CHAPTER I: TIME'S UP (PART 3)

35 0 0
                                    

Ang simoy ng paligid sa labas ng ospital ay nakakarefresh… nakakarefresh… nakakarefresh…

Teka. Nagsabi ba ako ng isang compliment sa Maynila? At bakit parang may umecho somewhere sa utak ko nang sabihin ko ang “nakakarefresh”? *awkward*

Hindi ba dapat naiinis na ako sa init at mausok na kapaligiran ng Maynila?

Sabi ko na nga eh. Ang weird talaga ngayon.

Pero ba’t ganun? Kahit syudad ito, simoy pa din ng rural na bahagi ang nalalasap ng sistema ko?

Parang kahapon lang ah… naaksidente lang ako may bago na agad na proyektong ukol sa lumalalang karamdaman ng hangin na naipatupad? Agad-agad?

Ang bilis naman.

Siguro, dahil ay malapit na naming mag-eleksyon kaya nagkaganito na. O kaya napagtanto na nila saw akas na kailangan na itong maagapan.

Pero hindi eh. Sa panahon ngayon, wala ng may pakialam sa kung ano na ang kalagayan ng karamdaman ni Mother Earth, kung meron man unti lang at di pa matagumpay na naisasagawa ang operasyon sa pagsalba sa lumalalang karamdaman nito dahil kakaunti lang ang tumutupad sa pangakong tutulong. Ang dahilan? Dahil busy silang magparami ng mga kayamanan nila na nakukuha. Ganoon ang sistema. Nagbibigay si Mother Earth ng meron sya, pero tayong mga anak nya, pagkatapos mapasaya at mabigyan ng karangyaan ay iiwan ang tumatandang magulang sa pag-aalaga ng iba at ‘ni pagrespeto ay di magawang ipakita.

…o di kaya naman ay dahil malapit na ang sinasabing “katapusan” at inaakalang mangyayari sa atin ang nangyari sa 2012 na pelikula? Kaya binigyang solusyon para maagapan na.

O hindi kaya, mula sa isang angkan ng magical creature ang naihalal na namumuno ngayon at minagic nya ang lahat lahat at ting! Naging ganito na syang kaakit akit. (ito ang epekto sa imahinasyon kapag nasosobrahan sa pagpapanood ng mga anime at fairytales. -_-)

O sadyang malakas lang ang pagkakabangga sa akin at dahil dun ay nagging malakas din ang impact sa pagkakadamage ng brain ko?

Pati ang araw-araw na senaryo ng mga sasakyan na mahigpit na naglalaban para maka-overtake sa isang sasakyan na nasa unahan nya ay  hindi din natunghayan ng mga mata ko ngayon.

Walang usok. Walang trapik. Walang krimen. Walang nakakabinging ingay. Walang gulo.

Payapa. Payapa ngayon ang lungsod.

 Nasa Maynila ba talaga ako?

Nakulam ba ang Maynila?

Natawa ako sa mga naglalarong ideya sa isip ko, habang naglalakad ako, naghahanap ng pamilyar na mapupuntahan. Not to mention, suot-suot ko pa din ‘yung dress. Pero di ako nagmukhang loka-loka or something, dahil bawat tao na makakasalubong ko eh weird din, ‘yung tipong hindi mo aasahang masaksihan sa araw-araw.

Laging nakangiti…

Friendly aura…

Weird man, pero kung akong tatanungin, sana ganito na lang lagi. Tahimik. Payapa. Ito ang ideal na mukha ng isang lugar na nais mong tirahan.

************************************************************************************************************

SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.

Heaven Street (On-Going) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon