“Oh, Tiffany. Such a wonderful day. Dinalaw ako ng aking prinsesa.” Sa araw na iyon ay sinadya ni Tiffany ang kanyang ama sa opisina nito. Maaga kasi itong umaalis ng bahay at late naman kung magising sa umaga ang dalaga kaya hindi niya ito naabutan. Bibihira naman siyang pumunta sa kanilang kumpanya. Wala nga naman siyang gagawin duon. She only goes there when it is necessary like this time.
“Good morning too dad.”natuwa rin naman siya sa reaksiyon ng kanyang ama. “Daddy, may calling card ka ba nung anak ni Mr. Masaru?”
“Ah oo meron. Teka.” Ngunit ang calling card ng matandang Masaru ang iniabot nito, ang sa Kuya ni Akio.
“Dad, hindi ito.” Alam kasi niya ang pangalan niyon. “Ung dun sa……..” Sasabihin sana niyang mandurugas at supladong anak ni Mr. Masaru ngunit naputol iyon dahil nagsalita na ang kanyang ama.
“Ah, si Akio. Ikaw anak ha. Mukhang mailap ang isang iyon. Mabuti pa ay magpatulong ka sa Tito mo. Siguradong mas madadalian ka sa paghahabol kay Akio.” Parang may kislap sa mga mata nitong sabi. Sa wakas ay umiibig na rin ang anak ko.
Naisip niyang tama ang ama niya. Bakit nga naman hindi na lamang niya isumbong ito. “Sige dad, I’ll go ahead.” Humalik na siya at nagmamadaling umalis.
Sinadya niya ang matandang Masaru sa opisina nito. Sila pala ang nagmamay-ari ng mall na lagi niyang pinagshoshoppingan. Mayaman naman pala ito, bakit kaya parang kailangan na kailangan nito ng pera na nagawa pa siyang lokohin at iparenta ang sing-sing niya? Such a weirdo……
Sinabi niya sa tatay ni Akio na may kailangan siyang maibalik ang isang bagay na napakahalaga sa kanya. He needs to see Akio. Bumalik daw siya bukas at may ibibigay daw ito sa kanya na ikatutuwa niya. Natuwa naman siya at mukhang nakahanap siya ng kakampi.
Palabas na siya ng lobby ng may marinig siyang pamilyar na tinig. It was Akio’s voice. Narinig niyang may kikitain itong tao. At mula sa conversation ay napag-alaman niyang may isasauli ang kausap nito sa kanya. Maybe it is her ring na isasauli na ng nagrenta. She decided to follow him secretly. Sigurado namang hindi papayag ang lalaki na isama siya. Para na rin makuha na niya ito sapagkat baka ano pa ang gawin ng supladong ito duon. Hindi na niya kaya pang mawalay ang baby niya sa kanya sa mga susunod na araw. It feels like dying slowly every minute that her precious tiffany is not by her finger.
Sumakay siya ng taxi upang hindi siya mahalata. Nang makarating sa Quezon City Memorial Circle ay nagpark na si Akio kaya naman bumaba na siya ng taxi. Naglakad ang binata palabas ng Circle kaya sinundan niya ito. May mga pagkakataon pa na nagtago siya sa likod ng puno, kunwaring bumibili siya ng prutas sa kalye tuwing medyo lumiliko si Akio upang hindi siya mahalata.
Naglalakad pa rin siya sa tabi ng kalye ng biglang may riding in tandem na humablot ng kanyang bag. “My hermes!” sigaw niya. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan sa pagkabigla. Nanginginig ang kanyang buong kalamnan. She never expected that such things happen in real life. Akala niya ay ang mga ganuong plot ay gawa-gawa lamang ng mga manunulat ng storya sa kanyang napapanuod na movie. How could someone do that to anyone? Sandali siyang natigilan at pilit pinapakalma ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Hinabol niya si Akio sa di kalayuan upang humingi ng tulong.
“Akio! Help me.” Humuhungos siya.
“What are you doing in here?” sa halip ay tanong nito.
“I was following you and….” Naputol ang pagsasalita niya sa galit sa mukha ng binata.
“What? You are stalking me! Halika, sumama ka sa akin sa pulis. Hindi mo ba alam na illegal ang ginagawa mo?” Hinawakan siya nito ng mahigpit. Kung sanang hindi niya alam na ginawa nito iyon dahil ayaw siyang makatakas ay magpapasalamat siya because somehow ang hawak nito ay sumuporta sa naglalambot pa niyang kalamnan. Halos kinakalad-kad na lamang siya ni Akio para makarating sa pinaka malapit na prisinto.
Inupo siya ng binata sa harap ng complaint desk at iniwan siya nito at may kinausap na pulis. Makalipas ang ilang sandali ay pinatuloy sila sa opisina ng chief officer.
“Miss Havera, uminom po muna kayo.” Inabutan siya ng isang baso ng tubig. Ngunit hindi niya iyon pinansin at tulala lamang siya.
“She prefers bottled distilled water.” Si Akio iyon. Alam niyang ayaw lamang nitong uminom sa tubig na hindi niya kilala. Hindi nga ba’t maarte ang dalaga and this situation don’t excuse that fact.
“My iphone, my chanel no. 5 and my hermes bag.” Naitakip niya ang palad sa kanyang mukha. Matapos lang niyang uminom ng bottled distilled water siya nahimasmasan.
“As expected iyon pa rin ang iniisip mo.” Umupo sa tapat niya si Akio. Tiningnan niya ito ng masama. How could this man make her day even worse? First of all ay hindi sana siya mananakawan kung hindi niya ito sinundan. At ngayon ay dinala pa siya sa prisinto to charge her of stalking him!
“Mr. Akio, dumating na po si Atty. Lombardi.” Nuon nakapag-isip ng matino si Tiffany.
“I need a lawyer!” she declared.
BINABASA MO ANG
Swear it on my Tiffany's - Completed
RomanceAkio Masaru -The witty one. Ang half Japanese half Filipino na may pagka suplado, ok fine hindi lang pagka suplado kung hindi ubod ng suplado. Hinding-hindi siya magugulangan nino man. He spends his money wisely. Ewan ba nila kung taktika nito ang p...