CHAPTER VI: SI SIR XAVIER (PART 3)

18 0 0
                                    

*Flashback*

Ito ang kauna-unahang pagkakataong dinala ako ni mama sa lugar nila.

Mahigit kumulang siyan ma oras ang biyahe pauwi sa lugar nila Mama. Bikolana si Mama. Dito sila nakatira sa Daet. Napalipat lang sa Manila simula noong nagkatrabaho siya bilang writer sa isang magazine at noong ikinasal sila ni papa.

Tuwing Mayo nagaganap ang reunion nila mama. Sayang hindi kasama si papa.

Hindi ko pa nakikita si papa. Walong taon gulang na ako, pero hindi ko pa din nakikita si papa. Ang sabi ni mama, nag-abroad si papa nung baby pa ako. Sa Dubai daw.Chemical Engineer. Sabi niya, ngayon daw uuwi si Papa, pero hanggang ngayon, wala pa rin. Walong BagongTaon, walong Pasko, walong Kaarawan ko na ang lumipas, ‘ni isang beses hindi ko lang nasilayan ang papa ko.

Gayunpaman, alam kong hindi si papa ‘yung prinsipe sa bagong istorya na kinukwento sa akin ni mama. Alam kong hindi magiging ganoon ang istorya nila.

Bihirang idaos ang reunion sa bahay nila lolo’t lola. Madalas ay sa mga resort sa Daet. Ngayon ang pinagdadausan naman ay sa Mananap Falls. Isang oras lang ang byahe papunta dito.

Nagvivideoke sila mama, habang ang mga pinsan ko nama’y nagswiswimming na at ‘yung mga dalaga’t binate kong mga pinsan ay nagpipictorial sa may hanging bridge. Samantalang ako ay mas piniling maglakad-lakad sa mga batong nasa gilid.

Isang lumilipad na wishing flower ang kumuha sa aking atensyon. Sinundan ko ‘yun. Huhulihin ko. Ito ‘yung bulaklak na kapag nahuli mo ay pwede kang magwish, nasa story ‘to ni mama. Ito ‘yung naging daan para magkakilala ‘yung prinsesa at prinsipe sa story ni mama.

Mabilis ngunit dahan-dahan akong nagpalipat-lipat ng batong tinatapakan para sundan ang bulaklak na iyon. Itinaas ko ng mabuti ang kamay ko. Pilit na inaabot ang lumilipad na bulaklak.Nakatingki na lang ako sa batong inaapakan ko. Nang…

Yes! Nakuha ko na!

Pero kasabay ng paghuli ko dito ay siya namang pagkawala ng balance ng katawan ko.

Hala hindi ako marunong lumangoy!

Parang naging slow motion ang lahat.

May biglang humawak sa kamay ko ng mahigpit.

Batang lalaki. Chinese. Mga kasing edad ko.

Salamat. May nagligtas sa akin.

*Snap* Naputol ang hinahawakan nyang tangkay.

Parehas na kaming mahuhulog sa tubig. Nabigla ako ng inilagay nya ‘yung isa nyang kamay sa ulo ko at niyakap ako.

Ang lalim nung tubig na binagsakan namin. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumalon ng paulit-ulit pataas para makasagap ng hangin. Ngunit unti-unting hinila ng malakas na pwersa ng tubig sa ilalim ang katawan ko. Maya-maya, naramdaman ko ng unti-unti ng lumulubog ang katawan ko. Ang tanging bagay na alam ko ay hawak nya ang kamay ko…

“Uy, uy.” May yumuyugyog sa katawan ko para gisingin ito. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

“Uy, uy.” Palakas ng palakas.

Minulat ko na ang mga mata ko.

“Uy, Micah. Nandito na tayo.”

Panaginip lang pala.

Wth! Nakatulog ako! At to think na sa balikat pa nya. -_-

Mabilis akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili.

Bumaba na kami ng taxi.

***********************************************************************************************************

SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.

Heaven Street (On-Going) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon