Chapter 17 - Stay still

181 4 0
                                    

“Oo, lalabas na ako wag na kayong pumasok at manggulo dito.” Natigilan sa paglalakad ng matulin si Tiffany. Kakatapos lamang ng diskusyon nila ni Akio patungkol kay Mina sa may kusina. She heard Mina’s voice, talking to someone over the phone.  Naramdaman niya ang pagkabalisa sa tinig nito. Matapos niyong ibaba ang telepono ay natigilan si Mina ng makita si Tiffany. Nasisiguro niyang  alam nito na narinig niya ang mga sinabi nito.

Palabas na si Mina ng madaanan sila ni Akio. “Mina, pwede bang ikaw na ang magdala nito sa likod?” nag-aatubili siyang kuhanin ang tray na dala ng binata. Alam niyang pag natagalan siya ay manggugulo na ang mga taong kausap niya kanina.

“Mina!” Tiffany raised her voice. “Haven’t I told you to throw the garbage outside? Go pick it up! Go!” nagmamadaling umalis si Mina.

“Tiffany, what’s with that again?” kunot nuong tanong ni Akio.

“I just live up to my reputation.” Inirapan na niya ito at iniwan. She wanted to follow Mina. Pakiramdam niya ay kailangan nito ng tulong.

“Halika sumama ka sa amin!”naabutan niyang hinihila si Mina ng mga mukhang goons, with bearded  face, suspicious looking eyes and matching “for goons” jacket.

“Wait! Saan ninyo siya dadalhin?” naguguluhan man ay maarte pa rin ang tono niya.

“Miss, wala kang pakialam dito. May utang sa amin ang babaeng ito.”

“Tiffany, pumasok ka na sa loob.” Utos pa sa kanya ni Mina.

“What? May utang si Mina sa inyo?” Paano kaya nakilala ni Mina ang mga taong ito? “How much?” maybe ay kaya niyang bayaran ang mga ito. Sana nga lang ay hindi kalakihan iyon. She doesn’t bring huge cash, puro credit cards naman kasi ang gamit niya.

“Kalahating milyon.”

Oh M! Her cash is not enough.“Do you accept credit cards?” Sinamahan pa niya ito ng magandang ngiti. Usually when she go shopping ay nadadaan niya sa ngiting iyon ang mga stores na ayaw tumanggap ng credit cards, it works every time. Ito na lamang ang naisip niyang paraan. Tutal naman usong-uso na ang credit cards sa mga panahong ito.

“Ano? Niloloko mo ba kami?” babatukan siya ng isang goon kaya naman ipansasangga niya ang kanyang kamay. Mula doon ay kumislap ang kanyang pinahahalagahang sing-sing. The Tiffany’s limited edition ring with a yellow diamond.

“Wait! I have an offer. I’ll give you my limited edition Tiffany ring.” Iniharap niya iyon sa kanila. Ipinilantik niya ang mga daliri. “This is a genuine yellow diamond and mind you this is a rare one.” Ikinumpas-kumpas pa niya ang kanyang mga daliri na para bang minomodel ang sing-sing. Mukhang nakuha naman niyon ang interest ng mga ito.

“Tiffany wag ka ng makialam dito. Pumasok ka na sa loob.” Pinigilan ni Mina na lapitan si Tiffany ng mga goons.

“Although I know that I have pretty hands, this ring really looks good on anyone. But it suits me best right?” the socialite really loves to flatter herself.

“Sige, pwede na ito.” Agad-agad na kinuha ng mga ito ang kanyang sing-sing.

“Wag ninyong kunin iyan.” Pinipigilan ni Mina ang mga pangyayari but she is too weak for such.  

Hinatid na siya ni Akio sa kanilang bahay ng gabihin sila sa kakahanap ng regalo para kay Kit-kit. “Tiffany, I’ll be out for two weeks” iniabot nito sa kanya ang regalong nabili nila. Magmula pa kanina ay nagsusungit ang binata sa kanya. Marahil ay galit pa rin ito sa eksena nila ni Mina.

“Out of the country?” ngayon pa bang malapit na siyang ma-admit sa ospital ito hindi niya makakasama?

“No”

“Eh saan ka nga pupunta?”

“Basta, don’t ever try to track me again or else!” aba’t pinagbabantaan pa siya nito?

