“Shall I drop you home?” It was his usual line every after mass na nagkakasama sila. Tuwing inaaya niya si Akio na mamasyal ay tinatanggihan siya nito. Lagi na lamang itong may mahalagang pupuntahan.
Nagpababa siya sa isang shopping mall. She intentionally left one of her phones to act as a tracking devise sa sasakyan ni Akio. Connected iyon at ang kanyang Ipad kaya madali lamang niyang mahahanap kung saan mapapad-pad ang sasakyang ng binata. She wants to track him para malaman ang pinagkaka-abalahan nito. Mula sa device ay nakita niyang panandaliang tumigil iyon sa pag-andar. Marahil ay may dinaanan ito. Makalipas ang ilang sandali ay umandar nanaman iyon. Matapos permanenteng tumigil ay saka niya naisipang tahakin din ang landas na iyon. She saw na ang tinigilan kanina ni Akio ay isang supermarket. From there ay nag-umpisa ng maging abnormal ang tibok ng kanyang puso. She can’t figure out if its excitement or nervousness. Nakarating sila sa isang hindi pamilyar na lugar. Mula sa mapa ay bahagi pa rin iyon ng Maynila but it is unusual sapagkat magubat na ang paligid ng kalsada. Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa kanyang destinasyon.
“Akio, ano ba ang ginagawa mo sa lugar na ito?” Naitanong niya sa hangin. She walked towards the old creepy gate. May kalakihan ang vicinity ng lugar na iyon sa gitna ay may bahay na gawa sa kahoy, simple man ay malaki iyon. “Hindi kaya may girlfriend si Akio at dinadalaw niya rito?” Para tuloy ayaw na niyang ituloy ang pagpasok sa bahay.
“Magandang umaga!” Bati ng isang batang sumulpot kung saan at ngayon ay tumatakbo papalapit sa kanya. Naudlot tuloy ang balak niyang pag-alis sa lugar na iyon. “Ate, gusto mo bang pumasok sa loob? Halika!” bigla siyang hinila nito.
“Wait, wait!”Hindi na siya pinansin nito tuloy lamang ang paghila sa kanya papasok sa bahay.
“Kit-kit!” tawag ng isa pang bata sa kasama niya. Ito ang nadatnan niya sa loob ng malaking bahay. “Sino yang kasama mo?”
“Ate ko, hindi ba magkamukha kami?” malapad na ngiti nitong sabi.
“Pwede bang ate ko rin siya?” tanong ng isa pang bata.
“Sige, ate natin siyang dalawa!” Magkasama siyang hinila ng mga ito papunta sa likod bahay. Nagulat siya sa nakita nang makitang marami pang bata ang naroon.
“Ate, ate. Paki buksan mo naman un.” Nilapitan pa siya ng isang bata at itinuro ang isang case ng soft drinks. Iginaya siya ng dalawang batang unang nakita niya papunta sa case ng soft drinks.
Inabutan siya ng isang bote niyon ng buong ngiti ng batang tinawag na Kit-kit kanina. Nadala naman siya sa tamis ng ngiti nito at wala sa loob na kinuha iyon. She tried to twist the cap but she’s too weak for it.
“Kaya mo yan ate!” a girl gave her encouragement. Dahil naman duon ay muli niyang sinubukan. She tried even harder at sa wakas ay lumuwag na ang takip then something ticked.
“OMG.” Natigilan siya. Nararamdaman niyang nagtutubig ang kanyang mga mata.
“Bakit ka umiiyak ate?” innosenteng tanong ng isang bata. Nagsilapitan dahil sa narinig na iyon ang iba pang mga bata.
“Siguro sobrang masaya siya dahil nabuksan na niya ung bote.” Hula ng isang bata.
“Hindi, baka hindi siya nakakain ng ice cream. Ubos na kasi eh.” Itinaas pa nito ang lalagayan ng ubos na ice cream. Lalo tuloy siyang naiyak.
“I broke a nail.” She finally stated.
“Ano raw?” hindi nito naintindihan ang ingles.
“Na broken daw siya! Baka naalala ung ex-boyfriend.”
“Mga bata, handa na ang sandwich ninyo.”biglang nagsiihulasan ang mga ito maliban kay Kit-kit. Nakita niya si ang isang babaeng may dala-dalang tray ng sandwich kasunod si Akio na may dalang tray ng baso.
Hindi kaya iyon ang girlfriend niya? A part of her asked. Well she is too plain, her hair is a bit frizzy, her skin is dry, and her hands! Gosh kailan kaya siya huling naghand and nail cream? Manaka-naka pa ring pumapatak ang kanyang mga luha.
“What are you doing in here?” galit na tanong ni Akio matapos ilapag ang dala.
“I broke a nail.” She showed it. “Hindi na sila pantay. I have to cut them all again.” Lumabi siya.
“Kilala mo siya?” iniabutang ng babae ng isang sandwich si Akio. Gusto sana niyang agawin iyon but she managed to control herself, baka mapahiya pa siya.
“Yeah, excuse us.” Hinila siya ng binata. “How did you get in here?” pinasok siya nito sa loob ng bahay at iniupo sa sala.
“I lost my phone so I tracked it and it leads me here.” Palusot niya.
“I won’t buy it Tiffany.”
“Akio, iho. May bisita ka pala.” Sabi ng isang madre na lumabas mula sa isa sa mga silid. “Kumain ka na ba iha? Halika saluhan mo na ang mga bata.” Yaya nito.
Nagtataka si Tiffany bakit may madre duon. She looked around her and she realized na ang lugar na iyon ay isang bahay ampunan. Unti-unting nabibigyang linaw ang lahat. Ang mga tanong na matagal ng nakabitin sa kanyang isipan. Maybe, Akio is donating to the institution that’s why he works so hard. Kaya pala sobra ang pagpapahalaga nito sa pera, he empathize these children. Lalo tuloy niyang hinangaan ito. He truly has a good heart. Nagdiriwang na ang kanyang puso ng maalala ang babaeng hindi niya malaman kung kalian huling gumamit ng hand and nail cream. Sino ito at anong kaugnayan nito kay Akio?
“Akio! Sino ung babae kanina?” umabresiete siya sa binata ng pabalik na sila sa likod-bahay.
“Baket, selos ka?”
“Feelingero ka talaga.” Huminto si Akio at pinihit niya paharap si Tiffany.
“As long as you are mine I’m completely yours.” He looked at her eye to eye.
“Sinong nagsabing I’m yours?”
“Jason Mras.” Biro ng binata.
“Ang corny mo!” Hahampasin sana niya ito ng bigla siyang niyakap ni Akio.
“I think I love you.” Natigilan si Tiffany sa narinig.
BINABASA MO ANG
Swear it on my Tiffany's - Completed
RomanceAkio Masaru -The witty one. Ang half Japanese half Filipino na may pagka suplado, ok fine hindi lang pagka suplado kung hindi ubod ng suplado. Hinding-hindi siya magugulangan nino man. He spends his money wisely. Ewan ba nila kung taktika nito ang p...