The other day ay nakatanggap si Tiffany ng text mula kay Akio inviting her to be the Whiz-bang’s stylist. Agad naman siyang pumayag. She loves to style at isa pa ay natutuwa rin siyang makita uli ang Whiz-bang most especially si Akio. She realized na mabait ito. He gave her ring back and she gave his ATM card back. Umiiral pa rin ang pagiging snob nito subalit ngayon ay iyon ang namimiss niya sa binata. Maybe she knows how to handle it and she surely enjoys that fact.
“Good evening!” bati sa kanya ni Martino. Yayakapin sana siya nito ng pigilan iyon ni PJ. Itinuro ng huli si Akio. “Bakit naman?” tanong nito kay PJ. “Hindi ba’t available ka pa naman Miss chanel no. 5?” hangga ngayon pala ay iyon pa rin ang alam nilang pangalan niya.
“Martino, may text sa iyo si Ada.” Itinaas ni Kenzie ang phone ng playboy. Agad namang tumalima ang huli.
“Talaga? Akin na.” nagmamadali itong kunin ang mobile phone. Inihagis naman iyon ni Kenzie. Muntik na iyong bumagsak sa sahig. “Loko ka talaga, Kenz.” Hindi naman niya inaalala na baka masira ang gadget he is more concerned to read the message.
“May dala ka bang pagkain Miss Chanel no. 5?” si Chad naman ang lumapit sa kanya. “Gutom na ako eh.” Dugtong pa nito.
“Akio, am I that fat?” pabulong niyang tanong sa binatang nasa kanyang tabi.
“If you just want to hear from me that you are sexy, forget it.” Naglakad ang binata patungo sa sala ng studio nila madali naman siyang sinundan ng dalaga.
“No, kasi tinanong ako nung isa if I bring food. Baka kasi iniisip nila na mahilig akong kumain.” She innocently explained.
“Let me see.” Lumayo si Tiffany ng bahagya upang makita siyang maayos ni Akio. Umikot pa siya na parang nasa pagent. “You are……….” Binitin siya nito.
“What?” hindi na siya makatiis.
“Maarte.”
“Oh you forgot,……… and maganda.” She did her signature move, flipping her hair.
“Who told you that?”
“Your looks on me.” She confidently said. Hindi na nakapagsalita pa si Akio, mahirap nga namang magsinungaling. And because of that the socialite smiled in victory.
Sa mga sumunod na araw ay naging abala ang Whiz-bang sa kanilang music video at pagrerecord ng mga kanta. They were supposed to release a full-length album but because of time constrains, they decided to have a digital one. Kenzie wrote the lyrics of their songs while Akio gave them the beat. Si Chad naman ang choreographer nila. PJ stood as the group’s leader whereas Martino spreads the charisma of the group.
Naalala ni Tiffany ng una niyang makadaupang palad si Akio. He was wearing a business suit, a black coat with a loosen tie and a pair of sneakers. May butil-butil pa ito ng pawis nuon. Marahil ay kakagaling lamang nitong magperform. She thinks that it’s the best image for the group, men in tie but were so cool and astig. So for one of their themes Tiffany decided to have that Whiz-bang’s look.
“This seems familiar.” Sita ni Akio ng inabot ni Tiffany ang damit niya. Sinenyasan lamang siya ng huli na magbihis na. They will shoot the music video today.
“Yeah, it looks the same as the one you wore when we first met. Pero halos pare-parehas naman lahat ng mga business suits mo.” Nilapitan niya si Akio. “Let me fix it.” She loosen the tie a bit. “Now, that’s the look.” Pinagpag pa niya ang balikat ng binata to show superiority. From a corner ay tahimik niyang pinapanuod ang Whiz-bang. “Si Akio talaga, kahit na sa harap ng camera halata ang pagkasuplado.” Kumento niya ng matapos na ang first take na hindi man lamang nasisilayan ng camera ang ngiti ng binata. The fact is halos lahat naman ng miyembro ay hindi ngumingiti they prefer to show arrogance than cuddliness. Si Martino lamang ang manaka-nakang ngumingiti. Magpagayun pa man ay si Akio lamang ang mababanaag sa mukha ang pagkasuplado.
“Miss, miss!” tawag kay Tiffany ng isang babaeng nakasuot ng neon pink pants at printed shirt. Kakagaling lamang niya sa malapit na coffee shop dahil binilhan niya ng iced coffee ang mga binata.
“Yes?” nakakunot ang nuo niya. She never thought na cute din pala ang magtirintas ng buhok in two. Her fashion is a bit off but surely, she looks so cute.
“Pwede bang paki bigay mo ito kay Martino?” excited na sabi nito.
“Do you know him? Maybe he can let you in. May I know your name?” Naisip niyang baka isa ito sa mga girlfriends ni Martino. Though malayo ang babae sa tipo ni Martino na socialera ay nagbakasakali na rin siya. Baka nga naman nag-iba ang trip nito.
“Moira, Moira maganda at mapili kaya Dimacuha!” She spread out her arms as if the introduced herself in a barangay beauty pageant.
“Come again?” naguluhan siya sa sinabi nito.
“Naku, paki bigay mo na lang ito.” Inabot niya ang isang paper bag sa kanya. “Wow, amputi-puti mo naman, ang kinis pa. Hindi ka naman siguro girlfriend ni Martino di ba?” Nginitian siya nito. “Waaaaaah! Si Akio!” tili nito ng makitang papalabas ang binata.
“Saan ka ba nanggaling? Bakit ang dami mong dala?” kay Tiffany ito dumeretcho na hindi man lamang pinansin si Moira.
“I bought these.” Itinaas niya ang bit-bit na halos hindi na siya magkandaugaga dahil sa dami niyang dala ay dumagdag pa ang paper bag ni Moira.
“Let’s go inside.” Kinuha niya ang mga dala ni Tiffany at nauna na palakad ng building.
“I’ll go ahead.” Paalam ni Tiffany kay Moira na tulala sa pagkakakita kay Akio. Ganuon ba talaga ang epekto ng binata sa mga kababaihan? Well, she’s quite lucky. She managed to catch the attention of this snob man sa una nilang pagkikita. Hindi tulad ng karamihan na hindi man lang tinapunan ng tingin ni Akio. She wondered kung ano ang naging kapalaran nila if the things then were different. Magiging ganito pa rin kaya sila ka close? She wiped that thought off inaantay na siya ni Akio sa may pintuan. Nginitan niya ito ng makalapit siya.
“Wag ka ngang ngumiti. Para kang baliw.” Nakakunot ang nuo nito.
“Sorry ka, I can’t help not to smile. Darling……” Hinawakan niya ang gilid ng mukha nito at unti-unting hinaplos iyon. “You just have to endure not to be enthused by it.” Siya naman ang nag-iwan sa natulalang binata.
BINABASA MO ANG
Swear it on my Tiffany's - Completed
RomanceAkio Masaru -The witty one. Ang half Japanese half Filipino na may pagka suplado, ok fine hindi lang pagka suplado kung hindi ubod ng suplado. Hinding-hindi siya magugulangan nino man. He spends his money wisely. Ewan ba nila kung taktika nito ang p...