“Whatever happens, don’t die ugly,” ngumiti si Tiffany. Hindi na niya maalala kung saan niya nabasa ang linyang iyon. Ngunit mula ng araw na iyon ay tumatak na iyon bilang motto niya sa buhay. Kaya naman pinaninindigan niya iyon. Lagi siyang nagsusuot ng magagarang damit at hindi mawawala ang kanyang paboritong isuot, ang kanyang mga alahas.
Hindi siya nagsusuot ng ibang brand ng alahas. Her jewelries are always from Tiffany’s. Maaaring duon nakuha ng kanyang mga magulang ang kanyang pangalan. Sabi ng kanyang ama mula ng ipanganak siya ay alam na ng mga ito na kasing halaga siya ng pinakamamahaling brilliante. She shone like a diamond from Tiffany’s. Kaya naman sinisiguro niya sa bawal lugar na pupuntahan niya ay magsisilbi siyang diamante.
Ngayong araw na ito ay nagpunta siya sa kanyang paboritong lugar sa mundo, ang Tiffany & Co. sa 5th avenue New York. Hindi katulad ng mga pagkakataon na pumunta siya roon ay pera niya ang kanyang gagamitin upang mabili ang pangarap niyang yellow diamond.
“Anong pera mo? Dutling lang ang pera mo sa pambibi mo ano,” kontra ng isang bahagi ng kanyang isipan. Napasimangot siya. Pagkagraduate niya sa kolehiyo ay agad siyang “nagtrabaho” sa kanilang kumpanya upang makaipon. Siya ang inatasan upang pumili ng mga lay-out design ng lalabas nilang model ng cellphone. Naalala pa niya ang araw kung saan una niyang matatanggap ang kanyang sahod.
Prenteng naka-upo siya sa kanyang swivel chair habang pinakikinggan ang proposal design ng huling team ng ipatawag siya ng sabihin ng vice-president of finance, kanyang kuya, na i-check niya ang kanyang account.
“You both have nice designs but I think team A needs to darken the color a little for the rainy season is approaching. And as for team B your design will be better if you put a diamond icon to signify glamour!” pinilantik niya ang kanyang mga daliri.
“So alin po ang napili ninyo Miss Havera?”
“Team B, just send me your design plus the diamond icon for signature. Can you excuse me for a minute?” paalam niya sa mga presenters.
Nagmamadali niyang iniwan ang mga ito at idinial ang numero ng kanyang kuya. “Kuya,” tinawagan niya ito sa cellphone.
“Yes princess. Did you see it?” Tinutukoy nito ang bank account ni Tiffany sa kanilang kumpanya.
“Yeah, I thought it’s already my pay. Bakit dinaan pa ninyo doon ang allowance ko?”
“Huh? What allowance? Iyon na nga ang sahod mo.”
“Kuya, it’s not a humorous joke. Try something better,” tingingnan niya ang kanyang mukha sa kanyang compact mirror para makita kung dapat na ba siyang magretouch.
“Tiffany I am not kidding. Iyon talaga ang sahod mo,” sa narinig ay nalaglag niya ang salamin.
“My gosh, I used my brains to choose which design is better at iyon lang ang sahod ko? Isang buwan akong nalilito kung ang nasa kanan ba o kaliwa, team A ba o team B ang mas maganda then I only got an amount of money na kasing laki lang ng allowance ko?” halos maghisteria na siya. inilipat niya sa kabilang tenga ang cellphone. “What have I done wrong to deserve this? Tell me kuya, tell me!”
“Tiffany relax, I can always give you extra money. Hindi lang kasi natin pwedeng i-bloated ang sweldo mo, business is still business.” Kinalma niya ang kaniyang sarili at huminga ng malalim.
“Fine, I will accept this cheap money and work hard for my Tiffany,” tinutukoy niya ang singsing na kaniyang pinapangarap. Matapos nga ng tatlong buwan ay hindi na siya nakapagtiis at lumipad na patungong Amerika.
“Still, I earned this money. It is an advance payment,” sagot naman ng ego niya.
“Advance payment? Well in your condition, you will still have to work to pay for it until your second life time.”
BINABASA MO ANG
Swear it on my Tiffany's - Completed
RomanceAkio Masaru -The witty one. Ang half Japanese half Filipino na may pagka suplado, ok fine hindi lang pagka suplado kung hindi ubod ng suplado. Hinding-hindi siya magugulangan nino man. He spends his money wisely. Ewan ba nila kung taktika nito ang p...