Asin at kalawang. Ang malalakas na ispiritu ng kombinasyon ng dalawang bagay na iyon ay nagwagi sa pagbabalik ng aking kamalayan mula sa nag-aabang na mga kamay ng kadiliman.
Ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko maigalaw ang aking katawan. Nasa isang naninigas na katayuan ngayon ang katawan ko kagaya nung sa mga malamig at walang pakiramdam na bangkay na masinop na nakalagay sa isang kabaong.
Ang hirap huminga. Ito ‘yung feeling na mararamdaman mo kapag naisip mo ang sarili mong malapit ng mahulog sa Mt. Everest at isang kamay na lang ang nakahawak at ang tanging pag-asa mo para mabuhay ka pa ng matagal. At ang pakiramdam na ‘to ay gaya ng adhikain at determinasyon mong labanan ang gravity na humihila sa’yo pababa kasama ang lakas ng paghila ng kamay ng kamatayan.
Parang biglang naramdaman ko na malamig ang paligid, pakiramdam ko may pilit na pumipigil sa pagdaloy ng dugo sa aking mga ugat at ‘yung pakiramdam na may isang bagay na ipinagkakait sa akin ang pagkakaroon ng suplay ng oksiheno.
Ganun din ang intensity ng pwersa na ibinubuhos ko ngayon para labanan ang bagay na pilit hinihigop ang kamalayan ko.
What the…? Gumagalaw ako? Bakit pakiramdam ko ay nakahiga ako sa isang bagay na mabilis na itinutulak patungo sa kung saan?
Nilabanan ko ang mabigat na pakiramdam na humahadlang sa pagmulat ng aking mga mata.
Unti-unti… unti-unti…
Tanging malalabong liwanag ng mga ilaw sa kisame ang sumasalubong sa aking mga mata.
…at ang isang pigura ng lalaki na tumutulak sa kinalalagyan ko…
…at teka, ano yun? Isang batang babae sa likod nung lalaki? Hindi. Hindi ko alam. May parang kung anong ulap na transparent, ‘yung parang fog, ang humaharang sa paningin ko eh.
Ano’ng nangyari?
Ba’t ganito ang nararamdaman ko?
Asan ba ako?
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.
![](https://img.wattpad.com/cover/1461949-288-k853228.jpg)