Chapter 2 - One of its Kind

314 10 0
                                    

Matapos mabendahan ang paa ay binigyan siya ng saklay. “Ayoko niyan.” Maarteng sabi niya sa doctor.

“But you need this.” Giit ng doctor ngunit inirapan lamang siya ni Tiffany.

“It’s ok doc.” Sabi lamang ni Akio at pinangko na ulit ang dalaga.

“I need to take a dip.” The socialite blurted out of nowhere whey they reached Akio’s car.

“Are you serious?” Hindi makapaniwalang tanong ng binata. He looked at her so intently in disbelief.

“Bumagsak ako sa semento na tinatapak-tapakan at galing ako sa hospital. Hindi ko alam kung anong germs ang kumapit sa akin.” Maarteng pinakumpas-kumpas pa niya ang kanyang mga kamay to emphasize.

Hindi kumibo si Akio. Nagsimula na lamang siyang magdrive at may tinawagan sa cellphone.

“Hello? PJ, I need a room…….. for two in your hotel.” Na-iimagine na niya ang nagging reaction ng kanyang kaibigan sa kanyang sinabi but he could care less.

Muling tiningnan ni PJ ang caller ID ng tumatawag sa kanya. He surely has a voice Akio has, but definitely not the word he will hear from his stingy friend. “Wow bro! that’s a first. Lagi for one lang ngayon for two na. Iba na yan.” Nag-aasar na saad ni PJ mula sa kabilang linya.

“Then make it your suite.” He’s starting to be pissed-off

“Sino bang kasama mo ha, Akio?” curious na tanong nito.

“Malapit na ako sa hotel ninyo. Siguraduhin mong pagdating ko ay ayos na ang lahat.”

“Ang sungit naman nito. Kung maka-utos ka daig mo pa ang VIP ah.”

“I am a VVIP.” He said a matter of fact. He is the second heir of real estate magnate.

“VVIP na hindi nagbabayad. Kuripot!” pagkasabi niyon ay binabaan na siya ni PJ. Alam kasi ng binata na susupladuhan nanaman siya ng kaibigan. Sanay na rin naman ang mga kaibigan niya kay Akio. Ito ay ang pinakatahimik sa kanilang lahat at kung bubukas ang bibig ay dalawa lang ang aasahan, its either magsusuplado o magbibigay ng brilliant idea. Wala rin itong kasing kuripot. He sure earns a lot at stable rin ang kumpanya ng pamilya nito pero hindi nila alam kung bakit parang lagi itong nagtitipid ng pera.

Binabalak sana siyang alalayan ni Akio papasok ng hotel ngunit inangkla na ni Tiffany ang mga kamay niya sa batok nito. So he have no choice but to carry her. Pinagtitinginan sila ng tao kaya ihinilig ng binata ang ulo ng dalaga upang hindi makita ang mukha nito.

“Dulce and Gabbana.” Walang kaabog-abog na sabi ni Tiffany.

“What?”

“Your perfume, it’s Dulce and Gabbana.” She explained.

“I see you have the pleasure of sniffing my scent.” He said with no facial expression at all. Papasok na sila sa pinto ng hotel room.

“You wish!” Hindi naman ata niya hahayaang mapahiya siya. Excuse me, I am Tiffany Havera and men go crazy over me and not the other way around.  “I see you have the pleasure of touching my legs.” Nakasuot kasi si Tiffany ng mini shorts kaya naman hindi maiiwasang mahawakan ni Akio ang makikinis niyang hita.

Sa narinig ay parang napaso siya nitong binitawan pabagsak sa kama. Mabuti na lamang at malambot iyon.

“You are really rude you know! Such an ungentle man!” Reklamo ng socialera.

“The bathtub is ready so just do what you’ve got to do.” The stingy man said to shift the subject of the conversation.

“Hello?” Tiffany crossed her arms in front of her as if waiting for something. “Help me to get there.” Hindi na nagsalita pa ang binata at binuhat ito patungo sa banyo. Inupo niya ito sa gilid ng bathtub at iniwan duon.

“Hey! Are you there?” makalipas ang ilang minuto ay narinig niyang tumatawag ito. Hindi sumagot ang binata. “Hey! I need some help here! People!” nairita na siya.

“What!?” inis niyang bungad sa dalaga na naabutang nakababad sa tub. Natigilan siya. He is not used to see a lady soaked in a tub knowing that she is naked under those white bubbles. Napalunok pa ang binata ng makita ang hita na nahawakan niya kanina pagkat naka-angat ang ankle nito dahil baka mabasa ang benda niyon.

“Paabot naman nung robe.” Nangmapansing hindi kumikibo ang binata ay natawa siya. “Don’t tell me ngayon ka lang nakakita ng kasing ganda ko na naliligo?”

“Oh, please. You don’t even tempt me.” Iniabot nito ang roba.

Nang makalapit si Akio ay hinila pa siya pababa ni Tiffany. “Oh really?” she allured him closer. Lalong natawa ang dalaga ng makitang natameme lamang ang binata. “Your reaction state otherwise.” Dahil duon ay nakabawi si Akio at mabilis na inirapan siya at lumabas duon.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na sila sa parking ng hotel kung saan nagpasundo si Tiffany sa kanyang driver.

“You owe me.” Sabi ng binata matapos siyang maiupo sa backseat. Knowing the guy he won’t let this woman get away with the money he used for her.

“I’m going to pay you.” Kinalkal niya ang dalang bag ngunit 5000Php lamang ang kanyang cash at puro credit cards ang laman niyon. She knows hindi iyon sapat dahil utang niya sa binata ang lahat. Mula sa bills sa ospital, sa hotel hanggang sa mga damit na ngayon ay suot nito. Pati ang undies niya ay bago rin. Nagtataka nga siya dahil tamang-tama ang size niyon.  “This is my only cash now. Here’s my calling card. You may contact me at a later time for the rest of the payment”

“That’ll do .” Tinuro nito ang singsing ng dalaga. Hindi ata siya papayag na wlang kasiguraduhan ang pagbalik ng kanyang pinakamamahal na pera.

“Oh no! This Tiffany ring is one of its kind.” Gulat na may kasamang takot ang nadama. Paano ba naman ay pinag-iinteresan pa ng lalaking ito ang kanyang pinakamamahal na tiffany yellow diamond ring, her most precious baby? No way magkamatayan na sila. Hinding hindi niya hahayaang mawalay sa kanya iyon.

“I don’t accept calling cards. I need collateral.”

“Oh darling believe me, my calling card is way too enough to be a collateral.”

“The ring.” Inilahad nito ang kanyang kamay at para bang wala ng makapagpapabago sa isip nito. Hinila niya ang kamay ni Tiffany upang hubarin ang sing-sing nito. Napanganga na lamang ang dalaga sa asta ng binata.

Swear it on my Tiffany's - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon