ako!” umurong sya sa isang espasyo sa kanyang kama, akala siguro’y lumapit ako sa kanya.
“Ba’t ginagaya mo ang appearance ni Micah? Masamang espiritu ka nu! Doppelganger!” umurong ulit, at nalaglag sa kanyang kama. Nawala ang pagkakatakip ng kumot dahilan upang malantad ang nakayakap na Charle sa isang rug doll na may nakaburdang pangalan na “Micah” sa unipormeng suot ng manika.
Hanggang ngayon ba naman? Kung wala lang talaga ako ditong kailangan, ihahagis ko ‘yang manikang ‘yan sa isang malaking-malaking apoy! At ‘yang si Charle, iiyak na parang batang namatayan ng mga magulang. Wuhahahaha. Pero hindi ngayon ang tamang oras para tratuhin ko sya ng masama. May kailangan pa ako sa kanya.
“Ikaw talaga si Micah?”
“Oo nga.”
“Ano’ng kailangan mo? Ba’t mo ako minumulto? Wala naman akong ginawang masama sa’yo ah.”
Wala ba? Eh, ano ‘to? Sabotage!
“Ah! Alam ko na! Siguro di ka tinanggap sa langit nu? Kasi bad ka,” pang-iinis nyang sinabi.
Argh. Ba’t ba kasi dapat ganito? Pahirap naman oh.
Stay calm.
Ngumiti ako.
“Kasi ‘yung checklist ko, kulang. Tapos ikaw na lang ‘yung taong walang check dun eh. Kaya nandito ako para papirmahan sa’yo ‘tong papel na dala ko na magpapatunay na wala akong ginawa sa’yong masama at karapatdapat ako sa langit,”
“Pirmahan?” kinuha nya ang inaabot ko sa kanyang papel.
Tumango ako.
Yes. Sa wakas makakapasok na din ako sa langit! Maraming salamat, Charle.
“Eh may kasalanan ka pa nga sa akin eh—“
Bumagsak ang mundo ko. Hindi pa pala sya payag.
Parang may binabalak ata. Mayroon atang masamang ideyang pumasok sa utak nito.
Tumabi ako sa kanya at malambing na humingi ng tawad, “Sorry na, bati na tayo.”
“Okay. Sabi mo eh.” Yes. Nahulog sa patibong ko.
“Sa isang kondisyon—“
“Ano?” painosenteng tanong ko.
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.