Sa wakas, nagising na din ako sa mahabang panaginip.
Kinusot ko ang aking mga mata at dahan-dahang tumayo…
Umupo ako sa aking kama. Ang weird ng panaginip ko. Hanggang sa mga oras na ‘to, naglalaro pa din sa isip ko ang mga pangyayaring naganap habang ang realidad ay ‘di maaaring makialam dahil may kung anong sagabal ang humahadlang sa pangingialam nito… sa mga oras na nakasangla pa sa dimension ng pantansya ang aking kamalayan.
Nasagasaan daw ako. At sinugod sa ospital. At ‘yung liwanag…
…’yung liwanag. ‘Yun daw ‘yung parang magnet na humihila sa akin sa panaginip ko. At pakiramdam ko, anong oras man ay hahandusay na lang ako at mawawalan ng lakas dahil lahat ng meron ako ay mahihigop ng liwanag na iyon. Na kahit anong mangyari at paglaban ang gawin ko ay magiging balewala dahil mas malakas ito kaysa sa akin.
Hanggang ngayon nararamdaman ko pa din ang mga luhang tumulo siguro habang patuloy na tinutorture ng panaginip kong iyon ang aking isip. Ang weird. Super weird.
Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa Kanya dahil isang panaginip lang iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matagal. Madami pa akong dapat gawin at tapusin. May pangarap pa akong dapat abutin. Akala ko kanina, ‘yun na ang katapusan. Akala ko kanina, tuluyan na akong sinundo ni kamatayan.
Sheeeppp. Ito talaga ang totoong weird. As in concrete. Asan ako?!
Bakit ako nasa isang ospital?! Anong ginagawa ko dito?! At saka ba’t suot-suot ko ‘tong dress na pangpasyente?
Sinampal ko ang sarili ko.
Ouch. Ang sakit. T-T Pero pagmulat ko wala pa ding nagbago.
Alam ko ‘to eh. Ito ‘yung akala mo gising ka, pero ang totoo, tulog ka pa. Nabasa ko ‘to sa isang article. Sleep paralysis. Sabi sa mga urban legends, ito yung mga oras na nararanasan mo habang natutulog ka na hindi kaaya-aya. May isang masamang ispiritu daw na nakaupo sa may dibdib mo habang natutulog ka. Ngunit ayon sa mga pag-aaral ng mga siyentista, dulot daw ito ng matinding pagkapagod. Isa daw sa karaniwang nangyayari sa taong nakakaranas nito ay nakakarinig ng mga ingay na nakakakilabot, alam ang nangyayari sa paligid nya at higit sa lahat hindi maigalaw ang katawan kahit pilit na inuutusan ng isip na gumalaw ang mga ito.
Sigurado ako. Ito talaga ‘yun. Ganito ang nangyayari sakin ngayon! ‘Yung dalawang panghuling simptomas ang naranasan ko kagabi.
Wait. Sinampal ko ulit ang natutulog na ako.
Sa wakas…
…isang namumulang pisngi ang nakuha ko, pero talagang nasa ospital ako.
Ano ba kasi ang ginagawa ko dito?
Isip. Isip. Isip. Nag-abala ang utak ko sa paghanap ng mga dokumento ng mga nangyari bago itong “hospital thing” na ‘to.
Isip. Isip. Isip.
Isip. Isip. Isip.
Isip…
Issssiiippp…
I-iisssiiippp…
Ang hirap mag-isip!
Tumikim ng tequila nung party at nagustuhan kaya inubos lahat, ‘yun pala accidentally na nahaluan ng kung anong chemical dahil walang label ‘yung lalagyan at napagkamalang isa sa mga drinks tapos sinugod ako sa ospital?
(alter ego) Nah, what are you thinking? ‘Ni, hindi ka pa umaattend ng party sa talambuhay mo na hindi kasama ang mga parents mo dahil napaka-manang mo at halos magkapalitan na kayo ng mukha ng libro mo sa sobrang closeness nyo. Muntik ka na nga maflattened at maging litrato na lang ng libro, remember? Pero kahit ganun pa man, marami pa ding humahanga at kaibigan mo.
How about Outreach Program? Habang nagkakawanggawa at masayang nakikipagtalastasan sa mga batang ilang taon ng di nakakapasok sa eskwelahan ay bigla kang tumakbo sa highway dahil nakita mong may dalawang batang nagkukulitan at ‘di namalayang may mabilis na sasakyan na dadaan?
(alter ego) Eng. Mabait ka nga. Matulungin at maawain. Pero ‘di ka pinapasali ng parents mo, nu? Baka raw kung mapaano ka. At besides, that was due two months ago. At bakit ‘di man lang bumusina ‘yung driver? Busy sa pagpapatakbo, te? Oh, sadyang sinusunod lang nya ‘yung script na nasa utak mo para may rason ka ng kapani-paniwala kung bakit ka na andito sa ospital?
Kahit kailan talaga, number one kong kaaway ang alter ego ko. :|
So…
Mukhang may point ‘yung sagasa thing. Sa tingin ko.
Aha! Alam ko na! Nakuha ko na ang dokyu kahapon.
Kaya pala amoy dugo kahapon! Kasi nabanggaan nga pala ako. Ang tanga ko talaga.
(alter ego)Buti alam mo dear~
Hey! Iisa lang kaya tayo. Kaya kung ano ako, ganun ka din! :P
Ano pa nga ba? Sa mga sitwasyong ganito at lalo na sa mga pangyayaring kasama ang pagiging absent-minded ko, iisa lang talaga ang mapapagkatiwalaan ko—ang alter ego ko.
Minsan nga, nagsagi na sa isip ko na hindi malabong mangyari balang-araw na dalawin ako ng mga magulang ko sa mental eh. T-T
Pero ba’t ganun? Ganito na ba talaga kamanhid ang katawan ko ngayon? Na kahit ‘yung mga damages na dinulot ng pagkakabanga sa katawan ko eh hindi ko maramdaman?
Oh well~ Gotta go na. Marami pa akong dapat gawin na school stuffs.
Wait. Wait. Wait.
Kung nasa ospital ako, bakit wala pala akong swero? Tapos itong baller, hindi man lang tinanggal.
Hhmmm. Ang weird talaga. Siguro tinanggal na nung nurse. Eh, hindi pwede. Kahit naman nagkamalay ako kagabi, hindi agad-agad ‘yun tatanggalin.
Hay naku~ Nevermind. At least, makakalabas na ako. O kaya, kung hindi, tatakas ako. (evil laugh) >:DD
Wow. Ang malas ko naman. Binubuksan ko pa lang ang pinto, nakangiting doktor at nurse ang nakita ng aking mga mata. Paano kaya ito? T-T
Naghintay ako ng pagkakataon at hinanap ang daan palabas.
Syempre nagging maingat ako, nu? Ano ako loka-loka? Baka magstay pa ako ditto ng isa pang linggo kung nagkataong nahuli ako.
Hindi ko kayang extension ng isang linggo ng mga walang lasang pagkain!
Napansin ko lang ba’t parang ang tahimik at napakacarefree nung mga tao sa loob. Parang walang mga sakit. Parang walang kailangang gamutin ng napakaurgent.
Ba’t ba ang weird ngayong araw?
************************************************************************************************************
SARAH CHRISTINE BARBADO. http://www.facebook.com/sarahchristine.barbado. https://twitter.com/#!/SarahBarbado. http://misspiggyrabbit.tumblr.com/.
![](https://img.wattpad.com/cover/1461949-288-k853228.jpg)