“Fine! Do whatever you want! Hindi kita kawalan!” sa inis ay tinalikuran na niya ito. Mas gusto nga sana niyang makasama ang binata bago mamalagi sa ospital ay wala siyang magagawa. Ito mismo ang gumawa ng paraan upang hindi sila magkasama. Hindi siya magpapakababa upang magmakaawa rito. Its not in her vocabulary.

Hindi na napigilan ni Akio na yakapin si Tiffany. Kaninang umaga na nakita niyang lumuluha ito ay ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mabuhay pa ito ng mas mahaba. He wants her to experience a life full of joy. Gusto niyang mag-iba ang tingin ni Tiffany sa kanyang sarili. No, she is not just a spoiled brat na shopping lang ang nasa utak. She is a lady who is so vulnerable and ready to help others. Kaninang naabutan niya na tinatarayan ni Tiffany si Mina ay sinaway niya si Tiffany hindi dahil kumakampi siya kay Mina but because he wants to tame her. Ayaw niyang magalit ito dahil delikado sa puso niya.

Nag-leave siya ng dalawang lingo upang magfocus sa paghahanap ng puso para maitransplant iyon kay Tiffany. He made a promise to himself, whatever it takes ay maibibigay niya ang puso para kay Tiffany. And when he makes a promise it was never broken.

“Stay still.” Halos ibulong na lamang ni Akio iyon sa hangin. Madali na niyang pinakawalan si Tiffany ng bumukas na ang gate.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nararamdaman ni Tiffany ang unti-unting paghina ng kanyang katawan. Tatlong araw pa lamang ang nakakalipas mula ng huling magkita sila ni Akio ay nagkaroon siya ng mild heart attack. Mula noon hangga ngayon ay hindi pa siya pinapaalis sa ospital.

“Daddy, may bisita ba akong dumating kagabi?” Pangatlong araw na niyang bukambibig iyon tuwing gumigising siya. She is hoping na bibisitahin siya ni Akio. Buong araw niya itong hinihintay ngunit ni anino ay hindi niya mahagilap. Kaya naman nagbabakasakali siyang baka sa gabi kapag natutulog siya ito dumalaw.

“Wala naman.” Another disappointment. Sana man lang ay abutan siya ni Akio na buhay. She wishes to see the man even just one last time. Babaunin niya ang mga magagandang ala-alang pinagsaluhan nila hanggang sa kabilang buhay.

Pare,” napalingon si Akio sa pinagmulan ng tinig. Isa itong lalaki na nag-aantay rin sa information desk ng Philippine Heart Center. “Napansin kong ilang araw ka ng pabalik-balik dito. Sino bang dinadalaw mo?”

“No one.” Matipid niyang sagot.

Ngumisi ang lalaki. “Nag-aantay ka bang heart donor? Ung asawa ko rin kasi kailangan ng transplant.” Akio got interested. Pareho pala sila ng pinagdadaanan nito. “Payong kaibigan lang tol. Kung hindi ka pa nakatali. Wag kang magpapatali.” Nag-iba ang aura ng lalaki. “Mahirap ‘yan. Hindi mo makakasama pagtanda. Mahirap maghanap ng donor. Siguradong tsugi rin.  Alam namang wala ng pag-asa pero kailangan mo pa ring pumunta dito para hindi ka mapintasan na isang masamang asawa. Kung ako sa iyo pre, habang maaga pa palitan mo na. Wag kang magmahal ng babaeng palyado ang puso.” Inakbayan pa siya nito.

“Pwede ba alisin mo ang kamay mo sa balikat ko bago pa kita masuntok.” Nagulat ang lalaki sa sinabi ni Akio.

“Pre ako ay nagbibigay payo lamang, mahirap talagang----” hindi na nito natuloy ang sinasabi sapagkat nagsalita na si Akio.

“Mahirap ba? Atleast its possible to love them. It’s better than loving someone who has no heart at all.” Iniwan na niya ang lalaking iyon. Baka masuntok pa niya ito. Isang walang kwentang nilalang iyon. Wala itong puso and doesn’t know the meaning of love. Natatakot siya, natatakot siyang isipin na hindi niya kasamang tumanda si Tiffany. He can never let that happen.

Swear it on my Tiffany's - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon