Tigagal pa rin siya sa nakikita. Naramdaman niyang mahigpit na yakap ni Kit-kit, she realized she wanted to return the child’s hug so she did.
Namalayan na lamang niyang nilapitan siya ni PJ. “Tiffany,” hinagod nito ang kanyang likod.
Kenzie offered her a handkerchief. Bagama’t hindi siya sigurado sa mga pangyayari ay naghihinagpis ang kanyang puso. She just felt she is in sorrow. Para bang sinasabi ng puso niya na magluksa siya. May kinalaman kaya iyon sa orihinal na may ari nito?
“Si Akio?” she asked to a no particular person. Walang sumagot, tiningnan niya si Chad ngunit nag-iwas ito ng tingin.
Lalong nagwala ang puso niya. Nasaan ang binata?
“Nasaan siya?” tumayo siya upang mas mabuting makausap ang mga ito. Wala pa ring sumagot sa kanyang katanungan. Tila tutop ang mga bibig. “Parang awa ninyo, ituro ninyo na si Akio sa akin.” Pagsusumamo niya.
“Chad, where is he?” hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Inalis nito iyon, instead he held her hand so tight as if telling her to be strong.
“Bro, ikaw na ang sumama sa kanya.” Si Kenzie iyon na halatang nahihirapan ang kalooban.
Iginaya siya ni Chad papunta sa sasakyan nito. Hindi niya makita ng maayos ang kanilang dinadaanan sapagkat nanlalabo ang mga mata niya sa kaka-iyak.
Nanlalambot siya nang makita ang hinintuan nila. It is a cemetery. “Bakit tayo nandito? Dalhin mo ako kay Akio.” Sinisikap niyang patatagin ang kanyang tinig. Natatakot siyang marinig ang magiging sagot ni Chad.
“He is here.” Napapikit siya sa narinig. Nanginginig na ang mga kamay niya. Is she ready to face him?
This is as crazy as hell. Ilang beses na siyang sinabihan ni Akio na mahal siya nito ngunit kahit kailan ay hindi niya iyon natugunan. “No, please no.” wag naman sana huli ang lahat. She might be physically alive now but she is so afraid to know that her soul might be dead.
Inalalayan siya ni Chad upang maglakad dahil kanina pa nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Wala paring humpay sa pagtulo ang kanyang mga luha. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pagod na iyon sa pagluha. Hinayaan na lamang niya si Chad na dalhin siya sa gustong pagdalhan nito sa kanya. She wants to rest her eyes. Hindi niya alam kung hanggang kailan iyon iiyak. Tanging mukha ni Akio ang nakikita pagsara ng mga iyon. Lalong tumindi ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ng biglang may umakap sa kanya. She was so shocked. Sobrang higpit ng yakap na iyon and it was a familiar hug, it was like how………….. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. She is still in shock, hindi niya magawang makapagreact. Is she hallucinating? Ganoon ba niya ka miss ang binata na sa gitna ng init ng araw ay nararamdaman niya ang yakap nito?
“Tiffany, she’s dead.” Garalgal ang tinig na iyon. Her heart melted. Si Akio ang narinig niya. That’s the moment she hugged him so tight. Naramdaman niya ang kalungkutan nito. Masama na siya kung masama but she is quite relieved that he is alive.
“Bro, Tiffany,” kinuha ni Chad ang attention nila. “Sa sasakyan lang ako.” Paalam nito. Naramdaman ni Tiffany ang pagtango ni Akio.
Ilang minuto rin silang nasa ganuong posisyon. Nararamdaman niya ang pangangailangan ng binata ng comfort from her. She appreciated it, alam niyang siya lamang ang makakagawa niyon sa binata. Siya lamang ang tanging babae na hinahayaan ni Akio to see that he is also vulnerable.
Hinagod niya ang likod ng binata. “Everything will be fine. I’m always here for you.” She felt the calmness in his heart after what she said.
Naka sunglasses man ay alam ni Tiffany na umiyak ang binata. She felt a few teardrops on her shoulders kaninang akap-akap siya nito.
“How did she died?” magkahawak kamay sila ni Akio habang nakaharap sa puntod ni Mina. She learned na noong isang buwan ay namatay ito, ngayong araw ay ginugunita nila ang unang buwan ng kanyang pagpanaw at dahil walang ibang pamilya ay pinayagan itong iburol sa ampunan. Besides, it was her home.
“Let’s not talk about it.” Nadismaya man ay hinayaan na lamang niya. Maaring hindi nito gustong balikan ang mga pangyayaring iyon. Nang tumindi na ang sikat nga araw ay bumalik na sila sa ampunan.
She rested in one of the rooms. Marami sa mga bata ay tulog, marahil ay bumabawi ang mga ito. Bakas sa mga mata ng mumunting anghel ang pagod.
“Tiffany, can we talk?” napatingin siya kay Martino. Seryoso ang mukha nito. Dagli siyang ngumiti at tumango.
Pumunta sila sa sala, sila lamang ang naroroon. Karamihan ng mga tao ay natutulog o kaya ay nagpapahinga sa likod.
“Tiffany, natatandaan mo ba ang mga taong nakausap ni Mina ng huli kayong magkita?”
Napakunot ang nuo niya. “Does this have something to do with her death?”
“Yes.” Kita sa mga mata niya ang determinasyong malaman iyon kaya bumuntong hininga si Martino. “Mina met with those men to get your ring back.” Natigagal siya. Mina died trying to get her ring back?
“Martino!” isang suntok ang tinanggap ni Martino mula sa galit na si Akio.
“She deserves to know!” napangiwi si Martino sa sakit ng pangang tinamaan niyon. Nilapitan ni Akio si Martino at hinawakan ang kwelyo nito as if saying he should stop or he must be ready to accept more punches from him.
“Akio, alam kong inaalala mo ang mararamdaman ni Tiffany but at least be fair to Mina! She deserves justice and we need Tiffany’s statement!” tila binuhusan ng malamig na tubig ang binata sa sinabi ni Martino. Yes, Mina deserves justice. Pero paano na si Tiffany? He hates the thought na sisihin nito ang sarili niya sa pagkamatay ni Mina or even associate herself from Mina’s death.
Binitawan niya si Martino ng tumunog ang phone nito. “Hello? Yes this is Attorney Lombardi speaking.” Napatingin sila kay Martino.
“Excellent, I’m on my way.” Umaliwalas ang mukha nito. “It’s the NBI, nahuli na nila ang loan shark.” Imporma nito. “Pupunta lang ako sandali duon to settle things.”
“Sasama ako.” She firmly said. Tiningnan naman ni Martino si Akio kung sasang-ayon ito sa gusto ng dalaga.
“We’re all going.” Sa wakas ay sabi ni Akio. Martino is right; he needs to be fair with Mina.
BINABASA MO ANG
Swear it on my Tiffany's - Completed
RomanceAkio Masaru -The witty one. Ang half Japanese half Filipino na may pagka suplado, ok fine hindi lang pagka suplado kung hindi ubod ng suplado. Hinding-hindi siya magugulangan nino man. He spends his money wisely. Ewan ba nila kung taktika nito ang p...